Chapter 32

42 2 0
                                    

---

YMSD. Chapter 32

@CCCchan

---

 ASHLEE'S POV

"Ash, where are you going?" narinig kong tanong ni Mommy. Nagmamadali kasi ako dahil magkikita nga kami ngayon ni Van.

Binalingan ko siya. "My, 'di ba Anniversary namin ngayon ni Van?" 

"Ohh, right. May contraceptives ka bang dala, hija?" pilyang tanong niya.

"MOMMY!" sigaw ko sa kanya. My mom is definitely annoying.

Tumawa lang siya. "Be careful, hija and Happy Anniversary. Say hi to Van for me."

Tumango na lang ako saka lumabas na ng bahay. Sa may Coffee Shop sa tabi ng Office nila kami magkikita.

"Bakit ba kasi dala ni Papa at Kuya ang mga kotse namin? Wala tuloy akong magamit." Papara na sana ako ng Taxi ng may bigla akong maalala. "SHOCKS! 'Yung gift ko kay Van!" napasapo ako sa noo ko. Kung kelan ka naman nagmamadali! Bumuntong hininga ako.

Maglalakad na lang siguro ako. Bibili muna ako ng gift ko sa kanya tutal babae naman ako kaya okay lang na maghintay siya. Nakakatamad ng bumalik sa bahay at isa pa, nandun ang malisyosa kong ina. 

Pumasok ako sa isang shop na nadaanan ko. Ang ganda kasi nung shirt na suot ng mannequin sa labas. Simpleng T-shirt lang siya pero may dating. I'm sure bagay na bagay 'yun kay Van. Pumunta na 'ko sa counter para magbayad. "Okay na siguro 'to. May isa pa namang gift 'yung kolokoy na 'yun sa 'kin eh." Khaki Shorts kasi 'yung naiwan ko sa bahay. Bagay 'yun sa nabili kong shirt ngayon.

Palabas na 'ko ng shop ng may mabunggo ako. Nauntog ako sa malapad na dibdib niya. Naamoy ko din ang pabango niya. Polo Black. Magtigil ka nga, Ash! May boyfriend kang naghihintay! Ninanamnam ko pa ang amoy niya ng bigla siyang nagsalita, "Okay ka lang ba, Miss?"

Teka.. Parang pamilyar 'yung boses niya? Tumingala ako. "K-kai?! Anong ginagawa mo dito?" Si Kai pala ang kanina ko pa sinisinghot. Nahalata kaya niya?

Ngumiti siya. "Actually, i'm here to supervise this shop. Part kasi 'to ng Company namin. Ikaw?"

So... kanila pala 'tong shop. In all fairness, magaganda ang damit nila. Nginitian ko siya then tinaas ko ang paperbag na hawak ko. "May binili lang ako. T-shirt. Naiwan ko kasi 'yung gift ko kay Van sa bahay kaya bumili na lang ako ng bago."

Kumunot ang noo niya. "Bakit hindi mo na lang binalikan sa bahay niyo?"

"Sinaniban ako ng katamaran eh." natatawang sagot ko sa kanya.

Tumawa lang din siya. "That's the Ashlee na kilala ko. By the way, para saan ang gift? Malayo pa ang birthday ni Van ah."

"It's our Anniversary today."

Nagulat siya. "Really? Adik talaga 'yang boyfriend mo. Hindi man lang sinasabi." 

Bago pa ako makasagot, hinila na niya ko sa kung saan. "Teka, san tayo pupunta?"

"Nakaharang tayo sa daan kanina and since Anniversary niyo, i will buy you a gift." sagot niya saka ako hinila sa isang Jewelry Shop.

You're my Sweet DisasterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon