Chapter 17

68 1 0
                                    

---

YMSD. Chapter 17

@CCCchan

---

 ASHLEE'S POV

*Tok tok tok tok tok

"Hey Sleepyhead! Wake up! You're gonna be late!"

Boses agad ni Kuya Travis ang narinig ko pagbungad ng mga mapupungay kong mata. Charot! Epal talaga 'tong si Kuya ever. Ang sarap sarap ng tulog ko kapiling 'tong makisig kong irog. Sininghot ko pa ang dibdib niya, FYI lang ha, nakaunan kasi 'yung ulo ko sa matitipuno niyang pectorals. Hihi. Jusko! Kung 'di lang masama ang mag-rape ng tao. Kanina pa walang puri 'tong isang 'to. Himbing na himbing pa ang mokong.

I touched the tip of his nose. Ang gwapo mo talaga, mahal ko! Gigil! Kainis! Asar! Hansarap! Hansaya! Han--

*Tok tok tok tok tok

"ASHLEEEEE! Don't make me get you again!"

Unggoy ka talaga Kuya! "Andiyan na!" Tinapik-tapik ko ang mukha ni Van. "Baby, wake up! It's time for school. Uuwi ka pa sa inyo." umungol lang siya. Niyakap pa niya ko sabay dantay ng binti niya sa binti ko. Tinapik ko ulit siya. "Baby! Gumising ka na! Maeeskandalo si Kuya 'pag nakita ka niya dito! Aasarin na naman ako ng katakot-takot nun." wa epek pa rin. Ano ba naman 'tong isang 'to. Tulog-mantika pa. 

Mapapasabak yata ako dito ah. Teka nga. Kiniliti ko siya, nakita kong napapangiti siya. Aba't ang hudyo! Gising pala. Hinampas ko siya sa braso. "Gising ka na pala, pinapahirapan mo pa 'ko. Get up! We're gonna be late. Umuwi ka na." 

"Parang gusto kong masanay na ikaw ang gumigising sa 'kin. Kahit pareho pa tayong 'di nakakapag-toothbrush." tatawa-tawa niya pang sagot.

Napatakip ako sa bibig ko. Syete! Oo nga pala. Ayoko namang bugahan ng morning breath ko si Labidabs. Nakakaloka! 

Inalis niya ang kamay ko sa bibig ko habang nakangisi. "'Wag ka ng mahiya, baby. Lahat sa 'yo gusto ko. Even your flaws." pagkasabi niya nun, hinalikan niya ko saka hinila patayo. "Tara sabay tayong mag-toothbrush. I want to take a picture of us, this is our first morning together."

Ang sweet ng boyfriend ko. Pipicture pa daw. Taray!

---

Naglalakad si Ashlee at Van sa pathwalk ng University nila na magkahawak-kamay ng makasalubong nila si Kai at Nicolette.

ASHLEE'S POV

"Hey! Mukhang okay na kayo ah." nakangiting sabi ni Kai.

Tinulak-tulak siya ni Van na para bang ayaw ipadikit sa akin. "Ikukwento ko na lang 'tol. Tara!" lumayo na sila sa 'min. Narinig ko pang nagsalita si Van, "Oh wait! May nakalimutan ako. Be right back, Kai." Patakbo siyang lumapit sa 'kin and gave me a peck on my lips. "See you later, baby." sabay kindat pa then bumira ng alis.

"Now that's sweet." 

Nilingon ko ang nagsalitang si Nicolette. Nakangiti lang siya habang tinitignan ang papalayong si Kai at Van. Napangiti na lang din ako. "Natatawa na nga lang ako sa kakornihan ng isang 'yan eh. But honestly speaking, i love him for that. Too sweet."

You're my Sweet DisasterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon