---
YMSD. Chapter 26
@CCCchan
---
VAN'S POV
Nandito kami ngayon sa Alona Beach in Panglao Island, Bohol. (See picture ---> ) Dito kami napadpad ng Family ni Ashlee. In all fairness, sulit naman ang byahe. White sand, Blue ocean, CHiX iN TWO PIECE! \(*v*)/
*Poink
"ARAY! ANO BA?!" nilingon ko ang pesteng bumatok sa 'kin. Panira ng pantasya, buwisit! Pero agad ding nawala ang pagkaasar ko ng makita kung sino ang nasa tabi ko ngayon. "O-oh baby! K-kanina ka pa diyan?"
Tinaasan niya ko ng kilay, "Kanina pa 'ko dito, gunggong! Mukhang masyadong nahila ang atensiyon mo ng mga higad na 'yun para 'di mo mapansin na nasa tabi mo 'ko." she crossed her arms.
Hinawakan ko siya sa balikat. Pumiksi lang siya, "Baby, may iniisip lang ako. Alam mo namang ikaw lang ang sexy at maganda sa mga mata ko. Hindi ko sila tinitignan, swear. Mamatay man ako ngayon na."
*Mamamatay ka na talaga! Sinungaling ka, Van. Hindi ka loyal sa Girlfriend mo!
Napatingin lang nila ang mata ko pero na kay Ashlee pa rin ang puso ko :D Naks.
Napangisi ako sa naisip ko. Nakita ko namang parang naasar si Ash. Bigla niyang hinubad ang see-through na suot niya.
(O____O) Ohlala! She's hot in her red two piece.
Naglakad siya palayo. Hinawakan ko siya sa bewang. Heaven, ma men! "T-teka, san ka pupunta? Tsaka bakit mo tinanggal 'yung suot mo? Masyadong daring 'yang swimsuit mo. Magpalit ka nga!"
Tinabig niya ang kamay ko, "Wala kang pake! MANYAK!" pagkasabi niya nun, tumakbo na siya. Naiwan naman ako dun na nanlalaki ang mata. Manyak? Eh boyfriend niya naman ako ah.
*Manyak ka pa rin!
"ARGHHH!" napasabunot ako sa buhok ko.
Biglang may tumapik sa balikat ko. "Anong nangyari sa inyo? Mukhang badtrip si Ash ah."
Sumimangot lang ako. "Pinagbawalan ko lang siya sa suot niya, masyado kasing revealing. Potek! Biglang tumakbo."
Nilagay ni Travis ang kamay sa baba niya na akala mo may mali sa sinabi ko. "Naasar 'yun. Umamin ka nga, Van. Anong nangyari bago 'yun?"
Bumuntong hininga ako. "Nahuli niya kong sinusundan ng tingin 'yung mga babae kanina. Nasa tabi ko na pala siya 'di ko man lang napansin."
Humalakhak lang siya. "Sira-ulo ka, 'tol! Sino ba naman kasing nagsabi sa 'yo na tumingin ka sa ibang babae?"
"Tinignan ko lang, hindi ko naman nilapitan."
"Malalagkit na tingin naman 'yung binibigay mo."
"Shut up, man! 'Di ka nakakatulong."
"You better be fast apologizing to her, Van. Mukhang may mamumuong Love Triangle sa inyo ah." sabi niya sabay turo sa kung saan.
Sinundan ko ng tingin ang tinuturo niya. Nakita ko si Ash kausap si... Kai? Binalingan ko si Travis sa tabi ko na may nakakalokong ngiti sa labi. "Anong ginagawa ni Kai dito?" nakakunot-noong tanong ko sa kanya. Hindi naman sa ayaw kong nandito si Kai, nagtataka lang ako kung anong ginagawa niya dito sa Bohol na obvious namang malayo sa Maynila.

BINABASA MO ANG
You're my Sweet Disaster
HumorSi Ashlee ang tipo ng babaeng minsan lang tamaan ng pana ni Kupido, kaya ng makilala niya si Kai, humahanap talaga siya ng paraan, maka-score lang dito. Pero mukhang may umeepal sa pagsintang pururot niya sa binata, ang Bestfriend ni Kai na si Van...