Chapter 28

88 6 1
                                    

Naya's Point of View

"Ilang araw na lang anniversary na niyo ni Lux, ah! Anong plano niyong dalawa?"

Tanong ni Ava sa'kin habang kumakain kami sa cafeteria. Dalawa na lang kaming sabay na kumakain ngayon. 3rd year na kami at mag-kaklase pa rin. Hindi na namin kasama ang squad dahil hindi na mag-kakatugma ang aming mga schedules. Na-miss ko tuloy kasabay na kumain si Kayla. Siya kasi ang pasimuno ng gulo at ng tsismis, e. Pero we still hangout pa rin naman after class or tuwing weekends.

"We haven't really talk about it yet, pero sobrang excited na 'ko. Like kung saan kami pupunta or baka naman pumunta ulit kami sa rest house nila. Basta, I'm really looking forward to it."

Napag-usapan na nga namin ni Lux ang tungkol sa'ming anniversary pero we haven't made any plans. But knowing him, I'm certain he'll surprise me. Mahilig 'yung surpresahin ako, e.

"Syempre naman excited ka. Si Lux lang tumagal sa'yo, e." Sabay tawa niya.

"Kung makapag-salita ka naman parang ang dami kong naging boyfriend, ah. Dalawa pa lang ang naging boyfriend ko, at pangatlo ngayon si Lux at siya na rin ang huli."

"Sigurado ka na d'yan?" Tumaas naman ang kaniyang kilay.

"Oo naman. Nangako siya sa'kin, e."

"Okay. Support pa rin ako." Nag-kibit balikat na lang si Ava at tinapos ang aming pag-kain bago bumalik sa classroom.

Dalawang buwan na rin ang lumipas at tapos na rin ang aming preliminary examination. Pinag-stop na rin ako ni Ma'am. Lani sa'king pag-duduty sa infirmary kaya mas naging maluwag ang schedule ko. Mas nakakapag-focus ako sa'king pag-aaral at syempre sa relationship namin ni Lux.

Habang nag-didiscuss ang aming professor ay hindi ko maiwasang isipin ang darating na anniversary namin ni Lux. Lux is a type of boyfriend who loves giving surprises. Sigurado akong pinag-iisapan at pinag-hahandaan na niya ang kaniyang gagawin. Na-cucurious tuloy ako sa plano niyang gawin. Ano kayang plano niya?

But.. how about me? What should I do or make for him? Ano kaya ang magandang regalo para sa kaniya? It must be special because it's our first anniversary. I really need an advice pero kanino naman? Kay Mama? Sa mga kaibigan ko? Kay Kuya? Kay Ate Charlotte?

"Naya, attendance. Say present daw." Bulong sa'kin ni Ava.

Nanlaki naman agad ang aking mga mata. "Present, Ma'am!" Sabay taas ko ng kamay.

My bad, I'm too occupied. I'm not paying attention to our teacher taking attendance. Nakakahiya tuloy.

Tumingin ako sa professor naming salubong ang mga kilay. What's with her reaction? Tumingin naman ako sa blockmates ko, nag-tataka ang mga mukha nila at ang iba naman ay tumatawa. Bakit? Ano bang meron? Tumingin ako kay Ava at nakita ko naman siyang nag-pipigil ng tawa.

Okay, I think I know what is going on.

"Ms. Suarez." Matigas na tawag sa'kin ng prof. Hiyang-hiya naman akong tumingin sa kaniya. "I hope you're doing okay."

"I'm fine, Ma'am. Sorry po." I feel embarrassed. Nakakahiya talaga. Masama akong tumingin kay Ava na hanggang ngayon ay nag-pipigil ng tawa.

Lumapit naman sa'kin ang kaklase ko sa'king likuran. "Naya, ang ganda mo sana kaso uto-uto ka." Bulong niya sa'kin bago tumawa.

Oo na, oo na!

Nang matapos ang aming klase ay lumabas na kami ng classroom at duon lang humalakhak si Ava. Lumapit ako sa kaniya at inambahan siya ng batok.

"Bwiset kang babae ka! Wala kang magawa?"

"A-ano ba.. ano ba kasing iniisip mo at tulala ka kanina?" Tumatawa pa rin siya.

Never Promise AgainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon