Chapter 35

44 2 0
                                    

---

YMSD. Chapter 35

@CCCchan

---

After a month...

ASHLEE'S POV

Balik-eskwela na naman ang drama ng lola niyo and now, i'm a graduating student. Hirap pa rin naman ako ngayon pero hindi na katulad ng dati na halos puro iyak lang ang nagagawa ko. I really miss my baby, pero wala naman akong magagawa kaya pagbubutihin ko na lang ang pag-aaral ko para maging proud siya sa 'kin.

Curious ba kayo kung bakit parang ang positive ko na ngayon? Well, let's just say na may isang taong handang tumulong sa 'kin. Siya 'yung dumamay sa 'kin after ng insidenteng 'yun sa Ospital. After that goodbye kay Van, siya ang nandyan para maging crying shoulder ko. At isang buwan lang akong nagmukmok, he's always there for me. Hatid-sundo din ako ng mokong. 

Napangiti ako ng makita ko siya na nakasandal sa front gate habang nakapamulsa.

Lumingon siya. Naramdaman yata niya ang presensiya ko. Tinaas niya ang kanang kamay sabay sabi ng, "Yo." habang nakangiti.

Nilapitan ko siya. "Ang aga naman yata ng sundo ko ngayon?" nakangiting tanong ko sa kanya.

"Wala na kong ginagawa sa office kaya magde-date tayo ngayon." sabi niya sabay akbay sa 'kin.

Tinanggal ko ang braso niya sa balikat ko. "Date ka diyan. Baka gusto mo ng mag-asawang sampal?"

Tinaas niya ang dalawang kamay niya, "Just kidding." sabi niya. "Akala ko naman makakalusot." dugtong pa niya pero sa mahinang boses lang.

"May sinasabi ka?" 

Iling lang ang sinagot niya. Saka ako pinagbuksan ng pinto ng kotse niya.

Alam kong may mga ibig sabihin ang bawat salita ni Kai pero hindi ko 'yun pinapansin. Ayoko ring gumawa ng mga bagay na posibleng ma-misunderstood niya. Ramdam ko kasi na hindi na tinging-kaibigan ang pinapakita niya sa 'kin. Aaminin ko na nagkagusto ako sa kanya dati pero dati 'yun. Kung hindi ko siguro nakilala si Van baka hanggang ngayon gusto ko pa rin siya eh kaso sumulpot ang gunggong na 'yun :D 

"Punta na lang tayo sa breakwater, Kai." sabi ko sa kanya na hindi siya nililingon. Nakatingin lang ako sa tanawin sa labas.

"Sure."

20 minutes lang ang binyahe namin. Umupo agad ako sa isa sa mga malalaking bato. Almost sunset na kaya medyo romantic ang ambience.

Naramdaman kong umupo si Kai sa tabi ko. "May problema ba, Ash?" biglang tanong niya.

Nilingon ko siya. Sa tubig siya nakatingin pero maya-maya kumuha siya ng bato at hinagis 'yun sa tubig. Paulit-ulit lang ang ginagawa niya. Nang magsawa, saka niya ko tinignan.

Pag-aalala ang makikita mo sa mata niya. Umiling ako saka tumingin sa papalubog na araw. "Wala naman. Trip ko lang sumagap ng hangin ngayon." Niyakap ko ang tuhod ko dahil malamig ang ihip ng hangin. Naramdaman kong may pinatong si Kai sa magkabilang balikat ko. Coat niya 'yun. "Namimiss ko na si Van, Kai." sabi ko na nakatingin lang sa kawalan. "Isang buwan ko pa lang siyang hindi nakikita pero feeling ko isang daang taon na ang lumipas pero kailangan kasi eh. Kapag nagpumilit akong makita siya, masasaktan lang ako. Iiyak lang ako. Sisisihin ko na naman ang sarili ko. Kaya ibubuhos ko na lang muna ang sarili ko sa pag-aaral." tinignan ko siya. "Salamat ah. Lagi kang nandiyan para makinig sa mga sentimyento ko sa buhay." 

"Wala 'yun no. Para saan pa't naging bestfriend ko ang boyfriend mo kung hindi kita dadamayan. Buti hindi ka umiyak ngayon no?" pang-aasar niya.

Nalukot ang mukha ko. "Pano ko makakaiyak eh may multa?" Naalala ko pa ang sinabi niya last month, na kapag nakita pa daw niya kong umiiyak, magbabayad ako ng isang libo sa kanya. 

"May maganda namang naidulot 'yun diba? Hindi ka na iyakin ngayon and so far may apat na libo na ko galing sa 'yo." nakangising sabi niya.

Tumayo ako mula sa kinauupuan ko. Pinagdikit ko ang dalawang kamay ko at saka kumuha ng tubig. Lumapit ako at iwinisik ang tubig sa mukha niya. Mukhang nagulat siya sa ginawa ko kaya hindi siya nakahuma. Nahimasmasan lang siya ng bigla akong tumawa.

"Bakit mo ginawa 'yun?" tumayo na din siya. Inihilamos niya ang kamay niya sa basang mukha niya at sinuklay ang buhok gamit ang mga daliri niya.

Medyo natulala lang ako saglit sa ginawa niya saka ko sinagot ang tanong niya. "Gusto lang kitang makitang wet look. In fairness bagay sa 'yo." 

"Ah ganun ah." hindi ko expected ang sunod na gagawin niya kaya hindi ako nakapaghanda. In a jiffy, buhat buhat na niya ko at nasa tubig na kami ngayon.

"Subukan mo kong ibaba, Kai, papatayin kita." banta ko sa kanya.

Humalakhak lang siya. What a masculine laugh! "Subukan natin." bago pa ko makapagsalita, nilaglag na niya ko.

Basang-basa na 'ko. Mabilis akong tumayo at sinabuyan siya ng tubig. "Leche ka, Kai!"

Gumanti lang din siya. And as we knew, we're already soaking wet. "Ihahatid na kita, Ash. Basang-basa na tayo ni hindi naman umulan."

"Kasalanan mo 'to." nakapamaywang na sabi ko sa kanya.

"Tingnan mo 'to. Kung hindi mo ko winisikan ng tubig hindi kita ilalaglag dun 'no."

"Kasalanan mo!"

"Ikaw!"

"Ika---

"Ash?"

Napatingin kaming dalawa ni Kai sa nagsalita.

"Kuya!" gulat na sabi ko. Kasama niya si Colette na iba ang tingin saming dalawa ni Kai.

Tinignan ko si Kai with Anong-gagawin-natin look. As if may ginagawa kaming labag sa batas di ba? 

Nagsalita si Kuya. "Anong ginagawa niyo dito? At bakit basang-basa kayo?"

Ano ba dapat ang sasabihin ko? Na naglalaro kami ni Kai? Ano kami 5years old? Jusko. Hindi ko gusto ang tingin ni Colette. Para tuloy kaming nahuli ni Kai na may ginagawang kababalaghan.

---

To be continued...

---

You're my Sweet DisasterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon