-----
You're my Sweet Disaster. Chapter 3.
@CCCchan
-----
ASHLEE'S POV
"ARE YOU okay?"
Buhay pa ba 'ko? Nasa lupain na ba ko ng mga magagandang tulad ko? Bakit?! Bakit ang gwapo ng boses ng lalaking yakap-yakap ako.
GWAPONG BOSES? Meron ba nun? Hmm. Meron siguro, naririnig ko eh. Eto nga ebidensiya oh. Nasa mga bisig niya ko.
BISIG? Hala!
Mabilis akong humiwalay kay Mr. GB. GB as in Gwapong Boses.
"Nasarapan ka sa yakap niya?" tanong ni impaktong kulugo. Nasa harapan na pala namin siya. "Kai, kailangan na nating umalis. Pabayaan mo na 'yang babaeng yan. 'Di na natin kasalanan kung magpakamatay man siya. Napeperwisyo na tayo niyan."
"Magkakilala kayo?" tanong ko kay Mr. GB.
Ngumiti siya. Ngiting pwedeng ipang-ulam. "Yes. He's my Bestfriend, Van. Van Jacob Fontanilla And i'm Kaiser dela Merced but you can call me Kai."
Kai. Kaiser. Kaiser dela Merced. Kai ng buhay kooo \(^/////^)/ Kai, my SUPERMAN! BATMAN! SPIDERMAN! MY MAN :D
Ang sarap mangarap kung siya naman ang papangarapin mo. Hayy, nakakawala ng problema ang mukha niya. Ang ngiti niyang nakapanlalambot ng tuhod. Mata niyang nakatitig sakin ngayon, kamay niyang iwinawagayway niya sa mukha ko, boses niyang nagsasabing...
"Hello! Miss! Are you okay?"
Bakit napakagwapo ng boses ng nilalang na 'to? Para akong pinaghehele sa lambing ng boses niya.
*Boink!
Naramdaman ko na lang na may bumatok sakin. "Aray ah! Ano bang problema mo?" Asar 'tong Van na 'to. Panira talaga ng pantasya kahit kailan.
"Masyado ka ng nangangarap. Bakit? Na Love at first sight ka ba sa Bestfriend ko? 'Di ka papatulan niyan. Ayaw niya sa babaeng suicidal. Ayaw niya sa babaeng maliit. Ayaw niya sa babaeng kala mo nakalunok ng Megaphone. In short, di ka niya type."
Dinuro ko siya. "Alam mo ikaw! Nakakabuhay ka?!"
"Nakakabuhay?" sagot niya na nagtataka.
"Oo! Nakakabuhay ka ng dugo! In short, nakakaasar ka! Bwisit!" nakakainis na nga, nakakaasar pa. Ang sama ng ugali, NAKAKASUKA!
Humalakhak siya. "Ibang klase ka talagang babae ka. Nakakatuwa ang mga choice of words mo. Tao ka ba talaga?" sabi pa niya habang tumatawa.
Bakit parang gumagwapo siya habang tinititigan mo?
(<.<)(>.>)(<.<)
Argh! Pano gugwapo yan eh napakasama ng ugali?!
"Alam mo ikaw! Umuwi ka na lang sa inyo. Baka mapatay na kita eh!"
"Talaga namang uuwi na kami. Bahala ka na sa buhay mo. Kai, let's go!"
"Van, wait." Hinarap ako ni Kai. "Miss, sure kang okay ka na dito? Kailangan na naming umalis. Or do you need a lift?"
Umiling ako. "No. Okay na ko. Don't worry 'di naman ako magsu-suicide. Actually nung binulabog ako ng kaibigan mo eh nasa process of thinking pa 'ko. Nagiisip kumbaga." ngumiti ako.
"You sure? Ihatid ka na kaya namin?"
Oha! Ang sarap mainlove sa kanya kung saka-sakali. For the second time, umiling ako. "Okay lang talaga ako. You don't need to bother. May kotse naman ako, mayamaya uuwi na rin ako. Sorry nga pala sa abala. Thank you din sa pagsagip kanina."
He smiles. "No problem. Take care." he tap my head. Ano ako aso? Pero okay lang, ang gentle niya. *sigh*
"Hey, Kai. Halika na! Pabayaan mo na yan, malaki na yan!" sigaw ng manyak na si Van.
Bumulong ako. "Mauntog ka sana."
Mukhang kinakasihan ako ng tadhana dahil nauntog nga ang unggoy. Buti nga! HAHAHA xD
I heard a chuckle. Nilingon ko si Kai. Nasa tabi ko pa pala siya. "Mukhang nakahanap na ng katapat si Van." mahinang sabi ni Kai.
"Huh?"
"Nothing. 'Gotta go! Bye."
Actually narinig ko yung unang sinabi ni Kai. But what does he mean?
-----
"KUYA NANDITO na ko!" sigaw ko. Kakauwi ko lang, nagstay pa kasi ako ng mga 30minutes pa sa may tulay kanina. Bigla ko kasing nakalimutan ang nangyaring Break up samin ni Steve ng dumating ang dalawang lalaking yun. Gumaan bigla ang pakiramdam ko.
Siguro nga hindi lang si Steve ang lalaki sa mundo. Andyan pa naman si Kai my Labs. Hihi. Napapangiti ako 'pag naiisip ko siya.
"Hey, Ash! Bakit ngayon ka lang?" that's my ever-loving kuya. Lagi kasing wala sina Mommy at Daddy kaya madalas kami ang magkasama ni Kuya Travis.
"Nagpahangin lang ako kanina kuya kaya nalate ako ng uwi. Ikaw? Kanina ka pa?"
"Oo. Kumain ka na ba?"
"'Di pa nga eh. Sabay na tayo. Ginutom ako ng lecheng Steve na yun eh. I had a long day."
"What happened?"
"We broke up."
"Oh. Anong nararamdaman mo ngayon? Hindi ka ba nasusuka? Nahihilo?"
Nasusuka? Nahihilo? "Kuya hindi ako buntis. We just broke up. Duh." sabi na nga ba may pagmamanahan talaga 'ko pagdating sa kabaliwan eh.
"'Kidding Ash." he said with a smile visible on his face. "Alam ko namang hindi mo ibibigay yan. Sa halik nga takot na takot ka, more than kiss pa kaya." humalakhak na siya ng tuluyan.
Tama si kuya never pa kong nahalikan ni Steve sa lips. Feeling ko kasi 'pag nahalikan ako, mabubuntis na ko eh. Ibang klase talaga 'tong utak ko. "Nahalikan na ako ni Steve kuya no. Sa cheeks."
Lalo pa siyang tumawa sa sinabi ko. "That's not counted, Ash. You're still a baby." sapo-sapo pa niya yung tiyan niya habang tumatawa. Ang lakas talaga mang-asar ng isang 'to. Parang si Van.
"I'm just 18 kuya. Eh ano kung wala pa kong First Kiss?" now i know i'm lying.
"Wala ka pang First Kiss? Eh sino yung kahalikan mo sa tulay kanina?" tanong ni kuya na nakakunot ang noo.
(O.O) Pano niya nalaman 'yun?!
-----
To be continued...
-----
BINABASA MO ANG
You're my Sweet Disaster
فكاهةSi Ashlee ang tipo ng babaeng minsan lang tamaan ng pana ni Kupido, kaya ng makilala niya si Kai, humahanap talaga siya ng paraan, maka-score lang dito. Pero mukhang may umeepal sa pagsintang pururot niya sa binata, ang Bestfriend ni Kai na si Van...