---
YMSD. Chapter 21
@CCCchan
---
ASHLEE'S POV
Pagbalik ni Van galing sa CR. Nagsimula na kaming magusap tungkol nga dun sa pangaasar kay Kuya. Kasalukuyan kaming nakaupo sa lilim ng puno ng mangga :D
"Sigurado ka bang okay lang 'to, Ash?" alanganing tanong ni Colette.
"Oo naman no. Manalig ka lang sa 'kin. Tsaka 'wag ka ngang makonsensiya sa unggoy na 'yun. Nagsinungaling naman siya sa 'yo eh. Ang ayaw na ayaw ko pa naman sa lalaki eh ung ubod ng sinungaling." pagpaparinig ko sa katabi kong si Van.
"'Wag mo naman akong paringgan masyado, baby. Hindi naman ako nagsisinungaling sa 'yo eh. I swear." paglalambing ni Van sa 'kin. Akala niya siguro galit ako sa kanya dahil sa nangyari kanina.
Nilingon ko siya. "Ba't tinamaan ka? Siguro may tinatago ka nga sa 'kin no? Naku, Van! Ang mabuti pa sabihin mo na ngayon habang maaga pa."
"A-ah. A-ano..."
"Ba't 'di ka makasagot ng maayos?"
"Mukhang kailangan ko ng umalis." Binalingan ko si Colette ng bigla siyang magsalita. "Bukas na natin simulan 'tong plano natin, Ash. Inip na inip na 'ko sa Kuya mo eh." nakangiti pa niyang sabi.
"Sure. Bukas naman talaga dapat eh. Ingat ka. May kakastiguhin pa ko eh." sabay tingin ko kay Van. Pagkaalis ni Colette, "O ano? Mangungumpisal ka ba o hindi?"
"'W-wag mo naman akong masyadong sindakin, Ash. Isa lang naman ang kasalanan ko eh. Pero i-promise mo muna sa 'kin na hindi ka magagalit sa 'kin?" he said with pleading eyes.
Humalukipkip lang ako. "Adik ka ba? Syempre depende pa 'yun sa bigat ng kasalanan mo. Depende din 'yun sa mood ko. 'Pag trip kong magalit sa 'yo, magagalit talaga ko."
Huminga siya ng malalim. "Remember when i had an accident at your house?"
"O anong meron? T-teka, wag mong sabihing fake lang 'yung aksidente mo?" Pinaghahampas ko siya sa braso at dibdib. "Walang hiya ka! Bakit kailangan mong mag---
Hinawakan niya ang dalawang braso ko. "Patapusin mo muna kaya ako? Ano ka ba, Ash? Syempre totoo 'yung aksidenteng 'yun. Nakita ng dalawang mata mo kung pano ako nahulog."
Kumalma naman ako. "Eh ano nga 'yun?"
Tinignan niya ko ng direkta sa mata. "Nagsuggest ang Kuya mo na gawin daw kitang Errand Girl ko. Pumayag ako dahil nga inis na inis ako sa 'yo nung mga panahong 'yun at makaganti man lang ako sa perwisyong inabot ko. At the same time sinabi rin ng Kuya mong gawin din kitang Official Girlfriend ko. Gusto niyang mag-mature ka kaya ginawa niya 'yun. Pumayag din ako sa gusto niya dahil gusto ko ring magpahinga muna sa mga babaeng dikit ng dikit sa 'kin. Plano ko talagang pahirapan ka nung time na 'yun pero hindi nga nangyari dahil na----
"G-ginamit mo lang ako, ganon?" putol ko sa sinasabi niya. Hindi ko alam kung anong magiging reaksyon ko sa mga sinabi niya. May part sa 'kin na magalit ako sa kanya, meron namang hindi kasi umaasa akong totoo ngang mahal niya ko.
BINABASA MO ANG
You're my Sweet Disaster
HumorSi Ashlee ang tipo ng babaeng minsan lang tamaan ng pana ni Kupido, kaya ng makilala niya si Kai, humahanap talaga siya ng paraan, maka-score lang dito. Pero mukhang may umeepal sa pagsintang pururot niya sa binata, ang Bestfriend ni Kai na si Van...