Chapter 13

69 1 0
                                    

----

You're my Sweet Disaster. Chapter 13

@CCCchan

----

Hindi malaman ni Van kung anong biling ang gagawin niya habang nakahiga sa kama ng kwarto niya. Iniisip niya kasi ang nangyari kanina.

 VAN'S POV

Ano na naman bang pumasok sa kukote mo, Van Jacob Fontanilla?! Bakit mo siya hinalikan? Hindi lang once ah, TWICE! 

Arghhh! Sinasabunutan ko ang sarili ko ng may biglang kumatok.

"Sir, may naghahanap po sa inyo. Pinapasok ko na po siya sa sala."

Ng ganitong oras? Sino naman ang baliw na pupunta dito sa bahay ng alas-diyes ng gabi? Baka isa sa mga unggoy na 'yun.

Nanatili akong nakahiga. "Manang, pakisabi dun sa lalaking naghahanap sa 'kin, pagod ako." sigaw ko. Tinatamad akong makipagusap sa kahit na sino ngayong naguguluhan ako sa sarili ko.

"Eh sir, hindi naman po lalaki 'yung naghahanap eh. Babae po."

Babae? Imposible namang isa sa mga laruan ko 'yun, hindi ako nagbibigay ng address ng mismong bahay ko. Kapag trip kong maglaro, sa condo ko sila dadalhin.

"Sino daw po ba 'yun, Manang?"

"Ayaw magpasabi ng pangalan, Sir, sikretong malupit daw 'yun."

Sikretong malupit? Teka...

You're my Sweet DisasterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon