---
YMSD. Chapter 23
@CCCchan
---
VAN'S POV
Lakad-takbo ang ginagawa namin ni Ash habang hinahanap ang Room number kung saan naka-confine si Nicolette. Nakatanggap kami ng tawag mula kay Travis na sinabing isinugod nga si Colette sa Ospital dahil muntikan na daw itong ma-rape. Napagtripan yata siya ng mga adik sa kanto ng pauwi na siya.
"Van, bilisan mo! Nasan na ba kasi 'yang pesteng 316 na 'yan?! Kanina pa tayo paikot-ikot dito sa 3rd floor pero ni anino ng kwartong 'yun, hindi natin makita!" inis na sabi ni Ash. Oo, kanina pa kami umiikot dito. Binasa ko ulit ang text ni Travis. Tama naman ang nakasulat dito. Room 316.
Pagtingin ko kay Ash, (O___O) Nakita kong kinuwelyuhan niya ang isang pobreng Male Nurse. "Nasan ba dito ang pesteng 316? Bilis-bilisan mong sumagot dahil kanina pa 'ko asar na asar sa Ospital na 'to at kapag mas lalo pa 'kong naasar? Gagawin ko ring kaasar-asar 'yang mukha mo. SAGOT!"
"W-wala n-naman pong R-room 316 dito, Ma'am. H-hanggang 315 lang po." nanginginig na sabi nung Nurse. Sabagay. Kung ako din naman siguro ang mapagtanungan sa ganyang paraan eh kanina pa 'ko tumakbo sa takot. Lumapit na 'ko sa kanila dahil nakita kong napabitiw ng hawak sa kwelyo niya si Ash at napayuko. Alam kong napuno na siya ng malaman niyang wala naman palang Room 316 dito.
Umangat ang isang kamay niya. Nakakuyom. Alam ko na gagawin nito. Hinawakan ko ang braso niya bago pa niya masuntok ang kawawang nurse. "Tama na 'yan, Ash." Sinenyasan ko ang nurse na umalis na. "'Wag mong ibunton sa iba 'yang inis mo. Alam kong gusto mo ng malaman kung ano ng lagay ni Colette pero hinay-hinay naman. Hindi lang naman ikaw ang nag-aalala sa kanya. Nagkamali lang siguro si Travis ng pindot kaya imbes na 6 ay 5 ang napindot niya. Tuliro rin ang isang 'yun, kaya halika na." inakay ko na siya papuntang Room 315. Pagpasok namin nakita namin si Travis na hawak-hawak ang kamay ni Colette.
Lutang pa rin siguro siya dahil 'di niya kami napansin na pumasok. Tinapik ko ang balikat niya, "Magpahinga ka muna, Trav. Kami ng bahala sa kanya."
"Samahan mo muna ako, Van. Ikukuha ko ng mga damit si Colette sa bahay nila." binalingan niya si Ash. "Ikaw na muna ang bahala sa kanya, sis."
Tumango lang si Ash.
Paglabas namin ni Travis saka ko siya tinanong kung ano ba talagang nangyari. Hindi siya sumagot hanggang sumakay na kami ng kotse niya kaya nirespeto ko na lang siya. Alam kong masakit sa kanya ang nangyari pero masakit din naman samin 'yun dahil kaibigan namin si Colette.
Habang kinukuha niya ang mga gamit ni Colette. Tinext ko si Kai na pumunta ng Ospital. Maya-maya nag-ring ang phone ko.
Calling...
Kaiser
Sinagot ko ang tawag niya.
"Anong meron sa Ospital, bro?"
"Wala ka na ba talagang alam sa mundo? Naka-confine si Nicolette. Get your ass in here, you dimwit!"
"WHAT?! Sang Ospital?"
"*** Medical Center."
"I'm on my way."
Pagkababa niya saka namang labas ni Travis galing sa bahay nina Colette. "Let's go."
Pagka-park niya ng kotse sa Parking Lot ng Ospital, "Mauna ka na sa loob, Van. Dalhin mo na din 'tong mga damit niya."
Kumunot ang noo ko. "San ka pupunta, pare?"
"Ibibili ko lang siya ng makakain niya." pagkasabi niya nun. Tumakbo na siya.
Pagkaakyat ko sa kwarto kung saan naroon si Colette, natigilan ako sa plano kong pagkatok ng marinig ko ang pinaguusapan nila. Nilapit ko pa ng husto ang tenga ko sa pinto para mas rinig ko.
"Alam mo, Colette? Ang sarap mong sabunutan! Akala ko pa naman may nangyari na talagang masama sa 'yo! 'Yun pala umaarte ka lang. Hindi mo man lang ako sinabihan. Muntik ko ng mapatay 'yung Nurse kanina sa pagmamadaling makapunta sa 'yo!"
"Nawala na sa isip kong sabihin sa 'yo, girl! Eh kasi naman nakita kong padaan si Travis sa way ko kaya nagkunwari akong walang malay sa kalsada. Kaya ayun dinala niya kaagad ako dito. Alalang-alala siya sa 'kin, bruha! Kung narinig mo lang ang mga sinabi niya kanina? Nakuu! I'm sure maglulupasay ka sa kilig. Ang hirap pala magpigil ng kilig no? Nakakawindang. Sorry girl, kung pinag-alala ko kayo ha."
"Ayos lang 'yun. Ano pa bang magag---
Bago pa matapos ni Ashlee ang sasabihin niya, binuksan ko na ang pinto. Mukhang nagulat sila, pero hindi sila sa 'kin nakatingin, kundi sa likod ko.
"T-travis..." teary-eyed na sabi ni Colette.
T-teka... TRAViS?
Paglingon ko, nakita ko nga si Travis kasama niya si Kai. Nabitiwan na niya ang mga dala-dala niya sa gulat. Nakita ko din na kumuyom ang kamay niya.
Mukhang hindi lang ako ang nakarinig sa pinag-uusapan ni Ash at Nicolette.
---
To be continued...
---
BINABASA MO ANG
You're my Sweet Disaster
UmorismoSi Ashlee ang tipo ng babaeng minsan lang tamaan ng pana ni Kupido, kaya ng makilala niya si Kai, humahanap talaga siya ng paraan, maka-score lang dito. Pero mukhang may umeepal sa pagsintang pururot niya sa binata, ang Bestfriend ni Kai na si Van...