Chapter 25

78 2 0
                                    

---

YMSD. Chapter 25

@CCCchan

---

 ASHLEE'S POV

"KUYAAAAA! Ang bagal bagal mo! Kapag nainis sa 'yo sina Mommy't Daddy sa Airport, ewan ko na lang sa 'yo." sigaw ko kay Kuya. Dapat sa mga oras na 'to nasa Airport na siya. Ngayon kasi ang uwi ng Parents namin galing sa kung saang bansa. At panigurado? Naka-landing na 'yung mga 'yun ngayon at naghihintay ng sundo. Pumalatak ako, Kawawang Kuya, basag na naman ang eardrums mo mamaya.

"Bakit ba kasi napakabagal ng Kuya mo, Ash? Daig pa tayo mag-ayos niyan ah?" tanong ni Colette sa tabi ko.

Binigyan ko siya ng nakakalokong ngiti. "'Di ba dapat ikaw ang tinatanong ko niyan? Sa pagkakaalam ko kasi mabilis namang kumilos 'yang si Kuya. Na-late lang talaga siya ng gising ngayon. Bakit nga ba?"

Nakita kong namula siya ng bonggang-bongga. Sabi na nga ba eh! Ang bilis naman ng dalawang 'to. 2weeks pa lang ang nakakaraan simula nung rebelasyon nila, naka-home base na agad si Kuya?! HAYUUUP! Kami nga ni Van 5months na pero hanggang ngayon hanggang torrid kiss lang. 

*Bakit? Nainggit ka naman? 

Duh. As if.

"Ano na, Let? Sinuko muna?" Tumango siya. Hinampas ko naman ng mahina ang balikat niya. "Ay, shunga! Wala na! Iiwan ka na ni Kuya. Wala na siyang mapapala sa 'yo eh. Binigay mo na." panakot ko sa kanya. Mantitrip muna 'ko. Bowahahaha!

Bigla siyang namutla. "'W-wag ka namang ganyan, Ash. May tiwala ako sa Kuya mo. Hindi naman siguro niya 'ko iiwan."

Niyakap ko siya. "Just hold on to that trust. Mahal ka ni Kuya. Niloloko lang kita."

Tumawa siya sabay hampas sa 'kin. "Ang sarap mong ihaw-in ng buhay, Ash."

"Mabo-boring kayo 'pag nawala ko."

"Sabi ko nga."

"BABY!" sigaw niya sabay yakap sa likod ko.

"Hindi pa kayo nakakaalis?!" tanong ko kay Van. Siya kasi ang kasama ni Kuya sa pagsundo kina Mommy. Kami naman ni Colette ang nakatoka sa Lunch namin.

"Obvious naman 'di ba? 'Di pa tapos 'yung Kuya mo. Dino-drawing pa yata niya 'yung Eyebrow niya." 

"Malandi talaga 'yun. Bahala siya, siya naman ang papuputukan ng armalite ni Mommy eh."

"Teka, Cole. Bakit misty-eyed ka?" tanong niya kay Colette sabay balik ng tingin sa 'kin. "Nang-Power Trip ka na naman 'no?"

Nagkibit lang ako ng balikat saka pumunta ng sala. Sumunod naman silang dalawa, Nandun na din si Kuya. Nilapitan ko siya sabay lapit sa mukha ko sa mukha niya. Chine-check ko lang kung nag-drawing nga siya ng kilay. "Wala naman pala."

Natawa si Van at Colette sa sinabi ko. Kumunot naman ang noo ni Kuya. "Anong meron?"

Si Van ang sumagot, "Chineck lang ni Ash kung nag-drawing ka ng kilay mo." sabay-sabay pa kaming humagalpak ng tawa.

Dumilim naman ang mukha ni Kuya. Hinalikan niya sa pisngi si Colette. Hinaklit naman niya ang kuwelyo ni Van at kinaladkad. "Halika na!"

You're my Sweet DisasterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon