----
You're my Sweet Disaster. Chapter 15
@CCCchan
----
Nakadungaw lang sa bintana si Ashlee habang nagmamaneho si Van. Hindi niya alam kung bakit may pahatid-hatid pang nalalaman 'tong gunggong na 'to eh ang dami dami niyang natanggap na masasamang salita dito kanina.
Napansin niyang nakahinto sila sa may tulay.
ASHLEE'S POV
"Anong ginagawa natin dito?" nagtatakang tanong ko. Baka naman ihuhulog niya 'ko sa ilog? Jusko po! Hindi ito maari, maraming manghihinayang sa kagandahan ko! Umatras ako ng mga tatlong hakbang. Atras pa te! Para safe.
Biglang may dumaang sasakyan.
Hinila niya ko pabalik kaya napayakap ako sa kanya. "Mag-ingat ka nga. Tsaka bakit ka ba atras ng atras? Wala naman akong gagawin sayo."
"Mas okay na 'yung sigurado." nakabusangot na sabi ko saka pinipilit na umalis sa pagkakayakap niya. "Bitiwan mo na 'ko. Okay na."
Hindi pa rin niya 'ko binibitawan. "Let's just stay this way for a while, Ash." pinabayaan ko na lang siya. Osige, Van. Hayaan mong namnamin kita kahit ngayong gabi lang. Kahit na alam ko sa sarili kong wala ka namang interes sa kagandahan ko. Pero teka, kung wala kang 'pagnanasa' sa 'kin, bakit may payakap-yakap epek ka pa? "About what i said earlier, i'm really sorry. I didn't mean to say those words, i swear, nadala lang ako ng alak na nainom ko. Sampal mo pa nga ang nakapag-pagising sakin." hinawakan niya ang pisngi kung saan ko siya sinampal saka nagpatuloy sa pagsasalita. "Hindi lang pala boses ang malakas sa 'yo, ano Ash?"
"You're forgiven. Tapos ka ng magsorry? Hatid mo na 'ko." Pakipot mode muna tayo, kahit 'di halata :D
"I'm not yet done. I-ah i-i l-like---"
"Kung 'di mo masabi ng maayos 'yang 'I Like You', wag mo ng pilitin."
*Kunwari ka pa, Ash. Kilig to the bones ka na if i know. Pakipot pa kasing nalalaman.
Shaddup! Magpapa-Hard to get muna ako 'no. Masaya siya kung amin agad!
"I like you, Ash. Sorry kung may nasabi man akong hindi naging maganda sa pandinig mo kanina. Sinabi ko naman sa 'yo na nadala lang ako ng alak kanina. At--"
He likes me! He likes me! Syeeeeet na malagkit! Ang ganda ko talaga.
"Nagselos ka lang kay Kai. I know."
Biglang kumunot ang noo niya. "Selos?! Bakit naman ako magseselos?! 'Di hamak naman na lamang ako ng sampung paligo kay Kai 'no!"
Ngumisi ako. "Mas gwapo siya kesa sa 'yo, kaya nga gustong-gusto ko siya eh." Sige pa, Ash. Asarin mo lang.
"Ganon?! Osige, magisa kang umuwi." Kumalas siya sa pagkakayakap niya sa 'kin. Nasarapan sakin? Ngayon lang kumalas ang lolo ko! Hehe.
*Oo, Ash. Iiwan ka na nga niya eh.
Ayy. Tumakbo ako. Hinila ko ang braso niya. Pagharap niya nakita ko siyang nakangisi. "So, aamin ka na ba na ako ang gusto mo at hindi si Kai?"

BINABASA MO ANG
You're my Sweet Disaster
HumorSi Ashlee ang tipo ng babaeng minsan lang tamaan ng pana ni Kupido, kaya ng makilala niya si Kai, humahanap talaga siya ng paraan, maka-score lang dito. Pero mukhang may umeepal sa pagsintang pururot niya sa binata, ang Bestfriend ni Kai na si Van...