---
YMSD. Chapter 18
@CCCchan
---
Nakaupo si Van at Kai sa may bench sa likod ng Gymnasium. Dun sila nakarating ng itulak-tulak niya ito para ilayo kay Ashlee kanina.
VAN'S POV
Ayoko na kasing lumalapit pa si Kai kay Ash. Alam naman nating lahat na nagkaroon ng major crush si Ashlee sa gunggong na 'to. Hindi man halata pero pinagseselosan ko talaga si Kai, BiG TiME!
Alam kong bestfriend ko si Kai, but what the heck?! Ibang usapan na 'pag si Ashlee, I love her so much i can't stand seeing her with other guys, even Kai. Asawa nga naaagaw, girlfriend pa kaya, besides Ashlee might fall for Kai. Knowing her, si Kai talaga ang tipo niyang lalaki. Ideal man nga sabi niya. Pero wala eh, malakas pa rin ang charms ng lolo niyo kaya sa 'kin siya na-inlove.
*Alam mo Van, paranoid ka lang. Sige nga, tama bang pati bestfriend mo pagselosan mo? Ano 'yan? Wala kang tiwala sa kanya, ganon?
Just want to make sure.
"Bakit mo ba 'ko kinaladkad dito, Van?" naiiritang tanong ni Kai.
"'Di ba gusto mong magkwento ako? Heto, magkwentuhan tayo dito."
"Bakit kailangang dito pa? Pwede namang kasama natin sina Ashlee diba?"
"Ang dami mong tanong. Manahimik ka na lang diyan at magku-kwento na 'ko." may sasabihin pa sana siya pero nagsimula na 'kong magkuwento.
"Ahh. Ganun pala ang nangyari sa inyo. Good for you. Kumusta naman ang feeling?"
"Happy." Iniisip ko si Ashlee habang dinudugtungan ang sagot ko sa tanong ni Kai. "Hindi ko nga alam na magiging ganito ka pala kasaya 'pag nalaman mong mahal ka rin ng taong mahal mo. Alam mo naman kung pano kami nagsimula ni Ash diba? We're like Tom and Jerry, but despite of that, we fell for each other. Unexpected."
"I can see na mahal na mahal mo nga siya."
Ngumiti lang ako. "By the way, how's yours with Nicolette?"
"She's inlove with her first love. Alam naman natin 'yun. I guess tinamaan talaga siya sa lalaking 'yun. We can't blame her though, nagmahal lang naman siya. Masaya na rin naman ako dahil alam kong masaya siya."
"Bakit parang okay lang sa 'yo? 'Di ka ba nasaktan?"
"A bit, but that's just it. Narealize ko kasing hindi na ganun katindi ang feelings ko sa kanya when i met that interesting woman." nakatingala lang siya sa langit habang nakapamulsa. He's smiling.
I also smiled. "So, may bago na palang laman 'yang pihikan mong puso. Who is she?"
"'Di mo na kailangan malaman. Hindi rin naman magiging kami eh. She's committed. Mukhang ayaw talaga akong bigyan ng Lovelife ni Kupido. Pansin ko kasi, parang lahat na lang ng babaeng magustuhan ko, it's either hindi ako gusto or may boyfriend na. I guess hindi ko pa oras para maging masaya."
Tinapik ko siya sa balikat. "It's not the end of the world, bro. There are so many fish in the ocean. Don't settle for one."
Lumingon siya sa 'kin. "'Wag mo kong itulad sa 'yo, Van. You know that i'm not a player."
"Hey! And who says i'm a player? Nagbago na 'ko. Si Ashlee na lang ang isinisigaw ng puso ko." hinawakan ko pa ang kaliwang dibdib ko para damang-dama niya ang sinabi ko.
BINABASA MO ANG
You're my Sweet Disaster
HumorSi Ashlee ang tipo ng babaeng minsan lang tamaan ng pana ni Kupido, kaya ng makilala niya si Kai, humahanap talaga siya ng paraan, maka-score lang dito. Pero mukhang may umeepal sa pagsintang pururot niya sa binata, ang Bestfriend ni Kai na si Van...