Chapter 33

47 2 1
                                    

Play the track in the right side. Don't start reading kung hindi naka-play 'yun, okay? Para mas feel niyo 'tong Chapter na 'to :)

---

YMSD. Chapter 33

@CCCchan

---

 ASHLEE'S POV

Napaluhod ako ng marinig ko ang pangalang 'yun. "Hindi. Hindi totoo 'to. Hindi si Van 'yun. Hindi siya 'yun." umiiling-iling na sabi ko. Hindi ko namalayan na humahagulgol na 'ko. Everyone's attention is on me now, pero wala akong pakialam. Wala silang alam sa nararamdaman ko ngayon.

Tumayo ako at nilapitan ang pulis na nasa malapit. Tinuyo ko muna ang mga luha sa pisngi ko. "A-ahm mamang pulis, pwede po bang magtanong?"

Nilingon niya 'ko. May pagtataka sa mukha niya. "Ano 'yun ineng? Teka, kamag-anak ka ba ng isa sa mga biktima?"

Hindi ko pinansin ang tanong niya. "Ano po ang pangalan na binanggit niyo kanina?"

Napaisip siya. "Ahh 'yun ba? Van Jacob Fontanilla ang nakita kong pangalan sa Driver's License kanina."

Pinigilan kong maiyak. Parang may bumara rin sa lalamunan ko pero pinilit ko pa ring magsalita. Hindi ka pa naman sigurado kung si Van nga na Van mo 'yun, Ash. Maraming Van sa mundo. Pangungumbinsi ko sa sarili ko pero alam kong wala namang epekto 'yun. "Manong, pwede po bang patingin nung lisensiya?"

"Eto oh." May inabot siya sa 'kin.

Nanginginig na kinuha ko 'yun. Gusto kong manghina sa nakikita ko. Hindi ko nga malaman kung lisensiya pang matatawag 'to. Punung-puno ng dugo. Ni hindi mo nga mababasa ang nakasulat dun kung 'di mo papahirin ang mga dugong kumapit na.

Nabitawan ko ang ang hawak ko ng makita ko kung sino ang nasa larawan. Kahit hindi ko basahin ang pangalan, alam kong siya 'yun pero ayokong tanggapin. 

Pinulot ko ang lisensiya at binalik kay manong. Tumawa ako ng pagak pero umaagos na ang luha sa pisngi ko. "Peke naman 'to manong eh. Hindi naman 'yung boyfriend ko 'yan. Kung siya man 'yan, siguro nalaglag lang niya 'yan dito kaya akala niyo siya 'yung nabangga kanina."

Tinitigan lang ako ni mamang pulis. Halatang may sasabihin siya pero nagpipigil lang. Sa huli nagdecide din siyang magsalita, "Pasensiya ka na, hija. Sandali may kukunin lang ako." Pagbalik niya may dala-dala siyang bulaklak, teddy bear at red velvet box. "Nakuha rin namin 'to sa crime scene kanina. Bago namin siya isugod sa Ospital, may binabanggit siyang pangalan. Naghanap kami ng identification ng pangalang binabanggit niya sa wallet niya pero wala kaming nakita." Inabot niya sa 'kin ang mga hawak niya.

Kinuha ko naman 'yun. Tinignan ko ang teddy bear na noo'y puti pero ngayon pula na dahil sa dugo. May hawak siyang heart na may nakasulat na Happy Anniversary. May batch na naman ng luha ang kumawala sa mga mata ko. Ang red velvet box naman ang sunod kong tinignan. Pagbukas ko nun, isang magarang engagement ring ang tumambad sa 'kin. Tuluyan na 'kong humagulgol, "M-manong, a-ano po ang pangalang b-binabanggit niya?" tanong ko sa kanya na hindi inaalis ang tingin sa singsing.

"Ashlee."

Nalaglag ang mga hawak ko. "H-hindi. Sabihin mo sa 'king nagsisinungaling kayo. Hindi si Van 'yun! Nasa office si Van!" sumisigaw na 'ko. Hindi ko na alam kung anong gagawin ko. Ang bigat bigat na ng dibdib ko. 

You're my Sweet DisasterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon