Chapter 15

162 6 0
                                    

Naya's Point of View

"Kumusta naman si Nasiv?"

Agad nilang tanong sa'kin ng maka-balik ako sa'ming seats. Inalalayan naman ako ni Lux bago ako umupo. Hindi na raw kasi ako kailangan dahil may medic na naman na daw at tsaka bawal daw talaga ako ruon.

"He has sprain and he can't go back to the game." Napa-buntong hininga na lamang ako habang pinapanuod kong asikasuhin si Kuya ng medic. Hiniling niya na sa base na lang nila siya gamutin at pinag-bigyan naman siya.

"Sa kagustuhan nilang mapigilan si Nasiv from he's own momentum they resorted in to violence." Disappointed na sabi ni Alice.

"Mga dirty players pala ang mga 'yan, e. Namersonal na." Naiinis na sabi ni Ava. Kahit din naman ako, e. Nakakainis naman kasi talaga ang ginawa ng kalaban.

"Do you think the tables will turn? Ngayong unable na si Nasiv sa loob ng court." Napa-isip ako sa sinabi ni Alice. Mag-iiba nga ba ang takbo ng laro nila? Base sa mga reaksyon ng buong basketball team ay talagang essential si Kuya sa loob ng court pero ang hindi ko maintindihan ay ang mga pinag-sasabi ni Kuya kanina.

"No!" Napa-lingon kaming lahat kay Kayla. No? Hindi naman sa wala akong tiwala sa the rest of the team pero paano naman niya na-sabi?

"The Allendale University's basketball team was the champion from the last, last year regional basketball tournament and the sole reason of that victory was because of that injured man over there."

Napa-huh naman ako sa pinag-sasabi ni Kayla. Injured man? Was she referring to my brother? Wala naman ng iba pang injured dito kundi ang kapatid ko lang.

"Yes, it's number 7. Nasiv Suarez."

Hindi ko alam kung magugulat ba 'ko sa revelation ni Kayla o ano. Totoong nag-champion kami last, last year pero ang hindi ko alam ay si Kuya pala ang pinaka-dahilan ng pag-kapanalong 'yun. I was in 12th Grade and Kuya was 2nd year college, kaya hindi pa kami parehas ng eskwelahan. Hindi rin ako nakakanuod ng mga game dahil naging busy ako sa'king ojt. Basta ko na lang nabalitaan na panalo sila. 

At ang hindi ko rin maintindihan, kung si Kuya nga ang dahilan ng victory na 'yun, ibig-sabihin ba na matatalo ang team namin dahil sa wala na siya sa loob ng court?

Lahat kami ay gulat at nakakunot ang mga nuo habang naka-tingin kay Kayla. Hanggang sa tumawa na lang siya dahil sa mga clueless faces namin. "Okay, story time muna tayo mga bata, ah." 

"1st year college ako at 2nd naman si Nasiv at present ako sa lahat ng games nila. Number one fan kaya nila ako, by the way. Anyway, si Nasiv isn't as physically strong as we think he is. Totoong magaling siya sa mga three-points shooting pero mahina naman siya pag-dating sa mga rebounds and such. Hindi rin siya madalas ipasok ng former coach nila in spite of that ability dahil ang gustong player nito ay dominant player at para sa kaniya, hindi si Nasiv 'yun. Actually, ayaw ng former coach nila kay Nasiv"

Pag-kukwento ni Kayla. I didn't know about that. I suddenly feel sad for  Kuya.

"Aware naman si Nasiv duon pero wala siyang pakiealam dahil mahal niya ang basketball, e. Isang araw sa practice game nila, Nasiv was playing, playing smart. Tama ka ruon Lux, Nasiv is smart in basketball. Alam na alam niya kung paano soya at kung mag-laro at mag-isip ang kalaban niya. He's kinda good at prediction too."

Kwento pang muli ni Kayla. Muling umandar ang laro sa court at wala na ruon si Kuya at habang nanunuod kami ay nakikinig pa rin kami kay Kayla.

"Dumating ang regional basketball tournament, sa first and second game nanalo sila. Hanggang sa dumating ang third game at duon talaga sila nahirapan, hindi rin gumagana ang kahit na anong opensa at depensa instructed ng former coach nila. At duon na nga pumasok si Nasiv, alam daw niya kung paano ma-ipapanalo ang game pero kinontra siya ng coach. Pero dahil may tiwala ang team nila kay Nasiv, wala na rin nagawa ang coach kundi ang pumayag at hayaan si Nasiv."

Never Promise AgainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon