Chapter 34

68 4 0
                                    

Naya's Point of View

"What time is it?"

I stretched my arm to reach the clock on my side table. It's 5:00 P.M in the sunday. Halos buong araw din akong naka-tulog. Naka-uwi na kasi ako kahapon galing sa hospital ng 2:00 A.M. Hindi na 'ko naka-uwi sa bahay namin dahil sa sobrang pagod kaya rito na lang ako nag-stay sa condo at pag-uwi ko ay diretso  tulog na agad ako.

Bumangon na 'ko sa kama para kumain, nang matapos ay naligo na 'ko at nag-palit ng damit dahil pupunta pa akong market para mamili ng mga kailangan ko. I'm running out of stock.

Nag-drive ako patungong market at namili ng mga food stocks and bathroom essentials. Nang mabili ko na lahat ng kailangan ko ay nag-punta ako sa coffee shop.

"Thank you." Sabi ko ng makuha ko ang aking order. Aalis na sana ako ng may nakita akong pamilyar na mga mukha.

It's my secretary Ella and the nursing director Felix. What are they doing here? A-are they dating? Wala naman akong ibang na-iisip dahilan kung bakit sila mag-kasama.

I watched how Ella laughed, probably Felix threw a joke. They looked happy. Kung totoong ngang date ang dahilan kung bakit sila naririto ay wala namang problema sa'kin. Nakakatuwa naman silang dalawa. Umalis na 'ko, ayoko silang ma-istorbo at isa pa baka kapag nakita nila ako ay masira lang ang date nila.

I'm happy for the both of them.

Kinabukasan ay maaga akong pumasok. "Good morning po, CNO." Bati ng mga nurses na nakakasalubong ko.

"Good morning, how are you? How are the patients." Halata sa kanilang mga mukha ang pagod at puyat.

"Ayos lang po. Laban lang!" They did fist pump.

"Laban lang!" Sabi ko pa. Pumunta na akong opisina at wala pa rin si Ella. Kung sabagay maaga pa rin kasi, e.

I sat to swivel chair and started reading documents from nurses when Ella entered my office, and bringing a take out food.

"Good morning po, Ma'am!" She greeted. Parang iba yata ang dating niya ngayon, ah. There's something in her mood.

"Good morning. Ano 'yang dala mo?" Tumingin ako sa dala niyang plastic bag.

"For you, Ma'am." She put it in my desk. "Pancake for breakfast."

"Wow! Thank you for this. How about you?" Kinuha ko naman agad ang pancake. Natatakam na 'ko.

"I already had, Ma'am. I'll explain your schedules for today." Tumango na lang ako at nakinig sa kaniya

"That's all for today, Ma'am." She turned off her tablet after discussing my schedules.

"Thank you." Marami-rami rin pala akong gagawin ngayon.

"You're welcome. I'll excuse myself so you can eat your breakfast." Paalam na niya.

"Thank you and thank you for the pancakes." Lumabas na siya ng opisina ko.

Nararamdaman ko talaga na may kakaiba sa kaniya ngayon. Parang ang saya-saya niya ngayon. May maganda sigurong nangyari sa kaniya.

Naalala ko tuloy 'yung nangyari kahapon nung nakita ko sila ni Felix sa coffee shop. Hindi naman kaya tungkol 'yun duon? Hindi kaya si Felix dahilan kung bakit parang ang saya-saya ni Ella.

Now, I'm curious. Gusto ko man alamin kaso ayoko namang tanungin silang dalawa. Magiging tsismosa ang dating ko. I don't want myself to barge in between them especially if romance is involved.

Pero kung gusto naman naman nilang i-kwento sa'kin bakit naman hindi, 'di ba? I will listen. Hindi ko lang naman sila ka-trabaho. Kaibigan ko rin sila at kung masaya sila, masaya rin ako para sa kanila.

Never Promise AgainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon