Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
••• Friyee's POV
"Kay Chaira ba 'yong pamaypay na 'yon?" Kunot-noong tanong ko.
Tumango-tango naman si Clio, "Lagot ka dun! Tinawag mo pang pamaypay 'yong RedLife n'ya!"
Ako pa tinakot ng lokong 'to? "Anong RedLife? Tinatawag n'ya ang bagay na 'yon na RedLife?"
"She believes that was the first thing comforted her after her family died." Ethan said at hindi na ako nag-usisa pa.
"That girl, she's strong physically and mentally." Clio's.
I tsked, she's also an idiot.
"Pulutin mo na 'yang gamit kuno ni Jhamie." Wika ko kay Clio, nasa gilid n'ya lang kasi ito. Bukas pa din ang laser pero parang bored na bored na.
"Ay, hindi 'yan. Tara sundan na ulit natin." -Clio's.
Mabilis naming tinahak ang daan at nakarating kami sa isang malaking pinto, nakasara ito at doon ko din nakikita ngayon ang pamaypay- este RedLife ni Chaira. Na tila ba ay naghihintay talaga sa amin at doon ko din nabatid na sa kan'ya pala naka-konekta ang laser ng gamit ni Jhamie.
"Step back." Wika naman bigla ni Ethan pero sinunod din naman agad namin ito ni Clio.
May lumabas na bow and arrow sa kamay n'ya at nag-aim ng patama sa mismong gitna ng pinto.
Wala pang tatlong segundo ay pinakawalan n'ya 'yon. Sa bilis ng bagay na 'yon ay halos hindi mo ito masundan at ang tanging segurado lang ay sumabog ang malaking pinto dahil sa kakaiba n'yang palaso.
At bigla namang bumalik ang palaso ni Ethan at nahagip na lamang ng mata ko ang paghampas muli ni Clio dito sa palaso gamit ang bat n'ya patungo sa ikalawang malaking pinto.
Napanganga ako ng bahagya. Their weapons are freaking on hype! That was so f*cking cool!
The arrow with the bomb. The bat with the speed strength.
Kung malaki at makapal ang naunang pinto, mas lalo na sa pangalawa. Kailangan ng mas malakas na pwersa at 'yon ang ginawa ni Clio at sumabog muli ito.
Tila ba umusok dahil sa mga alikabok, or what should we say it? Dust? Whatever.
Ilang segundo lang ay nawala ito at sapat na para makita namin ang mga nasa loob na nakakunot ang mga noo.
Nakita ko si Iris, at may lima pang lalaki. Si Chaira, Jhamie, at ang pamangkin ni Sado na nakatali at hawak-hawak pa ng tatlong lalaki.
Dose ang bilang ng nasa loob.
Ngunit may naramdaman akong kakaiba. Nilibot ko ang paningin at saktong nasa gilid, sa bandang likod ay nakikita ko ang isang tao.
Napatampal na lamang ako sa aking noo ng makilala ito.