Chapter 41

34 1 0
                                    

---

YMSD. Chapter 41

@CCCchan

---

ASHLEE'S POV 

After Van's Proposal, ilang araw lang ang tinagal ng paghahanda. It turned out na matagal na palang naka-ready ang lahat. Bago pa mangyari ang aksidente. Eh mismong wedding gown ko nga ready na rin. Kaya pala kinukulit ako last week ni Colette tungkol sa sizes ko. Siguradong-sigurado ang mokong na magpapalitan kami ng 'I Do'.

Hindi naman sa nagrereklamo ako, masaya pa nga 'ko dahil dumating na ang araw na pinakahihintay ko. Ang makasal sa lalaking mahal ko. Ang akin lang naman, HiNDi AKO HANDA! Siyempre mas gusto kong ako ang pumili ng lahat. Pero okay na rin 'to. Aarte pa ba 'ko? :D

"Ashlee, dear. Ready na ang Bridal Car. Ikaw ba ay ready na?" rinig kong sigaw ni Mommy sa tapat ng pinto ng kwarto ko. Katatapos ko lang magbihis ng gown ko. It's strapless pero heart shape ang hugis sa may dibdib kaya medyo sumisilip ang cleavage ko. Sumisilip lang naman so there's nothing to worry about :)

Sinenyasan ko ang make-up artist na nag-ayos sa 'kin para buksan niya ang pinto. Tumalima naman siya kaya hindi ko muna inalis ang tingin ko sa salamin. "Ang ganda ko talaga." Pagbigyan niyo na. Minsan ko lang purihin ang sarili ko. And duh! It's my Wedding Day kaya natural lang na kabog ang bride. At ako iyon :D

May narinig akong suminghap kaya napilitan akong lumingon sa gawi ng pinto. Napangiti na lang ako ng makita ko ang ekspresyon ng mukha ni Mommy at ni Nicolette na siyang Maid of Honor ko.

In-emphasize ko ang gown ko, "So, how do i look?" tanong ko sa kanila.

Mukhang nagising na sila sa panaginip nila. Charot lang! Mommy's still wide-eyed though. Tignan mo 'tong nanay ko. Hindi ba siya makapaniwala na keri pang mag-transform ng anak niya into a butterfly?

"You're gorgeous, Ash!" bulalas ni Colette. Tinapik muna niya si Mommy para siguro matauhan na bago siya lumapit sa 'kin and kissed my cheek. "Congratulations, sis. You're oh-so beautiful. Ang swerte talaga ng kurimaw na si Van sa 'yo!"

Ngumiti na lang ako sa sinabi niya. Ayoko ng magsalita dahil baka umiyak pa 'ko sa harap nila. I'm so happy that i might burst into tears. Who wouldn't? I'm spending my Special Day with them.

Sunod namang lumapit si Mommy sa 'kin. She grab both of my hands and tears starts to fall in her eyes.

 "I'm about to lose my baby." She touch my cheek. "I can't believe i'm seeing you dressed in that, Ash. Well, not this early. But still i'm happy for you." Nangingilid na ang luha ko ng palisin niya 'yun gamit ang hintuturo niya. "Don't cry, baby. It's your Big Day today, so, cheer up! 'Wag mo ng intindihan ang kadramahan ng Mommy mo. Your Dad and your brother are in the church already. And your groom, of course. Hala! I-push na natin 'to. Suit, yourself. We'll wait for you outside." tumango na lang ako sa mga sinabi niya at the same time natawa na rin. She's the greatest mom for me.

Pagkalabas nila, inayos ko muna ang sarili ko then sabay sabay kaming pumunta sa venue ng kasal.

---

VAN'S POV 

"Van!" napalingon ako sa tumapik sa balikat ko. "I'm sorry to say this but i have a bad news." bigla akong kinabahan sa sinabi niya lalo pa't makikita mo sa mukha niya na seryosong-seryoso siya. "Van, sorry." nakayuko pang dugtong niya. 

You're my Sweet DisasterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon