Chapter 24

57 2 0
                                    

---

YMSD. Chapter 24

@CCCchan

---

 ASHLEE'S POV

Tensiyonado lahat. Walang nagsasalita. Napasulyap ako kay Kuya na nakatingin lang kay Nicolette habang nakakuyom ang kamao niya. Maya-maya, nagbaba siya ng tingin.

"Okay ka na rin naman. Pwede na siguro akong umuwi." pagkasabi niya nun, tumalikod na siya at nagsimulang maglakad.

Napansin ko namang akmang pipigilan siya ni Colette pero mukhang nagdadalawang-isip pa siya. Nilapitan ko siya, "Mas mabuti pa sigurong sundan mo na siya Colette, i hate to say this pero i think tayo ang mali. We shouldn't played my Brother's feelings. Ang bobo ko lang dahil 'yun ang sinuggest ko sa 'yo." Napabuntong hininga ako. "Mahal ka ni Kuya. Mapapatawad ka nun kaya 'gora' na sis. Nandito lang kami sa likod mo."

Niyakap niya ko. Naramdaman kong umiiyak na siya kaya kumalas na ko sa kanya. "Salamat, Ash."

"Kay Kuya mo na ibuhos 'yang luha at uhog mo ha?" biro ko sa kanya.

"Baliw ka talaga, Ash. Sige na." tumakbo na siya sa direksyon kung san pumunta si Kuya.

Hinarap ko naman si Van. "At ikaw lalake! Ang hilig mo talagang maki-chismis, ano?"

"Kasalanan ko bang malakas ang boses niyo? sagot niya. Boyfriend ko ba talaga 'to? -___-

"Mag-aaway na lang ba kayo diyan, o sasama na lang kayo sa 'kin na maki-chismis kina Trav? C'mon people, kating-kati na ang mga paa kong pumunta kung san nila piniling mag-moment." sabat ni Kai na nakasandal sa may haligi ng pinto.

"Magkaibigan nga kayo ng unggoy na 'to." turo ko kay Van. "Pareho kayong chismoso."

Tumawa lang silang dalawa. 

"'Wag mong sabihing wala ni katiting na curiosity diyan sa buto mo, Ash?" sabi ni Kai na may nakakalokong ngiti sa mga labi.

"Ayaw mo bang makitang lumandi ang Kuya mo?" dugtong naman ni Van. "Bahala ka." binalingan niya si Kai. "Tara Kai. Pabayaan na natin ang isang 'to."

Nagsimula na silang maglakad. Syempre hindi ako papahuli sa chismisan 'no :D "Teka naman, nagpakipot lang ako ng konti, nang-iwan na kayo." Pumagitna ako sa kanilang dalawa at umabrisete sa mga braso nila. Tumigil naman bigla si Van sa paglalakad. "O ano pang tinatayo-tayo mo diyan? Goralets na tayo!" Tinignan niya lang ako ng masama. "Ay? Change mood ang lolo ko. Anyaree?"

"Lumipat ka dito sa kabilang side. Bitawan mo 'yang braso ni Kai. Eto na lang braso ko ang panggigilan mo."

Napangiti ako. Nagseselos ang unggoy! :D Maasar nga. "Tantanan mo 'ko sa kaartehan mo, Van. May pelikula pa tayong dapat abutan kaya tara na!" 

"ASH!" sigaw niya with matching pout pa. Aaaa. Ang baby ko, umarangkada na naman :) 

Hinila ko na ang braso niya. "Halika na! Hayaan mo na 'ko. Minsan lang ako maka-chansing kay Fafa Kai. Ang tagal naming 'di nagkita." binalingan ko si Kai. "Diba fafaness?Tumawa lang siya.

You're my Sweet DisasterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon