PAALALA: BE OPEN-MINDED.
Pag may asterisk (*) konsensiya po yun :D Kapag naka-Italized pero 'di nka-Bold, iniisip po nila 'yun.
----
You're my Sweet Disaster. Chapter 9
@CCCchan
----
NAPAGPASYAHANG iuwi na lang ni Ashlee si Van sa bahay nila, nakalimutan kasi niyang itanong sa Kuya niya kung saan ito nakatira. Tinatawagan naman niya ito kaya lang 'cannot be reached' na.
ASHLEE'S POV
"Biro mong nabuhat kita papunta sa kwarto ko sa laki mong 'yan? Grabe, siguradong mahihiya ka sa 'kin paggising mo." sabi ko kay Van habang pinupunasan ang mukha nito. Himbing na himbing pa rin ang mokong. Chineck ko rin ang temperature niya kanina, sobrang taas.
"Makakababa ba ng init mo 'tong ginagawa kong pagpupunas sa mukha mo? Dapat bang pati katawan mo idamay ko na?"
Mukha akong tangang nakikipag-usap sa tulog. Buti kung sumagot 'to -_____-
*sigh* Tinaas ko ang T-shirt niya para tanggalin.
(O____O) Mukhang magkakasala ako ng 'di oras dahil sa lalaking 'to. Diyos ko! Tulungan niyo po akong magpigil sa tuksong 'to.
Pinagsawa ko muna ang tingin ko sa katawan niya. Washboard Stomach. Firm Muscles. Perfect Biceps and Triceps. KYAAAAAAAA!
Nakuu, Van! Hindi mo lang alam kung anong klaseng torture ang dinadanas ko ngayon sayo. Nakakapanggigil ka! Kainis!
*Ashlee, wag kang magtaksil sa irog mong si Kai! Pigilan mo 'yang kamanyakan mo. Por favor!
Sinimulan ko na siyang punasan ng nakapikit. Ayoko ng magkasala sa mata ng Diyos. Lalong ayoko ng magtaksil sa irog kong si Kai. Pinalitan ko na rin ang damit niya ng damit ni Kuya.
Papalitan ko rin ba ang pang-ibaba niya?
*Eeeeee?! Ang halay mo talaga, Ashlee Samaniego! Bakit, kaya mo na bang makakita ng 'cheverloo' in Live Action? Baka magulat ka 'pag nasilayan mo ang alindog ng isang Van Jacob Fontanilla?
Makasalanan na nga ang mata ko pati pagiisip ko nalalason na din ng dahil sa mokong na 'to. Napasulyap ako sa may zipper ng pantalon niya.
Bakit may nakaumbok?
(O///////////O)
Binalutan ko ng kumot si Van.
Bwisit ka, Van! 'Yan! Magmukha kang Giant Turon ngayon! Parusa ang inaabot ko sa 'yo.
*Masyado ka kasing curious sa alindog niya. Ayan tuloy ang napapala mo. Bilib din ako sa 'yo, Ash eh, ang lakas ng Self-Control mo.
Iniwan ko na siya sa kwarto ko dahil baka kung ano pang makita ko 'pag nagkataon. Pumunta ako ng kusina para uminom ng malamig na malamig na tubig, pampagising na rin dahil mukhang nawawala ako sa tamang huwisyo. Pinagluto ko na rin si Van ng makakain niya mamayang paggising niya.
----
*Blag
Nasa sala si Ashlee, nanonood ng TV, ng may marinig siyang lagabog mula sa taas ng bahay nila. Naalala niyang nandoon nga pala si Van sa kwarto niya. Pumunta siya ng kusina para kunin ang pagkaing niluto niya para dito.
Pagbukas niya ng pinto ng kwarto niya, nakita niya si Van, nakadapa sa sahig. Dali-dali niyang nilapag ang dala-dala niya.
"Van! Anong nangyari sa 'yo? Tumayo ka nga diyan! 'Yung braso mo!"

BINABASA MO ANG
You're my Sweet Disaster
HumorSi Ashlee ang tipo ng babaeng minsan lang tamaan ng pana ni Kupido, kaya ng makilala niya si Kai, humahanap talaga siya ng paraan, maka-score lang dito. Pero mukhang may umeepal sa pagsintang pururot niya sa binata, ang Bestfriend ni Kai na si Van...