---
YMSD. Chapter 36
@CCCchan
---
ASHLEE'S POV
"Hello, sister-in-law." patay-malisyang bati ko kay Colette with matching wide smile pa. Kaharap ko siya ngayon sa isang cafe na hinituan namin kanina habang si Kuya naman ay ginigisa si Kai sa kabilang mesa. Hindi pala siya kabilang mesa, 'ibang' mesa ang tamang itawag dahil nandun 'yun sa dulo.
Nanatili lang siyang nakatingin sa 'kin.
Para naman akong nasa korte nito. Ano bang hatol ko? "'Wag mo nga 'kong tignan ng ganyan, Cole. Feeling ko tuloy nakapatay ako ng tao."
Sumimsim muna siya sa kape niya. "Hindi naman masamang tignan ka 'no." Binaba niya ang tasa ng kapeng hawak niya saka siya nangalumbaba. "So, bakit kayo magkasama ni Kai?" tukso niya.
Ehh?! "Ano bang tanong 'yan, Cole? Masama na bang makitang magkasama ang dalawang magkaibigan?"
Tinignan niya ko ng deretso sa mata. "Natanong ko lang naman. Madalas kasi namin kayong makita na magkasama." Nagulat ako sa sinabi niya. "'Wag mong sabihing hindi ka aware sa paligid mo 'pag kasama mo siya?" Natutop niya ang bibig niya. "Teka, Ash, hindi mo talaga alam na kung nasaan kayo eh nandoon din kami ng Kuya mo? Hindi ko alam kung coincidence na matatawag ang pagkikita natin sa iisang lugar pero i'm more surprised na hindi mo 'yun alam. Kaya nga namin kayo nilapitan kanina."
"Don't get the wrong idea, Colette. Kai and i are just friends besides mahal ko si Van."
"Alam ko 'yun. Nagtataka lang ako kung bakit madalas kayong magkasama."
Bumuntong-hininga ako. "Masyado kasi kayong curious kaya kung ano-ano na lang ang lumalabas na outcome sa mga iniisip ninyo." Tumingin ako sa labas at nangalumbaba. "Alam mo namang si Kai ang tumulong sa 'kin nung mga panahong nag-e-emote ako sa nangyari kay Van di 'ba? Kaya whenever he asks me out, pumapayag ako. Tumatanaw lang naman ako ng utang na loob. And i don't think i would fall for someone like him."
"Sabagay. Hindi ka nga pala makausap ng mga panahong 'yun kaya nagpapasalamat talaga kami kay Kai na nagawa niyang aliwin ka. Pero bakit imposibleng ma-fall ka sa kanya?"
Nanatili lang akong nakatingin sa labas. "Dahil hindi siya si Van."
"Hanga rin ako sa hanggang-langit na pag-ibig mo kay Van, Ash. Akalain mong the oh-so-perfect guy na dati ay gusto mo pero ngayon siya na ang may gusto sa 'yo eh tinanggihan mo?" Napalingon ako sa kanya. "Bigo na naman si friendship. Nabigo na nga sa dilag na katulad ko akalain mong bigo din diya sa 'yo? Tadhana nga naman." Natigilan siya ng ma-realize ang mga sinabi niya. "O-oh."
"Paki-ulit nga, Cole? Gusto ako ni Kai?" pa-inosenteng tanong ko. Hindi ako nagulat na nalaman kong may gusto si Kai sa 'kin dahil matagal ko namang alam 'yon. Titignan ko lang kung anong magiging reaksyon niya kaya magpapanggap akong walang alam.
"A-ah, a-ano... w-wala 'yun, Ash." utal na sabi niya.
Gusto kong matawa sa hitsura niya. Para kasi siyang pusa na hindi maihi dahil hindi siya mapakali. Panay din ang linga niya na alam ko namang hinihintay niya sa Kuya dahil ipit siya ngayon sa sitwasyon.

BINABASA MO ANG
You're my Sweet Disaster
HumorSi Ashlee ang tipo ng babaeng minsan lang tamaan ng pana ni Kupido, kaya ng makilala niya si Kai, humahanap talaga siya ng paraan, maka-score lang dito. Pero mukhang may umeepal sa pagsintang pururot niya sa binata, ang Bestfriend ni Kai na si Van...