Chapter 9

153 7 0
                                    

Naya's Point of View

"Good morning, Ma!"

Bati ko sa kaniya pag-kababa ko sa'ming kusina. Linggo  ngayon, walang pasok kaya mahimbing talaga ang naging tulog ko Jaya maaga rin akong nagising. Nakita ko namang busy si Mama sa pag-susulat sa Isang papel.

"Good morning, too. Breakfast." Alok niya at tumango lang ako sabay kumuha ng juice sa ref. 

"Si Kuya pala, Ma?" I asked. Hindi ko pa siya nakikita. Maaga kasi magising 'yun, e. Kumpara sa'kin.

"He's at practice." Tumango lang ako. Kaya naman pala walang nang-aasar sa'kin ngayon, e.

"Okay na ba mga 'to, Tina?" Tanong ni Mama at inabot 'yung isang papel na sinusulatan niya kanina kay Ate Tina. Shopping list kaya 'yun?

"Opo, Ma'am. Wala na rin pong kulang." Sagot naman nito at tumango na si Mama.

"Mamimili po kayo?" Tanong ko sabay uminom. 

"Yes, mga condiments at iilang kitchen essentials lang naman ang mga 'to." Sagot ni Mama at agad akong nagkaroon ng ideya. 

"Ma, pwede bang ako na lang ang mamili?" Pag-piprisinta ko.

"Pwede naman, but are you sure?" Mapanuri niyang tanong. 

"Very sure, Ma. Maliligo lang muna ako." Sambit ko at binalik ko na ang pitsel ng juice sa ref. 

"Mag-breakfast ka muna." Muling sabi ni Mama pero umiling na 'ko.

"Sa labas na lang ako kakain, Ma." Umalis na 'ko sa kusina at bumalik sa'king kwarto para maligo at mag-bihis.

I wore a colored white long sleeved turtle neck paired with a brown plaid skirt and a sandals.

Bumaba akong muli at pinuntahan ko si Mama. Inabot niya sa'kin ang shopping list. "Pahatid na kita kay Paolo." Ta-tawagin na sana niya ang driver namin pero pinigil ko na siya.

"Ma, it's okay. Commute na lang ako at isa pa hindi naman marami at mabigat ang mga bibilhin ko, e. So, I can manage." Tumango siya at humalik lang ako sa kaniyang pisngi.

"Ingat." I waved my hand at umalis na rin. Nag-tungo ako sa isang market sabay kumuha ng shopping basket. Pumunta ako sa condiments section at kumuha ng mga toyo at suka. 

"Okay." Sambit ko at muli kong tinignan ang shopping list, ketchup pa. Hinanap ko ang ketchup at nanlaki ang mga mata ko ng makita si Lux.

Nag-shoshopping din siya rito?

He's wearing a colored navy blue two buttoned-down short sleeved polo shirt and a pair of maong pants. He's pushing a push cart and he was like searching for something at ng makita na niya ang hinahanap niya ay kinuha niya 'to sabay inilagay sa push cart. Hindi ko naman maiwasang matawa, ang cute niya lang panuorin. 

He continued walking but he suddenly stopped when our eyes met. Not expecting him to see me, well, ako rin naman. Akalain kong mag-kikita kami rito. Ngumiti ako sa kaniya bago lumapit.

"Hi." Bati ko at inenspeksyon ang laman ng push cart niya. 

"Hey." He greeted back. His push cart is full with instant noodles, canned goods and frozen foods. Meron ding mga plastic ng pork, chicken at mga gulay. May mga kitchen and bathroom essentials din. 

"You're shopping." Obvious na sabi ko.

"Yeah, like twice a month." Sagot niya at siya naman ngayon ang tumingin sa dala kong basket. "You?"

"Nag-prisinta lang ako dahil kaunti lang naman ang nasa shopping list, e. Wala rin naman akong gagawin today." Itinaas ko naman ang basket ko para mas makita niya ng maigi. 

Never Promise AgainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon