---
YMSD. Chapter 34
@CCCchan
---
ASHLEE'S POV
Puting kisame ang namulatan ko pagdilat ko ng mga mata ko. Ibig sabihin nasa ospital pa rin ako, pero ako na ang pasyente.
Nakita ko si Mommy sa tabi ko. Nakayukyok habang hawak ang mga kamay ko.
"Mommy." sabi ko sabay alog sa balikat niya.
Dumilat naman siya agad. "Oh Ash. Glad you're okay. I'm so worried about you, anak." saka niya ko niyakap.
Nang kumalas siya, agad akong nagtanong, "Bakit ako nandito, My?"
Bumuntong hininga muna siya bago ako sinagot, "Nag-breakdown ka kanina. Hindi kinaya ng katawan mo ang emotional stress." Nangilid na naman ang luha ko. Naalala ko na naman kasi kung anong nangyari. Hindi ko mapigilan na hindi sisihin ang sarili ko. Pinahid ni Mommy ang tumulong luha sa mga pisngi ko. "Ashlee, anak, i'm sorry i can't do anything about it, pero kailangan naming gawin 'to."
Tumigil sa paglandas ang mga luha ko. "What do you mean?"
Yumuko siya. "I'm so sorry, hija. Para rin sa 'yo 'tong gagawin namin."
Hindi ko gusto ang tono ng pananalita ni Mommy kaya napahampas ako sa hospital bed na hinihigaan ko. "What are you talking about?!" hindi ko rin mapigilang hindi sumigaw. Kinakabahan ako sa sasabihin niya.
"Van's parents and your Dad, wait, including me, we decided na ilalayo muna namin si Van sa 'yo---"
May sasabihin pa siya pero pinutol ko na. Kumuyom din ang mga kamay ko pero kinalma ko din ang sarili ko. "Get out, My."
Tumayo lang siya sa inuupuan niya at patuloy na nagsalita. "It's final, Ash. Mahal ka namin ng Daddy mo kaya ginagawa namin 'to. We're so worried when you passed out earlier kaya nakipagusap kami sa parents ni Van. You're gonna get yourself killed kapag hindi pa namin 'to ginawa. Alam namin kung gaano mo kamahal si Van pero hindi namin papayagang pati sarili mo isinasakripisyo mo. We don't want to see you in that state anymore, Ash."
"Wala kayong pakialam kung bantayan ko siya ng buong araw. Wala kayong pakialam kung umiyak din ako na parang wala ng bukas. At higit sa lahat, wala kayong karapatan na ilayo ako kay Van! I'm his girlfriend! Karapatan kong samahan siya sa ganung sitwasyon!" hindi ko mapigilang sigawan siya. Bakit ba nila 'to ginagawa?
"But you're risking your health, hija, hindi namin papayagan ng Daddy mo na pati ikaw nakaratay na din sa kama gaya niya."
"I don't care! Pupuntahan ko pa rin siya kahit na anong mangyari." Napahagulgol na 'ko. Itinakip ko ang mga palad ko sa mukha ko.
Binuksan ni Mommy ang pinto, "Banned ka sa kwarto ni Van, Ash, kaya hindi mo rin siya mapupuntahan. I'm sorry for doing this pero para sa 'yo rin 'to." pagkasabi niya nun, lumabas na siya.
Naiwan ako sa kwartong 'to na puro iyak lang ang ginagawa hanggang sa nakatulog na lang ulit ako.
---
Paggising ko, bigla akong may naisip na gawin. Alam kong pwedeng magalit ang lahat sa 'kin pero wala akong pakialam. Mahal ko si Van, tapos.
Tumayo ako at tinanggal ang nakakabit na dextrose sa may pulso ko.

BINABASA MO ANG
You're my Sweet Disaster
HumorSi Ashlee ang tipo ng babaeng minsan lang tamaan ng pana ni Kupido, kaya ng makilala niya si Kai, humahanap talaga siya ng paraan, maka-score lang dito. Pero mukhang may umeepal sa pagsintang pururot niya sa binata, ang Bestfriend ni Kai na si Van...