Naya's Point of View
"Humps."
Natawa na lang ako ng bigla kaming tumalbog sa kotse. Habang nag-mamaneho si Lux ay kumakain kami ng chocolate bread. Nung nakaraan ay tinanong ko siya kung kailan kami mamimili ng mga pagkain at essentials na gagamitin namin for our vacation lalo na't tatlong araw kami ruon pero sabi niya ay meron daw silang housekeeper na nag-mamanage sa rest house nila at sinabihan niya na 'tong mamimili ng mga kakailanganin namin sa araw bago kami dumating. Kaya hindi na rin kami nag-abala pa. Mga damit, gamit at pati gitara naming dalawa ang siya lang dinala namin.
"Tuwing may family gathering lang ba talaga kayo nag-pupunta sa rest house niyo?" Tanong ko in the middle of the trip.
"No, sometimes every summer at minsan naman kapag nag-kayayaan kaming mag-kakapatid." Sagot niya.
"Ah, how about your parents?"
"They're too busy for the business, bihira lang din namin sila maka-sama." Tumango na lang ako.
"Excited na 'ko! I can't wait na maka-balik sa Tagaytay at makita ang rest house niyo." Alam ko namang maganda ang rest house nila dahil sa mga pictures na pinakita niya sa'kin pero iba pa rin kapag nakita ko na 'to in person.
Umaga kaming umalis ni Lux para iwas traffic dahil sa daming sasakyan ang bumibyahe due to holidays. Maka-lipas lang ang ilang oras ay dumating na kami sa Tagaytay.
Binababa ko ang windshield para mas mapag-masdan ko ng maayos ang mga tanawing nadadaanan namin. Ang ganda talaga dito. Ang sarap at ang lamig hangin. Iba talaga ang Tagaytay.
"You love it?"
"I really do!" I looked at him, smiling.
Tumingin siya sa'kin at ngumiti na lang din bago ibinalik ang kaniyang mga mata sa kalsada. I'm thankful that he brought me back here for vacation, I'm thankful to him.
Dahan-dahan naman akong lumapit sa kaniya bago siya hinalikan sa pisngi.
"Hey, I'm driving." Saway niya sa'kin kaya bumalik na lang ako sa'king seat.
"What was that for, anyway?" He chuckles.
"A thankful kiss." Sagot ko at muling tumingin ng mga tanawin sa labas.
"You're welcome." Nag-drive lang siya hanggang sa makarating na kami sa rest house nila. Nag-park siya sa garage nito.
Mabilis kong tinanggal ang aking seatbelt bago bumaba. Nag-tulong na kami ni Lux sa pag-kuha ng aming mga maleta at ng gitara naming dalawa. Nang makarating kami sa tapat ng rest house ay sinalubong kami ng isang babae na nasa mid 40's, maybe she's the housekeeper.
"Sir. Lux, magandang umaga po." Bati niya.
"Good morning po, Ate Delia. This is my girlfriend, Naya." Pag-papakilala sa'kin ni Lux.
Tumingin naman siya sa'kin. "Good morning po."
"Good morning din. Tulungan ko na po kayo sa mga gamit niyo." Tatanggi pa sana pero mabilis na niyang kinuha ang maleta ko.
"Tara na po." Wala na 'kong ibang nagawa kundi ang tumango. Sumunod na rin kami ni Lux sa kaniya sa loob.
"Akyat ko lang po 'to saglit sa kwarto niyo at mag-hahanda na rin po ako ng almusal." Sabi ni Ate Delia habang siya'y nasa hagdanan.
"Salamat po, Ate Delia." Sagot naman ni Lux habang ako naman ay iniikot ang aking sarili sa buong silid. Ang ganda. The pallette of the living room was white, the interior is nice and simple.
"Naya." Lumingon ako sa tawag ni Lux na nasa midway ng stairs. Agad akong sumunod sa kaniya habang dala ang gitara ko. Hinawakan niya ang kamay ko at sabay na kaming umakyat.
BINABASA MO ANG
Never Promise Again
Storie d'amoreNever Series #1 Naya Suarez, a nursing student from Allendale University is also an intern in their school's infirmary. Until one day, while she's on her duty, she met Lux Nacario, a marketing transferee student, the man who keeps promising to her. ...