Chapter 29

41 1 0
                                    

---

YMSD. Chapter 29

@CCCchan

---

 ASHLEE'S POV

"Fontanilla, Van Jacob A., Cum Laude." banggit ng speaker. Graduation ng Bachelor of Architecture ngayon. Akalain mong Cum Laude ang boylet ko, hindi lang 'yun dahil may karangalan din ang dalawang kolokoy niyang Bestfriend. 

"Samaniego, Travis V., Magna Cum Laude." pagpapatuloy ng speaker. Nasa stage na si Van katabi ang parents niya at paakyat na si Kuya kasama si Mommy't Daddy. Inabot na sa kanya ang Diploma at Medalya niya.

"And lastly, our Summa Cum Laude, dela Merced, Kaiser M." umakyat na din si Kai pero wala siyang parents na kasama. Huh? Nilapitan siya ng parents ni Van at sila na ang nagsabit ng karangalan niya. Ang sama naman ng parents mo, Fafa Kai. This is your big day but they didn't come. Oh well, at least we're happy for you.

Hindi rin pala sa kalokohan magaling 'tong mga 'to. Mukha lang silang hindi seryoso pero may ibubuga pala talaga sila. May karapatang magyabang ang mga unggoy.

Hintayin niyo ang Graduation ko next year. Kabog kayo sa 'kin :D

Bumaba na sina Kuya at Van. Naiwan naman si Kai sa stage para magbigay ng speech. Honestly speaking? Hindi ako nakinig :D Eh kasi naman wala namang bago sa speech. Pasasalamat lang sa mga teachers and the moments with his colleagues. Then a blah-blah here and a blah-blah there, blah-blah everywhere (^__^)V

Pagkatapos ng ceremonies-eklavoo. Nagphotoshoot na kami. Of course it should be photoshoot. Its not picture taking, PHOTOSHOOT. Can afford naman daw eh. Mommy said they hired a photographer so we don't have to take turns kung sino ang kukuha. Convenient.

We ate dinner at a fancy restaurant. At oo nga pala, Daddy and Mommy's gift to Kuya? Its a House and Lot. Sosy 'no? Ibig sabihin, pwede na silang magsolo ni Colette. My gift to him? Contraceptives. 'De joke lang :) Secret na 'yun.

Gift ko kay Van? Wala. Ang gusto ko kasi 'yung talagang gusto niya. Kaya kung anong gusto niya, ibibigay ko kung kaya ko rin lang.

*Eh pano kung ang gusto niya ay mag-'Boogie-Woogie' kayo?

Namula ako sa tinakbo ng isip ko. Syet! Ako ba talaga ang nagisip nun? Pano nga kaya? Keri ko bang isuko ang Bataan? Umiling-iling ako. Saka ko na iisipin 'yun. 

Kinalabit ako ni Van. "Hey baby, bakit namumula ka? Naiinitan ka ba?" hinawakan niya ang magkabilang pisngi ko.

Tinampal ko ang kamay niya at lumayo ng konti. Jusko, Espiritu ng Kamanyakan! Pwede bang mamaya mo na 'ko sapian? "Ano ka ba, Van, naanghangan lang ako sa kinakain ko 'no. OA ka na naman." sabay paypay sa sarili ko gamit ang kamay. Phew! Mainit talaga ah.

Mas lalong lumapit sa 'kin si Van. Kinuha ang kutsarang hawak ko at tinikman ang kinakain ko, which is our dessert. Tiramisu. Teka... Tiramisu?! Tinignan ko siya, "Ano bang maanghang dito, baby? Wala naman." kunot-noong tanong niya.

Nakatingin na silang lahat sa 'kin ngayon namely Van, Kuya, Colette, Kai and the Oldies. Naghihintay ng sagot at lahat sila nakakunot ang noo. "A-ahh, e-ehh..." Ang bobo mo naman kasi Ash! Bakit nakalimutan mong dessert na pala 'yang nilalantakan mo? "N-naiinitan kasi ako kaya ako namumula." sabay pahid ng kung ano sa noo para kunwari pawis.

Pero sabay-sabay lang silang tumingin sa iisang direksyon. SA AiRCON NA NAKATAPAT SA 'MiN. Bumalik ang tingin nila sa 'kin, this time nagsalita na si Kuya with matching nakakalokong ngiti on his face. "So, Ash. Anong gift mo kay Van?"

Tinaasan ko siya ng kilay. "And why do you ask?"

"Wala naman. Kasi may naisip lang akong dalawang kaso. It's either you have a gift for him, or 'YOU' are the gift for him."

Binatukan ko siya. Buti na lang nasa tapat ko siya kaya umabot. "'Wag kang praning, Kuya. As if naman susuko kaagad ako kay Van."

Nagtawanan lang silang lahat. Mukhang pinagkakaisahan ako ng mga 'to ah. 

Nagsalita si Daddy. "That's not your brother meant, hija."

"Ang isda talaga, nahuhuli sa sariling bibig." sabad naman ng Mommy niya.

"Sis, what i mean is, You are the gift. Spend your time with him not what you're thinking." sabi ng Kuya niyang nakangisi pa.

"I'm not thinking anything!" sigaw ko.

Inakbayan ako ni Van. "'Wag niyo ngang niloloko ang baby ko!" sabi niya sabay baling sa parents ko. "Pwede na ba Mommy? Daddy?" tanong niya.

Anong pwede na?

"Oh sure. Nasa legal age naman na kayo. You should enjoy your youth." nakangiting sabi ni Daddy habang tumatango-tango naman si Mommy.

Legal age? Enjoy? Ano bang pinaguusapan ng mga 'to?

"Alright!" napatayong sabi ni Van. Hinila rin niya ko patayo. "Tara na, baby." binalingan niya ulit ang mga kasama namin. "Batsi na kami, mga kabayan. Ike-claim ko lang ang regalo ng baby ko." pagkasabi niya, inakbayan niya ako at naglakad palayo.

Nagpumiglas ako pero mahigpit ang kapit niya sa balikat ko. "O-oy, Van! San ba tayo pupunta?"

Lumapit siya sa 'kin at bumulong, "Sa biglang liko." 

(O____O) "WHAAAAAAAT?!"

Narinig ko 'pang nagtawanan ang mga iniwan namin. Narinig siguro nila ang sinabi ni Van. Bago pa 'ko mag-hysterical, nakaladkad na niya ko palayo. Oh God! Eto na ba 'yun?!

---

To be continued...

---

You're my Sweet DisasterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon