----
You're my Sweet Disaster. Chapter 12
@CCCchan
----
ASHLEE'S POV
"Mas masaya siguro kung sama-sama na lang tayo dito, 'di ba Ash?" tanong sakin ni Kai na ang tinutukoy ay papwestuhin na lang sina Van sa table namin.
"Wa---" tinaas ni Kai ang kanang kamay niya para tawagin si Van.
Lumapit sila samin. 'Sila' dahil may karay-karay siyang higad.
Oo Kai eh. Tinanong mo pa 'ko diba?
*Sus, ayaw mo lang kasama sa table si Van dahil hindi ka makaka-score sa Labidabs mo, hindi ba?
Ano pa nga ba? Fafa Kai naman kasi eh. Sasabihin ko pa lang na 'Wag na' umepal ka kaagad. Minsan lang tayo magsosolo, tumawag ka pa ng kurimaw dito. Ininis na nga ako niyan bago tayo pumunta dito, hanggang dito ba naman? Pano pa kita masusubuan ng dessert mamaya niyan kung may kasama tayong ungas? Pano ko pa pupunasan ang gilid ng labi mo kung sakaling may naligaw na sauce diyan? Pano ko pa pupurihin ang kagwapuhan mo na kahit naka-Uniform ka lang eh dalang-dala mo? Tapos magkakatitigan tayo...
Unti-unti kang lalapit...
Hahawakan mo ang baba ko para iangat...
At sasabihin mong...
"Fancy meeting you here, Ash." Huh?! Nakita kong nakatunghay sa harapko si Van. "Masyado ka namang nagulat sa kagwapuhan ko para matulala ka ng ganyan." nakangisi niyang sabi. Wala pa ring nagbago sa kakapalan ng mukha niya.
"No. Actually nagagandahan ako sa kasama mo." Nasan ba ang banyo? Naduduwal ako! Sheyyt!
"Insulto naman sa kagwapuhan ko kung pangit ang ka-date ko, Ash."
"Ahh." Sarap tusukin ng tinidor.
"Bakit hindi na lang kayo maki-share ng table samin, Van? Pang-apatan naman 'tong pinareserve namin ni Ash. I'm sure Ashlee won't mind kung magiging Double Date man 'to." biglang sabi ni Kai.
*Nakaramdam siguro si Kai na haharasin mo siya kaya naghanap ng kasama, Ash.
Tatanggihan niya pa ba 'ko? Sobra na siya ah pero Labs ko pa rin 'yan.
"Okay lang ba, Ash?" tanong sa 'kin ni Van.
"Sure. The more, the merrier." matabang kong sagot.
Pinaghila ng upuan ni Van ang higad niyang kasama. Gentleman din pala ang ungas minsan. The table is round. Bale katabi ko si Kai at Higad. Sa harapan ko naman si Van.
"Naka-order na kami ni Ash, pare." nakangiting sabi ni Kai kay Van.
"Okay lang 'yun, tol. Oorder na rin kami." tinawag ni Van ang waiter at binigay ang order niya. Binalingan ni Van si Higad. "What do you want to have, honey?"
"Hmm. I want Chicken and Corn Velvet Soup. Lover's Shrimp for the main course and Blueberry Cheesecake for dessert."
Ang arte ng bruha! Tapos kung makalingkis, dinaig pa ang sawa. Bakit ba nagdala ng Hayop si Van dito? Mukha bang Zoo 'tong Restaurant?

BINABASA MO ANG
You're my Sweet Disaster
HumorSi Ashlee ang tipo ng babaeng minsan lang tamaan ng pana ni Kupido, kaya ng makilala niya si Kai, humahanap talaga siya ng paraan, maka-score lang dito. Pero mukhang may umeepal sa pagsintang pururot niya sa binata, ang Bestfriend ni Kai na si Van...