---
YMSD. Chapter 31
@CCCchan
---
ASHLEE'S POV
I'm on my way sa office ni Van. It's obvious naman siguro na bibisitahin ko siya. Medyo madalang na kasi kaming magkita ngayon dahil sa trabaho niya. Masyado siyang masipag ngayon dahil siya na ang official na may hawak ng Fontanilla Group of Companies. Maaga siyang nagigising para pumunta agad sa Office. Hindi naman mawawala ang mga 'GoodMornings', 'Iloveyou's' 'Take care' and such niya. Hindi rin siya nakakalimot na tanungin ako kung kumain na ba ako. At pagkatapos ng trabaho niya dumadaan siya sa bahay para bisitahin ako. 'Pag maluwag-luwag din ang schedule niya, lumalabas kami. Sa lawak at laki ng sakop ng kompanya nila, akalain mong nakakaya niyang i-manage pati oras niya? 'Dun ko napatunayan na mahal na mahal niya talaga ako. Syempre ako din sa kanya.
Nasa tapat na 'ko ng Private Office niya. Madali lang naman sa 'kin ang makapasok dito since Girlfriend ako ng big boss nila.
Medyo hindi nakalapat ang pinto kaya kita ko kung anong ginagawa niya. Napangiti ako. May kausap kasi siya sa phone habang hindi magkandaugaga sa mga Business Reports sa harapan niya. "Yes, Mr. Cruz. That'll be great. It's a deal then." Pagkatapos niyang makipag-usap, tinutok na niya ang sarili niya sa mga papel sa harapan niya.
Hawak ang mga Lunch Boxes na ginawa ko para sa kanya, kumatok ako.
"I'm busy, Cecile. Mamaya na 'yang mga kailangan kong pirmahan." sabi niya na hindi man lang nag-angat ng tingin. Cecile is his secretary.
Tumingin ako sa wristwatch ko. "But sir, it's past lunch time already." nakangiting sabi ko na ikinagulat naman niya.
"Ash!" napatayong sabi niya saka siya mabilis na lumapit sa 'kin at yumakap.
"You're starving yourself again?" tanong ko sa kanya ng umupo na kami sa couch ng office niya.
Tinuro niya ang mga papel sa mesa niya. "Need to finish that. Feeling ko kasi nanganganak sa gabi ang mga Business Reports na 'yan. Padami ng padami."
Hinaplos ko ang pisngi niya. I can see dark circles in his eyes. Alam kong kulang na kulang ang tulog niya. "Hindi naman masamang magpahinga kahit ilang minuto lang, Van. Kung 'di pa pala ako pumunta dito, hindi mo pa maiisipang kumain. It's past 1 already."
"I know. Sorry, baby, pinag-alala pa kita."
"It's okay. Pero simula ngayon, araw-araw na 'kong pupunta dito para dalhan ka ng pagkain. Gusto kong masiguro na kumakain ka ng tama. Is that okay?"
"Hindi ba 'ko nakaka-abala sa 'yo?"
Hinawakan ko ang magkabila niyang pisngi. "You're never been a burden to me, Van. At saka wala naman akong ginagawa sa bahay."
He kissed my forehead. "I love you, baby. Always will."
I gave him a peck on his lips. "I love you too, baby." Binuksan ko ang mga pagkaing dala ko. "Here. Kumain ka na." Tumango lang siya at nagsimula na ring kumain. Sinaluhan ko na din siya dahil good for two naman ang dala ko.
---
"O Ash? Akala ko ba mamaya pa ang uwi mo dahil pupunta ka sa office nina Van?" bungad na tanong ng Mommy ko ng pumasok ako sa kusina. Kasalukuyang siyang nagluluto.
Umupo ako sa dining table at nangalumbaba. "Galing na 'ko dun, My. Van had to leave because he has an emergency meeting. Ano pa bang gagawin ko dun kung wala naman siya? Kaya umuwi na lang ako."
Bumuntong hininga ako. Wala naman akong magagawa dahil importante daw ang meeting na 'yun. Alangan namang pigilan ko siya? That's stupid.
"Hindi bat Anniversary niyo na bukas?" tanong ni Mommy.
"Kaya nga ako pumunta kanina sa office niya, My, dahil gusto kong batiin siya in advance, pero mukhang wala siyang kaide-ideya kung anong okasyon bukas." inalala ko kung pano siya magmadali kanina ng mapasulyap siya sa relo niya. Daig pa ang may asawang manganganak na sa sobrang taranta. "Kung naging babae lang 'yang trabaho niya, matagal ko ng pinagselosan."
Natawa si Mommy. "Hindi naman siguro niya makakalimutan ang importanteng araw na 'yun, hija. I'm sure may surprise siya sa 'yo." Tinitigan ko siya. "Why're you looking at me like that, Ash?" nakangiting tanong niya.
"Why do i get this feeling na parang may tinatago ka, Mommy?" masyado kasi siyang kampante sa mga sinasabi niya. And i don't like that smile on her face.
Pinatay niya ang kalan kung san siya nagluluto. "Stop thinking too much, hija. Just trust him."
"I do trust him." mabilis na sagot ko.
Pero hindi nawala ang suspetsa ko kay Mommy. Alam kong may tinatago talaga siya sa 'kin. And that is i don't know.
---
To be continued...
---
BINABASA MO ANG
You're my Sweet Disaster
HumorSi Ashlee ang tipo ng babaeng minsan lang tamaan ng pana ni Kupido, kaya ng makilala niya si Kai, humahanap talaga siya ng paraan, maka-score lang dito. Pero mukhang may umeepal sa pagsintang pururot niya sa binata, ang Bestfriend ni Kai na si Van...