----
You're my Sweet Disaster. Chapter 11
@CCCchan
----
"Tol, mukhang bangag na 'tong kaibigan natin ah. Makakausap pa ba natin 'to?" tanong ni Travis kay Kai. Nasa bar sila gaya nga ng napagusapan kanina. Ang kaso lang, nakakailang shot pa lang sila, 'NGANGA' na si Van. As in lasing na.
"Teka." kinalabit ni Kai ang nakayukong si Van. "Humihinga ka pa Van?"
"Oo naman parekoy! Yakang-yaka 'to, halam mo naman, Gwapingsh heh. Oh teka, bahkit hang konti ng halak natin dito?" tinaas ni Van ang kamay niya para kunin ang atensyon ng dumaang waiter. "Waiter! Dalhan mo pa kami dito ng ishang doshenang beer! Bilishan mo! Ang bagal-bagal."
"Yes, bossing!"
Binulungan ni Kai si Travis. "Lasing na nga 'to, Trav. Ikaw na magtanong, 'di na yan magkakaila. Sabi nga nila, tatlong tao lang ang 'di marunong magsinungaling. Ang taong galit. Bata at LASING."
Tumango-tango si Travis. "Umaayon talaga ang tadhana sa plano natin, Kai. 'Pag napaamin natin 'tong isang 'to. Next Step na tayo."
Tumango lang din si Kai sa sinabi ni Travis. Nilapitan ni Travis si Van na kasalukuyang lumalaklak ng pulutan. "Van, magusap nga tayo ng masinsinan."
BINABASA MO ANG
You're my Sweet Disaster
HumorSi Ashlee ang tipo ng babaeng minsan lang tamaan ng pana ni Kupido, kaya ng makilala niya si Kai, humahanap talaga siya ng paraan, maka-score lang dito. Pero mukhang may umeepal sa pagsintang pururot niya sa binata, ang Bestfriend ni Kai na si Van...