----
You're my Sweet Disaster. Chapter 14
@CCCchan
----
Pagdating ni Ashlee at Kai sa bahay nina Van, nakita nilang nagwawala ito habang hawak-hawak ni Nicolette.
ASHLEE'S POV
"Van, tama na! Ano bang nagyayari sayo? Pagdating na pagdating mo dito, tinungga mo ang isang bote ng Whisky eh ang sabi mo kanina ng magpaalam ka sakin, magpapahangin ka lang sa may tulay! Wala pang 30 minutes ang nakakalipas andito ka na tapos ganyan ka pa?" sigaw ni Colette na mukhang 'di pa napapansin ang pagdating namin ni Kai.
Teka... Don't tell me nakita niya kami ni Kai habang magkayakap?
Siguro nagselos ng bonggacious ang lolo ko kaya nagwala ^__^V
*Assumer ka, Ash. Malay mo ba kung trip niya lang laklakin 'yung isang bote ng alak?
"Pabayaan mo ko, Colette!" mukhang napansin kami ni Van dahil direkta na siyang nakatingin sa 'min ngayon with matching nakakalokong ngiti. "Look who's here, Little Miss Trouble Maker, so what brought you in my humble abode?" Dumako ang tingin niya kay Kai. "At ikaw Kai, may good news ka na bang ibabalita samin ngayon?" he smirked.
Nakita kong ngumisi si Kai at tumingin sa 'kin na parang nagsasabing 'Go with the Flow'. "Bakit pre? May idea ka na ba kung ano ang magandang balitang sinasabi mo?" sabi ni Kai kay Van na halatang may nilulutong kalokohan.
Napatingin si Nicolette sa 'kin na nakakunot ang noo, mukhang naku-curious siya sa ibig sabihin ni Kai. Kinindatan ko na lang siya, mukhang nakuha naman niya ang ibig kong sabihin dahil visible na sa mukha niya ang ngiting tagumpay.
Napansin kong tumalim ang tingin ni Van sa 'min ni Kai. "So, kayo na?"
"Masama ba 'yun tol? Ano ngayon sa 'yo kung kami na nga ni Ash?" halatang nag-e-enjoy si Kai sa nakikita niyang reaksyon ni Van.
"O-em-gi! Really?! I'm so happy for the both of you! Kelan ang kasal?" kunwari pang nanlaki ang mata ni Nicolette. Kasal agad? Diba pwedeng Honeymoon muna? Charot!
Tinignan ni Van si Nicolette ng masama. "Shut up, Cole! They're not getting married!" binalingan niya sa Kai na kanina pa nagpipigil ng tawa. "At ikaw Kai, stop being a coward! Magtapat ka ng walang hanggang pag-ibig mo kay Colette! Leave Ashlee alone! Alam ko namang ginagamit mo lang siya para makalimot."
Nawala ang ngiti ni Colette habang sumeryoso naman si Kai. "You don't know anything Van. Just shut your mouth!" sigaw ni Kai. Mukhang may magkakapikunan pa dito ah.
It's Van's turn to smile. "You're my bestfriend, Kai. I know everything kahit wala kang sabihin sa 'kin. Nagkakatapatan na rin lang tayo dito, bakit 'di ka pa umamin sa kanya?"
"Ikaw Van. Bakit 'di ka pa magtapat kay Ashlee? Problema ko na kung anong sasabihin ko kay Colette, basta ayusin mo 'yang nararamdaman mo." tinignan ni Kai si Nicolette at sinabing, "Saka na tayo magusap tungkol 'dun."
"Wala akong gusto sa isang 'yan, Kai. She's not my type." humalakhak pa siya na parang sinasadyang insultuhin ako. "Tignan mo nga ang hitsura niyan, walang ka-attract attract sa kanya, pano ko 'yan magugustuhan?!"
Kalma, Ash! Lasing lang 'yan kaya niya nasasabi ang mga bagay na 'yan.
