---
YMSD. Chapter 30
@CCCchan
---
ASHLEE'S POV
Sa Bachelor's Pad ni Van kami nakarating. Dito na siya madalas dahil mananatili na daw for good ang parents niya dito. Ayaw naman niya sa Mansyon nila dahil masyado daw 'yung malaki para sa kanya.
Actually sa pinto pa lang naghihilahan na kami. Not that i'm scared of him. Pinipigilan ko lang talaga ang sarili ko, baka kasi makasuhan ako ng Rape :D
Kasalukuyan akong nakaupo sa sofa niya habang siya naman nakatayo at nakapamaywang sa harap ko. "A-ano bang tinatayo-tayo mo diyan?" tanong ko sa kanya. And to my surprise, hinubad lang niya ang suot niyang pang-ibabaw. "H-hoy! Anong ginagawa mo?"
Imbes na sumagot, humakbang lang siya palapit sa 'kin. Bago pa siya makalapit, tumakbo ako papunta sa Bedside Table niya. Kinuha ko ang Vase. "Oy, Ash! Anong gagawin mo diyan?"
"Subukan mong lumapit. Ihahampas ko 'to sa ulo ko." banta ko sa kanya.
Humalakhak lang siya. "Ano ka ba, Ash! May basbas na tayo ng Parents mo. Bitawan mo na nga 'yan." humakbang siya ng isa.
"Diyan ka lang sabi eh! Isa mo pang hakbang magsisisi ka!" pero imbes na makinig sa 'kin, humakbang na naman siya. "Hinahamon mo talaga ako ah." at 'yun! Pinukpok ko sa sarili ko ang Vase. Peste! Ano na naman bang pauso mo, Ash?! Bakit sa sarili mo pinukpok kung pwede namang sa kanya? Nakaramdam ako ng pagkahilo kaya humiga ako sa kama at pumikit.
Napilitan akong dumilat ng maramdaman kong lumundoy ang kama. Nakita ko si Van na nakatunghay sa 'kin. "Okay ka lang ba, baby?" nag-aalalang tanong niya saka in-inspect ang ulo ko kung san tumama ang Vase. "May bukol na! Kailangan na kitang madala sa Ospital. Alam kong hindi dumugo 'yan pero baka may Internal Bleeding." Mabilis siyang nagbihis ng damit.
Patakbo na siya sa pinto ng bigla ko siyang hinila. Bumagsak tuloy siya sa kama. Ngayon pareho na kaming nakahiga. "Praning ka talaga kahit kailan, Van." Niyakap ko siya na halatang ikinagulat niya. "Okay lang ako 'no. Ako ang humampas sa sarili ko kaya alam ko kung malakas ba 'yun o mahina. At saka 'wag mo namang masyadong ipahalata na 'dedz na dedz' ka sa 'kin." nakangiting sabi ko sa kanya.
Pinisil niya ang pisngi ko. "It's natural na magalala ako sa 'yo." sumilay ang mapanudyong ngiti sa labi niya. "Ibig bang sabihin nito, pwede na tayong mag-'session'?"
Tinampal ko ng mahina ang pisngi niya. "That can wait, Van. 'Wag kang magmadali. Maghintay ka sa Anniversary natin."
Nagningning ang mga mata niya. "Anniversary?! Sige ba." Hinawakan niya ang magkabila kong pisngi at nilapit ang mukha niya. "I can wait, baby. That's 2months from now. Ayaw rin naman kitang madaliin. Binibiro lang kita kanina, sineryoso mo naman."
Hindi naging maganda sa pandinig ko ang malaman na binibiro lang pala niya ko kanina. So, nagsayang lang ako ng effort sa paghataw sa ulo ko?! Humiwalay ako sa kanya at umupo. "Sandali. Parang 'wag na lang yata sa Anniversary."
Halatang nagulat siya dahil mabilis pa sa alas-kuwatrong tumabi siya sa 'kin. "H-hey, Ash. That's settled!"
Hinarap ko siya. "Diba may promise ka sa 'kin na gagawin mo lang sa 'kin 'yun 'pag may singsing na dito sa daliri ko?" tinaas ko sa mukha niya ang Ring Finger ko.
Namutla siya at bumuntong hininga. "I'm sorry i almost forgot about that." nakayukong sabi niya pero nag-angat din siya ng tingin revealing those puppy eyes of his. Ah, cute. "Hindi ba pwedeng honeymoon muna bago kasal?"
Humirit pa talaga. "No."
Pero imbes na ma-disappoint. Ngumiti lang siya. "It's okay, baby. I know you're gonna love me more when that time comes?" pamisteryosong sabi pa niya.
Kailan naman kaya 'yun?
---
Alas-diyes na ng magising kami ni Van kanina. Buti na lang bakasyon na kaya wala namang problema. Nagpahatid lang ako sa kanya sa bahay dahil alam kong kailangan pa niyang mag-report sa Daddy niya. Siya na kasi ang magte-take over sa company nila since Licensed Engineer na siya. Alam niyo na, kailangan para sa future namin :)
Paakyat na 'ko ng hagdan ng marinig ko ang boses ni Kuya. "O sis. Ngayon ka lang?"
Binalingan ko siya. "Isn't it obvious?"
He just crossed his arms. "Ohh. San kayo nagpunta ni Van? 'Di kasi namin kayo nakita ni Colette sa 'langit'. Kagagaling lang namin 'dun."
Tinaasan ko siya ng kilay. "You're such a perv, Kuya." saka ko siya tinalikuran at tinuloy ang pag-akyat.
Pumalatak siya. "You're still a virgin? Ang hina naman yata ni Van sa 'yo?" sabi pa niya.
"He respects me, unlike you, manyak ka kasi."
"Hey!" narinig ko pang sigaw niya pero 'di ko na pinansin.
Nakasalubong ko si Colette. "O kumusta sa langit?" tanong ko sa kanya.
Naginit naman agad ang pisngi niya pero maya-maya sumilay rin ang mapanuksong ngiti sa labi niya. "Bakit parang masama yata ang gising mo, Ash?"
Pumasok na 'ko sa kwarto ko. Naramdaman ko namang sumunod siya. "I don't know, Colette." humiga ako sa kama at nakipagtitigan sa kisame. "I refuse to make love to that jerk and now i'm frustrated. Nang-asar pa si Kuya."
I heard her chuckle. "Normal lang 'yan sa birhen pa, Ash. Natural mag-alangan ka, you don't have any experience."
"Exactly. Kaya ko siya tinanggihan. I don't really know how to satisfy him." Umupo ako at tumingin sa kanya. "Baka kasi biglang magbago ang isip niya kapag nalaman niyang how lousy i am pagdating sa usaping sexual. God colette, i don't even know how to kiss."
Tumawa siya at umupo sa tabi ko. "Matutunan mo rin 'yan sa tamang panahon. At hindi mo kailangang pag-aralan 'yan, instincts ang pairalin mo."
"Is that from your own experience?"
"Of course. Nasa tamang edad na 'ko at magpapakasal na rin naman kami ng Kuya mo." nakangiti niyang sabi.
"Okay lang ba talaga na mauna ang Honeymoon sa Kasal?" tanong ko sa kanya.
"It's your choice, Ash. Pero i suggest kasal muna. Para kasing masarap ang feeling ng Virgin Bride."
"Suggest pero siya 'di niya nagawa." bulong ko na narinig naman niya.
Tumayo siya at tinapik ako sa balikat. "Masyado kang maraming iniisip, Ash. Manalig ka lang."
"Heh!" singhal ko sa kanya.
Humiga ulit ako ng makalabas na siya ng kwarto ko. Maybe Cole was right. Manalig lang and i'm very excited for our Anniversary :)
---
To be continued...
---

BINABASA MO ANG
You're my Sweet Disaster
HumorSi Ashlee ang tipo ng babaeng minsan lang tamaan ng pana ni Kupido, kaya ng makilala niya si Kai, humahanap talaga siya ng paraan, maka-score lang dito. Pero mukhang may umeepal sa pagsintang pururot niya sa binata, ang Bestfriend ni Kai na si Van...