GO:TM-53; 'Drive' |Illegal|

118 9 5
                                        

Hello, nagbabalik ako mwehehehehe

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Hello, nagbabalik ako mwehehehehe.

•••

Black's POV

"You're weird lately- at ano ba 'yang hinahaplos mo sa bulsa mo? Palagi ko na lang 'yan napapansin simula ng magkita tayo dito sa MU pero pinagsasawalang bahala ko lang." Natigilan sandali si Leathan ng marinig ang sinabi ni Friyee.

Agad s'yang napahawak sa bulsa at 'saka ipinasok ang kamay dito. Isang bagay lang naman ang palagi n'yang binubulsa at ngayon ay hinahaplos haplos n'ya ito ng marahan habang nakatingin sa naggagandahang mata ni Friyee.

Nagbago ang emosyon ng mata n'ya habang nakikipag titigan ito sa dalaga, ngumiti s'ya ng tipid. "Wala, secret. Ang sungit mo talaga. Alis na ako, hihintayin na lang kita Fri. Hihintayin kita.

Tumalikod na si Leathan at nagsimula ng maglakad palayo. Pinindot n'ya ang earpiece, "Anyone who's near in the Parking Lot?"

"Not me, bro. Nasa venue ako." sagot ng isa sa mga Phoenix na may pangalang Theo o mas kilala bilang Acqua. 

"Nasa dorm ako at nasa kalagitnaan ng jugjugan, hehe." s'ya ang tinaguriang playboy sa Phoenix, Drake. Mas kilala sa codename na Teal.

"Loko ka talaga! May pagsabog na't lahat lahat, 'yan pa din ang inuuna mo!" Sabat naman ni Vin, mas kilala sa tawag na Lime. 

"Bakit L? Nandito ako mismo sa sasakyan ko." baliwalang tugon ni Zach, maaari ding tawaging Berde.

"Kunin mo sasakyan ko, maghihintay ako sa entrance ng Gym. Dito sa venue." Paguutos ni Leathan.

"Okay." simpleng wika ni Zach at wala ng nagsalita pa.

Wala pang apat na minuto ay nakadating na si Zach sa pwesto ni Leathan gamit ang sasakyan nitong nagkikintaban sa kulay na lila. Ang sasakyan na nakita kanina ni Friyee. Hindi na nahirapan si Zach kahit wala s'yang susi dahil may voice activation o key ang lahat ng sasakyan nila. At ang bawat sasakyan ng Phoenix, lahat silang walo ay kayang kayang gamitin ang sasakyan. 

Bumaba na si Zach at lumapit kay Leathan. Tamang tapik lang sa balikat at umalis na ito. Naglakad na si Leathan at sumakay sa sasakyan.

Huminga s'ya ng malalim at inilabas ang kung ano mang bagay ang nasa bulsa n'ya. Isa itong maliit na kahon, kulay itim. Ngumiti s'ya ng mapait at inangat ang paningin. 

Sa may kalayuan ay nakikita n'ya si Friyee kasama sila Ethan na nag uusap usap. Pinagmasdan n'ya ang mukha ni Friyee at nakikita n'ya ang kakaibang tingin nito na napakaganda. Tingin na napakaganda habang kinakausap at tinitignan si Ethan- 'Kailan mo kaya ako titignan ng gan'yan, Fri?'

Sumandal s'ya, "I can live, I can love~" halos bulong na kanta n'ya at halos hindi kumukurap habang nakatitig kay Friyee.

"I can reach the heaven's above~" binuksan n'ya ang kahon.

GAME OVER: The MysteryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon