Chapter 10

81 1 0
                                    

----

You're my Sweet Disaster. Chapter 10

@CCCchan

----

 ASHLEE'S POV

"Ehem."

Mabilis kaming naghiwalay sa isa't-isa.

Tinignan ko kung sino ang tumikhim. "O-oh, K-kuya, nandiyan ka na pala. k-kumain ka na ba? Teka, ipaghahain kita." *Ashlee, masyado kang halata! Hinga muna! Inhale! Exhale! 

Takte! 'Di effective! Kailangan kong makaalis dito. Kung malakas mang-asar si Van, lalo na 'tong isang 'to. Pikon kung pikon.

"Teka, Ash! Mamaya na yan. Namiss ko 'tong kaibigan ko." hinila ako pabalik ni kuya saka niya kinindatan sa Van. Kadiri! Sinulyapan ko si Van, nagba-blush ang mokong. Bakit kaya? Sa kindat ni Kuya? o sa nangyari kanina?

*Eh kumusta naman 'yung mukha mo, Ash, diba?

"So, Van, kayo na ba ng Baby sis ko?"

"H-hindi ah!" sabay pa kami ni Van.

"Kumalma nga kayong dalawa! Masyado kayong tense." tumatawa niyang sabi. "Kaya kayo napaghahalataan eh. Siguro may nangyari nga." nagsususpetsang tinignan niya kaming dalawa.

Magsasalita sana si Van pero sinenyasan ko siyang 'wag ng magsalita at umuwi na. "A-ano bang pinagsasabi mo, Kuya? Halika na nga! Kumain na tayo. Magpapahinga na si Van sa kanila." sabay tingin kay Van. "Diba, Van?"

"A-ah, o-oo pare. Sige, magkita na lang tayo bukas. G-goodnight, Ash."

"Sige pare! Bukas tayo magtutuos." humalakhak na parang demonyo si Kuya. 

May sapak na naman 'tong isang 'to. "Halika na, Kuya!" hinila ko na siya dahil baka kung ano pang masabi niya kay Van. 

Palabas na si Van. He gave me a last look. Tinanguan ko na lang siya. Grabeng puso 'to! Hinay hinay naman sa pagtibok!

Habang pinaghahain ko si Kuya, "Kung 'di pa pala 'ko umuwi, makaka-First Base na sa 'yo si Van." natigilan si Kuya ng may biglang naalala, saka niya 'ko tinignan na nang-aasar. "Second Base na pala dapat 'yung kanina, Ash. May First Base na nga pala, diba, diba?"

Kailangan pa 'bang ipaalala na wala na 'yung 'supposed-to-be' Romantic First Kiss ko? -___- "Tigilan mo 'ko, Kuya. Ibabato ko sa 'yo 'tong kutsara 'pag 'di mo tinigilan 'yang pang-aasar mo."

"So, anong nangyari kanina habang kayong dalawa lang ang magkasama? Sa kwarto mo?"  he smiled teasingly. Parang walang narinig ang bwisit na 'to.

"Walang nangyari, Kuya! Inalagaan ko lang siya. End of story." hinawakan ko ng mahigpit ang kutsara. Isang hirit pa ng isang 'to, mapapatay ko talaga siya!

"It's not the end, sis. Eh anong eksena niyo kanina sa hagdan? Part ba 'yun ng pagpapagaling niya?"

Hindi na 'ko nakapagpigil. Binato ko sa kanya ang kutsarang kanina ko pa pinanggigigilan, pero pader lang ang nakinabang. Pasalamat ka magaling kang umilag, Kuya! Bread Knife naman ang hawak ko ngayon. "Wala nga sabing nangyari, Kuya!" 

You're my Sweet DisasterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon