---
YMSD. Chapter 19
@CCCchan
---
Pakanta-kanta pa si Ashlee habang papasok sa bahay nila. Inaalala pa niya ang nangyaring 'date' nila ni Van kanina.
ASHLEE'S POV
Eeeee?! Bakit ang 'kati-kati' ko kanina?! Sheyyyt! Akalain mong nagawa ko 'yun sa kanya? May talent pala ko sa pagpapakilig, ba't ngayon ko lang nalaman? Sana nabanatan ko din si Kai dati, edi sana siya ang boyfie ko ngayon, but don't get me wrong party people! MAHAL KO ANG KOLOKOY NA Si VAN! Echos ko lang 'yung kay Kai. Hindi ko pinagsisisihan na minahal ko 'yung unggoy na 'yun. Hehe. Ang haba talaga ng hair ko! Infairness.
Hinawakan ko ang pisngi ko dahil feeling ko nangangamatis na siya. As in.
Pagpasok ko sa bahay, naabutan ko si Kuya sa sala na nanonood ng TV.
"Hindi ka hinatid ni Van?" nakakunot-noong tanong niya.
"Hinatid niya ko kuya-my dear, pero sa kanto lang ako nagpababa kasi nga masyado ng gabi. Gusto pa nga sana niyang pumunta dito kaso ang sabi ko may bukas pa naman. Ikaw? Anong drama mo at gising ka pa?"
"May itatanong lang ako sa 'yo." seryosong-seryoso ang mukha ng lolo ko ah. Ano kayang meron? Tinap niya ang bakanteng space ng sofa sa tabi niya.
Umupo naman ako 'dun tsaka ko siya inakbayan. "Anong bumabagabag sa 'yo, kafatid?"
Inalis lang niya ang kamay ko sa balikat niya at nag-iwas ng tingin. "S-si Nicolette 'yung kasama mo kanina, 'di ba?"
(O___O) "H-hindi ah. Tsaka sinong Nicolette naman 'yun, Kuya? Wala naman akong 'friendship' na Nicolette ang pangalan." Jusko, alibi! Umepek ka! Hindi pwedeng malaman ng gunggong kong Kuya na nandito ang 'Love of his Life' niya. Dyahe 'yun sa plano namin ni Colette-beybe.
Mataman lang akong tinitigan ni Kuya. "You don't need to deny about her, Ash. Alam kong nandito siya sa Pilipinas. Alam ko din na siya ang naging fiancee ni Van. Na nagtransfer siya sa Fuji Academy at siya ang kasama mo kanina. Alam kong siya 'yun kahit nasa malayo kayo."
Bakit ang daming alam ni Kuya? Hindi kaya chismoso talaga siya by heart?
*Gaga! Alam mong resourceful na tao ang kuya mo. Madiskarte kumbaga. Kaya 'wag ka ng magtaka kung alam niya lahat ng tungkol kay Nicolette, alalahanin mong Labidoo niya 'yun.
"P-pero Kuya, pano mo nalaman 'yan? Ang pagkakaalam ni Colette, hindi mo alam na nandito siya. Kaya nga humingi siya ng tulong sa'kin para i-surprise ka niya, 'yun pala siya ang masusurprise!"
Tumingin si Kuya sa TV. "Alam ko lahat ng tungkol sa kanya. Lahat ng whereabouts niya. Alam mong mahal na mahal ko si Letlet, mga bata pa lang kami. Ng pumunta siya ng France nagdesisyon akong hintayin siya hanggang isang araw, na-realize ko na lang na kailangan ko na sigurong sumuko pero hindi nangyari 'yun. Aksidenteng narinig kong pinaguusapan ni Van at Kai si Nicolette, na-curious ako kung sinong Nicolette ang tinutukoy nila kaya nagtanong ako. Nalaman kong Nicolette Garcia ang pangalan niya at siya ang fiancee ni Van. Siya rin si Letlet na First Love ko."
Kumuha ako ng throw pillow at hinampas sa kanya. Napa-aray siya. Hawak ang nasaktang ulo, pinandilatan ko lang siya. "Unggoy ka talaga, Kuya! Alam mo ba 'yang ginawa mo? Siguradong magagalit 'yun sa 'yo. Nag-effort effort siya para lang hindi mo malaman na sa iisang school lang kayo nag-aaral. Todo-iwas siya sa 'yo, 'wag lang magkasalubong ang landas ninyo. Nag-iipon pa nga siya ng lakas ng loob at kapal ng mukha para kapag nagkita kayo, ready siya. Tapos bigla niyang malalaman na alam mong nandito siya umpisa pa lang?"
BINABASA MO ANG
You're my Sweet Disaster
HumorSi Ashlee ang tipo ng babaeng minsan lang tamaan ng pana ni Kupido, kaya ng makilala niya si Kai, humahanap talaga siya ng paraan, maka-score lang dito. Pero mukhang may umeepal sa pagsintang pururot niya sa binata, ang Bestfriend ni Kai na si Van...