Chapter 38

48 1 0
                                    

---

YMSD. Chapter 38

@CCCchan

---

ASHLEE'S POV

"Ang galing mo palang umarte, Ash." narinig kong sabi niya. Nauna na kasi akong maglakad sa kanya. Nang medyo nakalayo-layo na kami kay impakta, hinarap ko siya saka piningot sa tenga.

Dumaing siya. Binitawan ko din naman agad pero namula na, "Dapat lang sa 'yo 'yan. Akala ko pa naman ang tino-tino mong lalaki ka."

Hawak ang nasaktang tenga, ngumiti pa rin siya. "'Wag ka ng magselos, 'Girlfriend', fling ko lang 'yun dati. I've never had a serious relationship before."

"Girlfriend your face. Pa-fling-fling ka pang nalalaman eh hindi mo naman kayang i-handle." 

"She just turned into a stalker. Lagi na siyang nakasunod sa 'kin pero hindi ko talaga expected na hahalikan niya 'ko. Kaya ng makakita ako ng chance para itaboy siya, sinunggaban ko na." ngumisi siya bigla. "Hindi ko rin expected na gerera ka pala."

"You owe me, Kai."

Tinaas niya ang dalawang kamay niya. "Ok, ok. Masyadong uminit ang ulo mo ah. Diyan ka lang, i'll go get you a drink."

Tumango na lang ako. Mabuti pa nga na bumili siya ng maiinom. Kanina pa tumataas ang presyon ko.

But after Kai left, an unexpected guy came.

"Ashlee."

Naningkit ang mga mata ko. "Anong ginagawa mo dito?" before i knew it, my Good-for-Nothing Ex is here right in front of me. "What are you doing here, you jerk?!" ulit ko and to my surprise bigla siyang lumuhod. Hindi ako nakahuma sa ginawa niya. 

"I'm here to win you back, Ash. Please come back to me, babe. I was wrong. Na-realize kong mas mahal kita kesa kay Shane. She's cheating on me." sabi niya na nakatingala sa 'kin.

I just gave him a smug smile. "Serves you right." i crossed my arms. "So, anong feeling? Ang saya 'no? For your information, Steve, i'm not coming back to you. Tama na ang isang taong nagpakagaga ako sa 'yo. I must thank Shane na ginawa niya ang ginawa mo sa 'kin dati." Hindi ako naaawa sa kanya. At least naranasan na niya ang sakit na naranasan ko dati, maswerte nga lang ako dahil nakilala ko ng araw na 'yun si Van. "You know what, Steve? Siguro kailangan ko ding magpasalamat sa 'yo, kasi kung 'di dahil sa 'yo, hindi ko makikilala si Van."

Nanatili siyang nakaluhod pero kumunot din ang noo niya ng mabanggit ko ang pangalan ni Van. "Van?"

"Yes. He's the one who mend my broken heart. Thanks to you natagpuan ko ang lalaking karapat-dapat sa pagmamahal ko. Kaya ang mabuti pa, tumayo ka na diyan bago mo pa tuluyang ipahiya ang sarili mo." akmang tatalikod na 'ko ng maramdaman kong yumakap siya sa likod ko.

"I'm the one you love, Ash. I can feel it." sabi niya na naksubsob pa rin ang mukha sa likod ko.

Aba't hindi rin makapal ang mukha ng isang 'to! Pilit kong tinatanggal ang yakap niya sa 'kin pero lalo lang niyang hinigpitan. "Let go of me, you dimwit! Hinding-hindi ako babalik sa---"

You're my Sweet DisasterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon