Chapter 6

111 1 0
                                    

AUTHOR'S NOTE:

Dito po sa story ko eh dalawang tao lang po ang nagkukwento. Si Van at Ashlee lang, gusto ko kasing sa mga bida kayo naka-focus, para na rin 'di kayo maguluhan ^__^

*Kapag may nakita kayong Typo Error or Wrong Grammar, feel free to correct me. Ako kasi'y isang hamak na manunulat lamang at higit sa lahat tao lang. Hihi. In short, 'WRITER WANNABE' kaya sakyan niyo na lang ang kabaliwan ng utak ko, okidoki? Salamat :)

-----    

You're my Sweet Disaster. Chapter 6.

@CCCchan

-----

 VAN'S POV

"Bwisit talaga 'yung babaeng 'yun kahit kailan. Malas sa buhay ko." Hinimas ko ang nasaktang noo sabay pumalatak.            

"'Di na naman mapinta 'yang mukha mo, Van. Dahil na nman ba yan sa bukol mo? Eh katangahan mo yan eh." sabi ni Kai na 'di mapigilang tumawa.    

"Tama si Kai, Van. Walang kasalanan si Ashlee sayo. Ang laki mong tao natisod ka pa?" ginatungan pa ni Travis.              

"'Di kayo nakakatulong." simangot kong sagot sa dalawang asungot na 'to. Binalingan ko si Travis. "Pano mo ba naging kapatid yun, Pare? Masyadong maingay." nakakapagtaka naman talaga. 'Di kasi palakwento 'tong taong 'to.              

"Ang tanong, bakit 'di mo sinabing may kapatid ka pala?" segunda naman ni Kai.                 

"Nagtatanong ba kayo? Malay ko bang interesado pala kayo sa buhay ko?"              

Bumanat na naman 'tong taong 'to -____- "Ilang taon ang agwat niyo?"

"Dalawa. 18 pa lang 'yun."

"Ahh. Oh ano, Van, may itatanong ka pa kay Trav? Ilatag mo na lahat ng gusto mong malaman tungkol kay Ashlee habang masipag sumagot 'tong asungot na 'to. Alam mo namang 'pag sinumpong ng Monthly Period yan, 'di mo makausap ng matino." natawa na lang ako sa sinabi ni Kai. Tama nga naman siya, masyadong moody 'tong isang 'to. Daig pa ang nireregla :D              

"Gag* ka, Kai! As if naman kasapi ako ng pederasyon. 'Di ako katulad nitong si Van. Kalalaking tao pumapatol sa babae." natawa sila.                

"Eh hindi naman babae 'yung kapatid mo eh. Maton 'yun." nakakapikon na ah.              

"Wala ka na ba talagang itatanong tungkol sa kapatid ko, Van? You know, para mas makilala mo pa siya."                

Never kong pagiinteresan kilalanin ang babaeng nagpapasakit ng ulo ko ngayon. Napingasan na nga ang kagwapuhan ko dahil sa kanya, although wala talaga siyang kasalanan, naiinis pa rin ako sa kanya. Masyado niyang binubuhay ang mga hormones ko.              

HORMONES? Baka naman iba na 'yan, Van?

Peste, tigilan mo 'ko. As if naman na magkakagusto ako sa babaeng 'yun. She's not worth my attention.

Eh bakit simula ng nakilala mo siya, lagi mo na siyang bukambibig?

Bakit ba 'ko nakikipagaway sa sarili ko? >____<

You're my Sweet DisasterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon