Chapter 7

87 1 0
                                    

Note: 'May mga part pala na nasa Third person. So, tatlo yung nagkukwento. 'Wag sana kayong malito :D

----

You're my Sweet Disaster. Chapter 7.

@CCCchan

----

NAKATULALA pa rin si Ashlee habang tinitignan ang lugar kung saan bumagsak si Van. She felt responsible sa nangyari. Kung 'di sana niya 'to hinabol, hindi ito mahuhulog sa hagdan. Napaka-immature talaga niya kahit kailan. Ano na lang ang sasabihin ng parents ni Van 'pag nalaman nila ang nangyari sa kaisa-isang tagapagmana nila? Hindi malabong makulong siya 'pag nagkataon.

 ASHLEE'S POV

Eeee? Diba may kasalanan din naman si Van? Kung 'di niya pinairal ang kamanyakan niya, 'di sana nangyari yun sa kanya.

Pero ang sabi niya kanina, hindi niya daw 'yun sinasadya, naghahanap lang daw siya ng banyo.

Malay mo naman kung nagsasabi siya ng totoo? Katangahan niya 'yun kaya siya nahulog. Kaya 'wag mong masyadong sisihin ang sarili mo, girl! 'Di ka dapat nakokonsensya sa nangyari, tanga lang talaga 'yung lalaking 'yun.

*Wag kang makinig sa demonyo mong utak, Ash. At fault ka naman talaga, pano kung naghahanap lang talaga siya ng banyo? Ang masama pa nito, pano kung malala ang pagkakahulog ni Van? Kaya ba ng konsensiya mo kung saka-sakali? Kaya gumora ka na Bakla! Go na sa Hospital!

Dahil sa pangungulit ng dalawang konsensiya ko? Nagpasya akong pumunta sa Ospital. Kailangan kong alamin ang lagay ng mokong na 'yun. 'Di pang-selda ang beauty ko. Ayoko namang maghimas ng rehas no.

----

Gising na si Van pagkasilip ni Ashlee sa pinto ng Private Room niya sa Ospital. Kausap nina Kai at Travis ang Doctor na tumitingin dito.

Nagpasya siyang pumasok.

Nilingon siya ni Kai at Travis habang si Van naman ay masama ang tingin. "Umupo ka muna diyan, Ash. Hindi pa tapos ang session ni Van." paliwanag ng Kuya niya.

 

 

 

"We need to snap back your shoulder, Mr. Fontanilla. Na-dislocate 'yan pagkatapos mong mahulog sa hagdan." the Doctor said to Van.

 

 

 

"Are you sure it doesn't hurt, Doc?" sabi ni Van sabay lunok.

 

 

Gustong tumawa ni Ashlee kaso kailangan niyang magpigil. 'Yung mukha ba naman kasi ni Van kala mo binabad sa suka sa sobrang putla.

You're my Sweet DisasterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon