---
YMSD. Chapter 42
@CCCchan
---
ASHLEE'S POV
Kanina pa 'ko hindi mapakali habang tinitignan ang banyong pinasukan ni Van. He said he need a shower first bago kami mag-usap. This is supposed to be my Special Day pero bakit ganito ang nararamdaman ko. Para akong aso na hindi maihi. Huh? Gosh! This is all Shane's fault! Susulpot na nga lang sa kasal ng may kasal, magiiwan pa ng problema. That freaking girlfriend of Steve! Gusto pa yatang ahasin pati si Van sa 'kin. Plus! I didn't know she was Ria's sister! I should've known. Pareho silang masangsang ang amoy. Whore!
Napatayo ako ng marinig kong nag-click ang doorknob ng banyo. Oh! Mind you. We're supposed to have our first honeymoon tonight. Malas lang dahil may konting problema.
Brushing his hair up and a towel on his waist while some droplets of water is still visible in his chest down to that thing... that six pack abs, it makes me want to drool pero hindi ko pa pwedeng paglawayan ang asawa ko! Duh! Kakastiguhin pa niya 'ko tungkol sa narinig niya sa bibig ng Shane na 'yun!
Nakapamaywang siyang tumingin sa 'kin, "Bakit nakatayo ka pa diyan? Go and take a shower already!" nagulat ako sa sinabi niya kaya mabilis akong pumasok sa banyo.
After that lightning shower, i saw him with his robe on, sitting on the edge of the mattress reading some papers. How sexy can he get?! Pero malas lang talaga dahil nadagdagan pa ang problema namin. How worst can i get?!
Tumikhim ako para lumingon siya. "Gusto mo pang buhatin kita para pumunta dito sa kama?" nagulat ako sa tanong niya at the same time namula. Lumapit na din ako sa kanya pero bigla niya 'kong hinila. We ended up in bed, and he's the one on top. Nakatungkod ang tuhod at braso niya kaya hindi niya 'ko nadaganan. He just intently staring down at me. "'Wag mong sabihing hindi ka ready sa honeymoon natin, wife?" he said teasingly.
"T-teka nga!" Umupo ako tsaka ko siya sinenyasan na umayos. "Akala ko ba mag-uusap tayo?" tanong ko sa kanya.
He smiled. "I don't wan't to ruin our honeymoon, Ash, besides hindi ako naniniwala sa babaeng 'yun kahit bigyan niya pa 'ko ng isang milyong picture niyo ni Kai. I trust you kaya there's no need for us to talk for that matter. Kunwari lang akong galit kanina para umalis na siya sa harap ko. Nakakasuka kasi 'yung pagmumukha niya. Hindi ba siya 'yung babae ng ex mo?"
Natawa ako sa mga pinagsasabi niya. "Oo siya 'yun. Akala ko talaga naniwala ka sa kanya kaya kanina pa 'ko hindi mapakali. Akala ko kasi galit ka."
Niyakap niya 'ko. "I trust you more than anyone in this world, baby, so there's no need to worry anymore." Hinawakan niya 'ko sa balikat saka tumingin ng deretso sa mga mata ko. "Pwede na ba tayong mag-start?" he said while grinning.
Alanganin akong ngumiti, "He-he-he-he. A-ahm, Van... Ano eh... Aahh... He-he." napakunot-noo siya. "May problema tayo."
Lumalim ang kunot sa noo niya. "What problem?" May binulong ako sa kanya pero mukhang hindi niya alam kung anong ibig sabihin nun. "Anong meron ka?" takang tanong pa niya.
"Period."
Napaisip siya. Maya-maya, nanlaki ang mata. "EEEEHHHHHHHHH?! BAKiT NGAYON PA?!" malakas na sigaw niya.
Napatakip ako sa dalawang tenga ko. "Lower down your voice, Van." Bumuntong-hininga ako. "I'm sorry." saka ko siya mahigpit na niyakap.
Tiningala ko siya para tignan kung anong reaksyon niya but it seems his features had softened now. I pout and he chuckled. "Why say sorry, baby? It's not your fault anyway. I guess we could only sleep for the night." then he kiss my forehead.
Napangiti ako. He's not that immature Van anymore. He is more understanding now. "May second honeymoon pa naman tayo 'di ba? We'll fly to London this weekend and we'll stay there for almost a month. Siguro naman kuntento ka na dun?" kumalas ako sa kanya at nakapamaywang kong sinabi 'yun.
Biglang nagliwanag ang mukha niya. "Oo nga 'no. Bakit ko ba nakalimutan 'yun?" Nilapit niya ang mukha niya sa mukha ko. "'Dun na lang natin gawin si Junior?" taas-baba pa ang kilay niya habang sinasabi 'yun.
Namula ako ng todo. "VAAAANNNNN!"
"What?" patay-malisya niya pang tanong habang pigil pigil ang pagtawa. Pero natigilan din siya ng may biglang maalala. "Oo nga pala. Hindi ka pa pwedeng magbuntis, kailangan mo munang gumraduate."
Nagulat ako sa sinabi niya. Hindi pa nga pala siya nakaka-recover sa aksidenteng 'yun. I don't want to lie to him pero wala akong lakas ng loob na sabihin sa kanya kung anong mga nangyari sa nakalipas na isang taon. Call me a liar pero hindi ko maatim na sabihin lahat sa kanya kung makakasama naman 'yun sa kanya. Kabilin-bilinan ng Doktor na kailangan naming magpanggap na hindi siya na-coma. Hindi pa 'to ang tamang oras para malaman niya ang mga bagay na 'yun.
"Ah, baby. Matulog na tayo." sabi ko na lang sa kanya.
Sumulyap siya sa orasan sa may bedside table. "Ang aga pa." sabi niya pero humiga na rin naman siya saka ako hinila. Naka-unan ako sa braso niya saka niya hinahaplos-haplos ang buhok ko. "Hanggang ngayon hindi pa rin ako makapaniwala na asawa na kita." nilingon ko siya pero hindi siya sa 'kin nakatingin kundi sa kisame. Tinaas niya ang kaliwang kamay niya at tinapat 'yun sa ilaw. His staring at his ring finger with his wedding ring on it. "Buti na lang talaga hindi ka nagpakamatay nung araw na 'yun, Ash."
"Eh sino ba naman kasing nagsabi sa 'yo na magpapakamatay ako?"
"Mas mabuti na 'yung naagapan kita. Malay mo naman 'di ba?" lumingon siya sa 'kin. "Kuwentuhan mo na lang ako about sa Senior Year mo."
Wala naman akong nagawa kaya kinuwento ko na lang ang mga kasalukuyang kaganapan sa school... last year. I'm sorry, Van.
Habang nagkukwento, sinulyapan ko siya. Napangiti na lang ako ng malamang tulog na pala siya. Kaya pala hindi na siya gumagalaw. Hinaplos ko ang pisngi niyang mas malambot pa yata sa pisngi ko. "Goodnight, baby. Someday, you'll know everything. I love you." then i decided na matulog na din.
---
To be continued...
---

BINABASA MO ANG
You're my Sweet Disaster
HumorSi Ashlee ang tipo ng babaeng minsan lang tamaan ng pana ni Kupido, kaya ng makilala niya si Kai, humahanap talaga siya ng paraan, maka-score lang dito. Pero mukhang may umeepal sa pagsintang pururot niya sa binata, ang Bestfriend ni Kai na si Van...