---
YMSD. Chapter 22
@CCCchan
---
VAN'S POV
Napakapit ako sa seradura ng pinto habang pinupukpok ko ang ulo ko sa dingding. Nakalabas na 'ko ng kwarto. Napalitan ko na din ng damit si Ash at napunasan ang buong katawan niya. Mind you, 'BUONG KATAWAN'!
FVCK!
Dali-daling akong bumaba sa kusina para uminom ng nagyeyelong tubig. Napasapo din ako sa noo ko ng maalala ang mga nakita ko kanina. Actually wala naman talaga kong nakita dahil tinira ko ang under garments niya, pero hell mahirap pa din na makita siya sa ganung ayos.
*Sh*t ka, Van! Tama ng panto-torture 'yan sa sarili mo. Hindi mo na nga alam kung pano ka magpipigil sa loob kanina, pilit mo pang inaalala ang mga nangyari. Hindi mo ba nararamdaman na nanlalamig na 'yang pawis sa noo mo at nanginginig na naman 'yang tuhod mo?
Sumandal ako sa Kitchen Counter. Tama nga ang mahadera kong utak. Nanlalambot na 'ko. Ngayon ko lang nalaman na grabeng Self-Control pala ang meron ako.
Tinungga ko ang hawak kong tubig.
"V-van?"
Nabuga ko ang tubig sa bibig ko. Kadiri ka, Van! "A-ash? G-gising ka na pala. K-kumusta na ang pakiramdam mo? Hindi ka ba nahihilo? Nagugutom ka ba? K-kailangan mong uminom ng gamot. Hintayin lang natin 'yung Family Doctor namin para matignan ka ng maayos. Parating na rin 'yun." sunod-sunod kong sabi sa kanya. Nakita ko naman na napakunot ang noo niya. Hinay-hinay naman kasi sa pagsasalita, Van. 'Wag mo namang ipahalata na masyado kang tensiyonado sa nakikita mo. Si Ash lang 'yan, na bigla na lang sumulpot, na suot ang T-shirt mo na malaki sa kanya dahil umabot na sa kalahati ng hita niya ang haba.
'Yung feeling na malapit ng matunaw 'yung mga gamit sa tabi mo dahil nararamdaman mong inaapoy ka na. Damn! LALAKi AKO! At ngayong nakikita ko nga si Ash na nasa harap ko, wearing my shirt at alam kong tanging under garments lang ang nasa loob dahil wala akong mahanap na kakasya na pang-ibaba sa kanya, SHE'S MAKING ME FEEL FREAKiNG HOT!
Nakita kong naglalakad siya palapit sa 'kin. Mabilis kong binuhos ang natitirang tubig sa ulo ko. Mukhang nagulat siya sa ginawa ko dahil bigla siyang napahinto, "D-diyan ka lang, Ash. T-teka, magsa-shower nga pala ko. K-kumain ka na diyan, may pagkain na sa dining table. Hintayin mo na lang ako." Hindi ko na siya hinintay na magsalita. Tumakbo na ko sa kwarto ko.
Napasandal ako sa pinto at napapikit. Ash, please don't make me feel this way. 'Wag mo naman akong masyadong i-torture. Hindi sapat ang binuhos kong tubig sa ulo ko kanina kaya magsa-shower ako. Pesteng nararamdaman 'to, not to mention umuulan pa sa labas. Edi dobleng hirap. Napabuntong-hininga ako. Dumako naman ang tingin ko sa mga basang damit sa ibaba ng kama ko. Damit ni Ash?! Napatakbo na ko sa CR dahil baka kung ano pang masamang demonyo ang sumanib sa 'kin.
Tumapat lang ako sa Cold Shower habang ang dalawang kamay ko eh nakalapat sa dingding ng banyo.
I respect, Ash. Hindi ko gagawin ang bagay na 'yun sa kanya dahil hindi pa siya handa. I'll wait dahil mahal na mahal ko siya.
Tinapos ko na ang pagsa-shower ko. Pagkabihis, bumaba na ko sa kitchen para tignan si Ashlee. She's eating.
Napansin niya yatang may nakatingin sa kanya kaya lumingon siya sa direksyon ko, "V-van. O-okay ka lang ba?"

BINABASA MO ANG
You're my Sweet Disaster
HumorSi Ashlee ang tipo ng babaeng minsan lang tamaan ng pana ni Kupido, kaya ng makilala niya si Kai, humahanap talaga siya ng paraan, maka-score lang dito. Pero mukhang may umeepal sa pagsintang pururot niya sa binata, ang Bestfriend ni Kai na si Van...