----
You're My Sweet Disaster. Chapter 1.
@CCCchan
----
ASHLEE'S POV
"ANG KAPAL din naman ng mukha mo! Nagawa mo pang ibandera sa napakaganda kong mukha 'yang higad na kasama mo! Wala ka ba talagang hiya diyan sa buto mo?!" nakakapanginit ng dugo. "Anniversary natin ngayon, but it looks like now i know why you're so cold to me these past few days. Siya na ba ang ipapalit mo sakin? How boring." ipagpapalit na nga lang ako, sa mukha pang espasol. Kadiri!
"I'm here to settle things Ash. Don't make it hard for the both of us."
Aba't ang hudyo! Anong gusto niyang gawin ko? Accept them with a wide smile, then sabay sasabihin ko 'Oh! You're here. And who's this lovely girl you're with?' tapos ibebeso ko ung higad na yun? HELL NO! Over my Sexy Body!
"The hell i care! You're dumping me because of that slut? Ano bang pinakain niya sa iyo para iwan mo ang napakaperpektong tulad ko?" hinarap ko si girl. Wala akong pakialam kung nasa Public Place man kami. "Hello dear! Since ayaw sumagot ng kulugong 'to, why don't you give me your answer instead. Anong pinakain mo sa kanya?"
"The food you can't give."
How dare her! She's really pickin' a fight huh. Let's see.
"Musta naman daw ang lasa? Masarap ba?" tinignan ko siya from head to toe. "You don't look delicious at all. My Ex sure is cheap."
"Stop it, Ash. 'Di mo magugustuhan ang gagawin ko 'pag di ka pa tumigil." ang bwisit na 'to. Hinahamon niyo talaga ko ah.
"Oh Steve please! Will you get out of the way? I'm having a talk with her." i pushed Steve away so i can get a closer look with the 'whore'. "Ikaw babae! Wala ka na bang maakit na lalaki gamit 'yang mukha mo, kaya katawan mo na ang ipinanlalaban mo? Sabagay, hindi kita masisisi, kung ganyan lang din ang mukha ko siguro gagawin ko din ang ginagawa mo ngayon. Nakakaawa ka! San ka ba pinaglihi ng nanay mo? Sa sama ng loob? Your face is like a Durian. You know what that is? Poor thing! Sa 'yo na 'yang kolokoy na yan. Tutal bagay naman kayo. You're both cheap!" tatalikod na sana ko ng biglang hinawakan ng higad ang braso ko.
"Are you done? Ako naman." she slap me. Feeling ko nangapal ang pisngi ko. "Steve said you're boring that's why he hang out with me. 'Di na ko magtataka kung bakit iniwan ka nga niya. Wala kang breeding. Sa slums ka ba nakatira? Napakabungangera mo. And you said i look like a Durian, why thanks. How 'bout you? San ka naman pinaglihi ng nanay mo? Sa ----
"Hold it right there you whore! FYI, i'm living like a Princess, nawawala lang talaga ang manners ko sa mga taong mukhang ... you know, mga mukhang may gaya ng iyo. At pinaglihi ako ni Mommy sa Gatas. See this skin? It's not like yours. Mine is fair and smooth while yours is hard and..." pinahid ko ang hintuturo ko sa balat niya, dagdag asar na din dahil sinabihan niya kong bungangera. "rough. Maglotion ka nman girl. Masyadong magaspang ang balat mo, pwede kong ipanghilod." i can't help but laugh.
Then i slap her.
"That's for my final blow. Nobody dares to slap me so i admire your guts but you made a wrong move. Stay away from me you two." walk out queen ang drama ko ngayon. Sumakay na ko sa kotse ko. Bago ko pinaharurot ang kotse, nilingon ko sila sa Restaurant na lagi naming kinakainan ni Steve. Nakayakap si Steve dun sa babaeng yun. Hinahagod niya ang likod ni Higad. Mukhang umiiyak.
Eh ako? Pano naman ako?! Lumabas na ang luhang kanina ko pa pinipigilan. I don't want anyone see me cries over a guy. Pero anong magagawa ko? Mahal ko pa rin ang gagong yun! I spent a year with Steve. He is my First Love and i want him to be the last. Pero mukhang sa panaginip at libro lang talaga nangyayari ang Happily Ever After.
Habang nagdadrive, may nadaanan akong tulay. I decided to park my car, nagstay muna ako para na rin makapagisip isip kung ano ng gagawin ko. Maaga pa naman, it's just 5 in the afternoon.
Malapit na ring magsunset. Gusto kong manood ang kaso may kaliitang taglay ang lola niyo kaya kakailanganin ko pang tumuntong. And that, nakita ko din. Hayy, sana perpekto na lang ang buhay. Para ebribadi hapi :D
Tumuntong pa 'ko ng isa. Gusto ko kasing umupo para di nakakangalay. Sa ayos ko ngayon, mukha akong magpapakamatay. Hmm, di rin masama. Para tapos na lahat ng problema. Hehe.
"Anong ginagawa mo diyan?"
---
To be continued...
---
BINABASA MO ANG
You're my Sweet Disaster
HumorSi Ashlee ang tipo ng babaeng minsan lang tamaan ng pana ni Kupido, kaya ng makilala niya si Kai, humahanap talaga siya ng paraan, maka-score lang dito. Pero mukhang may umeepal sa pagsintang pururot niya sa binata, ang Bestfriend ni Kai na si Van...