"And besides, i won't go for someone like you." direkta niyang sabi sa 'kin.
Kinuyom ko ang kamay ko para pigilang lumapit sa kanya, baka kasi masampal ko lang. Magsasalita sana ko para ipagtanggol ang sarili ko ng biglang...
*BOOGSH
Sinuntok ni Kai si Van.
"Ano bang problema mo Kai! Bakit masyado mong pinagtatanggol 'yang babaeng 'yan?! Bakit, nasarapan ka ba sa kanya?"
That's below the belt. Lumapit ako sa kanya at sinampal siya. "Wala kang karapatang sabihan ako ng pakawalang babae. Matatanggap ko pang lait-laitin mo 'ko pero ibang usapan na kung puri ko na ang pinupuntirya mo. Wala akong ginagawang masama. Kung nakita mo man kami ni Kai kanina na magkayakap sa may tulay, mali ang akala mo. Kung 'yun ang dahilan kung bakit pumuputok ang butsi mo ngayon, puwes nagkakamali ka! Wala kaming relasyon ng kaibigan mo. Utang na loob, Van! Bato ka ba?!" bumulong ako ng, "Ba't di mo maramdaman na sa 'yo ako may gusto?"
*Nakuha mo pang bumanat eh ayaw nga sa'yo nung tao.
Eh kaya nga binulong ko 'yung huling part 'di ba? Tanga-tangahan tayo eh.
*Pa'no kung narinig niya?
Edi marinig niya. 'Yun naman talaga ang gusto kong sabihin sa kanya, inatrasan lang ako ng kakapalan ng mukha kaya binulong ko na lang. Hayy nakoo! Bakit ba 'ko nakikipag-away sa sarili ko?!
Hinarap ko sina Kai at Nicolette. "Uuwi na ko."
"Ihahatid na kita Ash." binalingan ni Kai si Nicolette. "Bukas na tayo mag-usap." tumango lang si Nicolette.
"Hindi na. Okay lang ako, mag-usap na kayo ni Colette." tatalikod na sana ako ng biglang may humawak sa braso ko.
"Ako ng maghahatid sa kanya. Mag-usap na kayo. Sorry sa inasal ko kanina, tol."
Tumango si Kai sabay ngiti. "Ingatan mo yan, lagot ka kay Travis 'pag nalaman niya ang ginawa mong kagaguhan ngayong gabi."
"'Wag mo na lang sabihin, pare." tumango ulit si Kai. Binalingan naman ako ni Ungas-slash-Ungas, i mean Van :) "At ikaw! Maguusap din tayo, halika na!"
"'Wag mo nga kong mautos-utusan diyan! May atraso ka pa sa 'king unggoy ka kaya tigil-tigilan mo 'ko at baka hindi kita matantiya!" Bwisit na 'to! Pasalamat siya at mahal ko siya kaya 'di ko kayang magalit ng tuluyan sa kanya kahit pa ang dami niyang sinabing masasakit na salita tungkol sakin. Alam ko naman kasing dala lang 'yun ng kalasingan niya pero sa totoo lang gusto niya talaga ko, tinatanggi niya lang. Bowahahaha! Sa ganda kong 'to? Hah!
"Ang dami mo pang sinasabi! Halika ka na, sa kotse tayo magusap!" binuhat niya ko na hawak ang binti. Ibig sabihin, nasa likod niya ang mukha ko.
"Ano ba?! Bitiwan mo nga 'ko! Manyak! Pangit! Unggoy!" to tell you the truth? KINIKEYLEG AKOO \(*v*)/
----
To be continued...
----
BINABASA MO ANG
You're my Sweet Disaster
HumorSi Ashlee ang tipo ng babaeng minsan lang tamaan ng pana ni Kupido, kaya ng makilala niya si Kai, humahanap talaga siya ng paraan, maka-score lang dito. Pero mukhang may umeepal sa pagsintang pururot niya sa binata, ang Bestfriend ni Kai na si Van...