Chapter 37

45 1 0
                                    

---

YMSD. Chapter 37

@CCCchan

---

ASHLEE'S POV

Jusko ka naman kasi Kai! Bakit ba kailangan mo pa kong bigyan ng alalahanin ngayon? Nandito ako sa classroom. Vacant namin kaya may oras ako para makapag-isip-isip pero mukhang wrong move ako. Sa dami ng naiisip ko, malapit ng makulta ang utak ko.

Napasabunot ako sa sarili ko. Ano ba ang gagawin ko? Kailangan ko bang mailang sa kanya? Pero hindi naman ako 'yung tipo ng babaeng maiilang sa lalaki after kong malaman ang feelings niya. Kung tutuusin lalo ko pa ngang nilalapit ang sarili ko sa kanila. Bakit? Hindi ko rin alam.

Napayukyok ako sa desk ko. Maya-maya may tumapik sa balikat ko. Napilitan akong mag-angat ng tingin. Napabusangot ako ng malaman ko kung sino ang istorbo sa pananahimik ng mundo ko ngayon.

Umupo siya sa kabiserang upuan. "Hoy bruha! Anong drama mo ngayon? May pasabu-sabunot ka pa ng hair mo sabay yukyok ng ulo."

"Tantanan mo ko, Hera! Bakit ka ba nandito? Himala yata't 'di ka nakabuntot sa baklita mong irog." segway ko. She is Hera Villasis. Blockmate ko siya, actually. Okay naman siya. Kung kalog ang personality ko, mas malala siya. Scholar siya and siya ang babaeng bagay ang titulong 'Beauty and Brain.'

"Hayaan muna nating ma-miss niya ang kagandahan ko." nagniningning ang matang sabi niya.

Hindi ko alam kung baliw lang ba siya o sadyang malalim lang ang pagkakapana ni Kupido sa kanya. Imbes kasi na sa normal na lalaki siya nainlove, sa medyo tagilid pa ang kasarian. Pero hindi ko rin naman kasi siya masisisi, kung hindi ko lang nakilala si Van, ako ang humahabol-habol ngayon sa isang 'Jude Vergara' para gawin siyang macho gwapito. 

Jude Vergara is the hottest gay in campus. Unang tingin, mapagkakamalan mo talaga siyang lalaki dahil sa tindig niya. Hindi kasi siya payat. Matangkad din siya and very handsome. Pero ng makita kong maglakad ang bruho, sira ang pantasya. Pumipilantik kasi.

"Kagandahan mo, eh mas maganda pa nga siya sa 'yo." bulong ko sa sarili ko na narinig naman niya.

"Gwapo siya Ashlee! Hintayin mo lang tumalab ang gayumang pinatikim ko sa kanya. I'm sure magiging langit na rin ang bawat araw ko." nangangarap na sabi niya.

Umiling-iling ako. "Malala ka na."

Natigilan siya ng may biglang naisip. "Eh teka muna, bruha ka! Nag-change topic ka na naman eh. Ano ngang drama mo kanina?" Natutop niya ang bibig niya saka nanlaki ang mga mata. "Buntis ka?!"

Binatukan ko siya. "Bruha ka! Pano ako mabubuntis eh virgin pa 'ko! May makarinig sa 'yo baka matsismis pa ang beauty ko."

Ngumiti siya ng malapad. "'Yan ang gusto ko sa 'yo eh. Ang lakas ng apog mo!"

"Alangan namang solohin mo ang pagiging maganda? Eh anak din naman ako ng Diyos." nakangiti na ring sabi ko. Siya lang ang medyo ka-close ko sa room na 'to. Ayoko kasi sa mga plastic na tao at social climber. At least si Hera, kahit na hindi siya mayaman, hindi siya trying hard.

Tumawa lang ang bruha. "Apir tayo diyan, bakla!" sabi niya at ako namang si uto-uto, nakipag-high five pa talaga sa kanya. 

Napatingin siya sa pinto kaya napalingon din ako. Medyo nagulat pa 'ko. Anong ginagawa ng isang Jude Vergara dito?

Si Hera naman ang tinignan ko. Pilya ang ngiti ng bruha. Ano na naman kayang pakulo ang ginawa nito para makuha ang atensiyon ni Jude also known as 'Judy'. 

You're my Sweet DisasterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon