Chapter 8

85 1 0
                                    

----

You're my Sweet Disaster. Chapter 8.

@CCCchan

----

Maagang pumasok si Ashlee sa paaralang pinapasukan niya. Kailangan na niyang mag-review dahil malapit na ang Finals nila. Kung tutuusin papasa siya sa lahat ng Majors niya. Sa kursong Foreign Service na isa sa mga major ay Foreign Language, sisiw na sisiw yun sa kanya. Libangan na kasi niyang manood ng mga Anime at makinig ng mga Japanese Songs. Sa edad na disiotso, isip bata pa rin daw siya sabi nga ng kuya niya, pero wala siyang pakialam dahil masaya siya sa ginagawa niya. Minor subjects lang talaga ang nagpapahirap sa buhay niya, lalo na ang Math. Pagkatapos ng Finals, sa wakas makakapagpahinga na siya. Buong sembreak siyang manonood ng Anime at magbabasa ng Manga, pero parang sa panaginip na lang ang gagawin niyang pagpapahinga ngayong nakikita na niya ang dahilan kung bakit miserable ang buhay niya ngayon.

 ASHLEE'S POV

"Anong ginagawa mo dito?" naka-kunot noong tanong ko kay Van. Nasa kabilang building ang klase nito since magkaiba sila ng kursong kinukuha. "Taga-ibang department ka, bawal ka dito."

"Para sa gwapong tulad ko, kahit saan pwede ako." mayabang talaga ang ungas kahit kailan. Kahit may sling na siya sa braso 'di pa rin natinag ang kahanginan niya sa katawan. Luminga siya sa paligid. Napapansin kong dumadami na din ang tao sa kinaroroonan namin, lalo na ang mga babae.

"Sino 'yang kausap ni Van? Ang pangit niya ah. 'Di dapat siya tumatabi sa Prinsipe natin. Nagmumukha siyang basura."

"Oo nga, girl. Tignan mo naman manamit, so simple. Walang lalaking maaakit sa gaya niya."

"Ang lakas ng apog niyang kausapin si Papa Van ah. Ako ang nahihiya sa itsura niya."

Nagpapanting ang tenga ko sa mga naririnig kong bulungan. Kung 'di lang masamang makipagsabunutan sa mga malalanding 'to, ginawa ko na, ang kaso ayokong magka-bad record kaya through Verbal Fight na lang.

Bubuka pa lang ang bibig ko ng maramdaman kong may umakbay sa balikat ko. Tinignan ko si Van. Nakatingin din siya, as if telling me 'Leave this to me.' 

Hinarap niya ang mga makakating higad. "Get out of our way kung ayaw niyong masaktan, may marinig pa 'kong kahit anong masama tungkol sa Girlfriend ko, makakatikim kayo sakin. Don't try to mess up with her, if you don't want to mess up with me. Let's go, Babe." inakay niya ko papunta sa room ko. Hindi ko na aalamin kung pano niya nalaman yun, dahil 'di pa rin ako makapaniwala sa sinabi niya kanina.

Bakit parang ang sarap pakinggan ng salitang 'Girlfriend' mula sa kanya? Bakit pakiramdam ko safe ako 'pag nasa tabi ko siya? Bakit ang sarap ng feeling kapag nakaakbay siya?

Baka nahihibang ka na, Ash?

Mukha nga.

"Okay na ko dito. Mamaya na tayo magusap. Bumalik ka na sa klase mo." tumakbo ako pero huminto ako sandali ng hindi siya nililingon. May nakalimutan akong sabihin. "Salamat nga pala." hindi ko na siya hinintay sumagot dahil nakaramdam ako ng hiya.

Okay din pala na 'di kami parating nagbabangayan no?

Ikaw lang naman ang laging mainit ang dugo sa kanya.

Anong ako lang? Siya rin naman ah. Tsaka panong 'di iinit ang ulo ko eh, siya ang unang lalaking nakahalik sa 'kin? Kaya hindi ko binigay kay Steve ang first kiss ko dahil gusto ko romantic yung scene. Potek, sa kakainggat ko sa tulay lang pala ang bagsak, accidental kiss pa. Odiba ang saya?!

You're my Sweet DisasterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon