---
YMSD. Chapter 40
@CCCchan
---
ASHLEE'S POV
Retrograde Amnesia... Retrograde Amnesia... Retrograde Amnesia... Amnesia! Van has Amnesia! 'Yun ang tanging bagay na kanina pa nagre-replay sa utak ko. His memories stuck a year ago. Ibig sabihin, para sa kanya, isang araw lang siyang walang malay. Ang buong akala ni Van ay isang simpleng aksidente lang ang nangyari sa kanya. Wala siyang kaalam-alam sa mga nangyari sa nakalipas na isang taon.
His mom said, it could be worse kapag pinilit naming ipaalala sa kanya ang nangyari kaya kailangan naming lahat na magpanggap. Ang alam niya nasa senior year pa rin ako ng College Life ko, so be it. Kai's currently managing their company, so be it. Everyone has their supporting roles. Hindi dapat malaman ni Van na graduate na 'ko. Na naging 'kami' kuno ni Kai and such stuff.
Kai and I? We had our so-called break up. Wala na rin namang kumuwestiyon sa pangyayaring 'yun but i had to ask them a favor. Na hindi na dapat malaman ni Van na naging 'kami' ni Kai kahit hindi naman talaga. Heck! Confusing! Basta 'yun!
Naintindihan naman ni Kai ang nangyari. Nasaktan siya and i felt it but what can i do? Van's awake. Si Van ang mahal ko. Wala 'kong magawa sa bagay na 'yun. Sa sandaling nakasama ko si Kai, 'dun ko lang napatunayan na hindi talaga pwedeng turuan ang puso.
Marami na siyang nagawa para sa 'kin. Nagi-guilty ako na hindi ko man lang nasuklian 'yun. Maybe one day, i'll return the favor.
"Mommy! Pupunta na po ako ng Ospital." sigaw ko mula sa sala. I think mom is in the kitchen right now.
"Just a moment, Ash. May ipapadala ako sa 'yo." lumapit siya sa 'kin na may dalang tupperware. "Give this to Van, hija. Mukhang sawa na ang isang 'yun sa Hospital Food kaya pinagluto ko siya ng Adobo. Pwede naman daw 'to sabi ni Mareng Vanessa."
Kumunot ang noo ko habang inaabot ang tupperware. "Kailan pa kayo naging magku-mare ni Tita Vanessa, My?"
"Nung nagkabalikan na kayo ni Van." malapad na ngiting sagot niya.
"Eh sino ba naman kasing nagsabi sa inyong nag-break kami? Natulog lang naman 'yung tao ng halos isang taon." bulong ko sa sarili ko.
"May sinasabi ka, Ash?" kunot ang noong tanong niya.
Ngumiti na lang ako. "Wala naman, My. I'd better get going." hinalikan ko siya sa pisngi.
"Magiingat ka."
Tumango na lang ako saka umalis na.
---
Pagbukas ko ng pinto ng kwarto ni Kai, nakita ko siyang nakatanaw lang sa labas. Mukhang sabik na siyang lumabas sa Ospital pero hindi pa pwede dahil Under Observation pa rin siya.
Unti-unti siyang lumingon, smile was visible in his face, "Yo, baby!" masiglang bati niya.
A wide smile formed in my lips, "Yo!" lumapit ako sa kanya ang gave him a peck on his lips. "How's my baby?" tanong ko saka lumapit sa bedside table para ilapag ang dala kong pagkain.
"Great coz' you're finally here." hindi ko mapigilang mag-blush sa mga simpleng hirit niya. Masisisi niyo ba ko? Namiss ko ang mga pambobola niya. Tinapik niya ang espasyo sa tabi niya. Umupo naman ako then he grabbed my left hand and squeezed it. "Alam mo bang pinakahihintay kong araw 'yun, Ash? But bad luck is on my side." tinignan niya ko ng deretso sa mata. I can see love in them. "I love you, Ash. I love you, so much that i want to spend my life with you. Will you be my bride?"
Nahigit ko ang hininga ko sa mga katagang binitawan niya. I can feel my tears rolling down on my cheeks. Sobrang saya ko na hindi ko na nagawang sagutin ng 'Oo' ang tanong niya instead tumango na lang ako ng sunod sunod.
Tumayo siya sa Hospital Bed niya at nagtatalon doon. "OH YEAH! We're gonna get married! God, Ash! You don't know how happy i am!"
Napangiti na lang ako. "Ano ka ba, Van?! Bumaba ka na nga diyan. Baka kung ano pang mangyari sa 'yo."
But instead na sundin niya ko, hinila niya pa 'ko paakyat ng kama at mahigpit na niyakap. "I'm the happiest man alive right now, Ash."
I hugged him back. "And i'm the happiest woman, baby."
He cupped my face and was about to kiss me when someone enters the scene.
"What the heck are you two doing?! Bakit nakatayo kayo diyan sa kama?!" sigaw ng pesteng istorbo sa magical moment namin ni Van.
Nilingon ko siya at tinignan ng masama. Masamang-masama. I glance at Van, at ganun din pala ang ginawa niya sa intruder namin ngayon.
Nagtaas lang ng kamay si istorbo, tanda na hindi siya lalaban. "Okay, okay. I ruined your moment." tinignan niya si Van. "Eh bakit kasi may pasigaw-sigaw ka pang nalalaman? Alam mo bang nabulabog ang mga pasyente dito?"
Bumaba na kami ni Van sa kama. Nakapamaywang akong lumapit sa kanya, "Eh bakit ba kasi nandito ka, Kuya?" Yep, si Kuya Travis ang pesteng istorbo.
"Actually, hindi lang ako ang nandito." Niluwagan niya ang pinto. "Dyaraaaaan!"
Colette holding a cake. Kai, a bouquet of red roses. Dad and Mom with a balloon in their hands and Van's parents with...errr...themselves :D I think... Dahil may kung anong hinagis si Tito Jacy kay Van.
Nasalo naman 'yun ni Van and to my surprise, it's a red velvet box. Hindi ko na kailangang manghula kung ano ang nasa maliit na kahon na 'yun dahil obvious naman siguro kung anong laman nun.
"It's your ring, son." nakangiting sabi ng Daddy ni Van na si Tito Jacy.
"We're gonna have our grandchild soon, mare!" patiling sabi naman ni Mommy kay Tita Vanessa.
Umiling iling nalang kami ni Van sa mga sinasabi nila.
I look at him with love in my eyes and reach for his lips. Wala na kong pakialam kung may audience kami tutal naman may sarili rin silang diskusyon.
I can't wait for my Wedding Day!
---
To be continued...
---

BINABASA MO ANG
You're my Sweet Disaster
HumorSi Ashlee ang tipo ng babaeng minsan lang tamaan ng pana ni Kupido, kaya ng makilala niya si Kai, humahanap talaga siya ng paraan, maka-score lang dito. Pero mukhang may umeepal sa pagsintang pururot niya sa binata, ang Bestfriend ni Kai na si Van...