GO:TM-10; 'Duty as YD'

200 16 5
                                    

•••

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

•••

Friyee's POV

"Hello? What the-- What happened?"

"Anong what happened? Wala namang nangyari."

Shit, dapat hindi ko sinagot. Putcha, sermon na naman ang abot ko dito sa lalaking 'to.

"Bakit ka sumisigaw at anong nangyari at nasaan ka?"

Grabe talaga ang lalaking 'to. Walang pumapalya eh. Naka-uwi na ba 'to at naisipan 'ata nila mama at papa na sabihin na na-expel na naman ako? 

"Ah, wala 'yon. Naiinis lang ako." tugon ko dito at tinignan naman ng masama ang tatlong kasama ko sa lamesa, "Staring is rude." hasik ko sa kanila.

"Naiinis saan? At anong sinasabi mong 'staring is rude'? What exactly is happening there and where the hell are you? Another trouble again, Fri?"

"Ayan ka na naman Leath eh, matanong nga. Reporter ka ba?" 

"Anong reporter? Nag-tatanong lang ako dahil walang Fri ang naabutan ko kila tita, kauuwi ko lang from Italy."

"Anong nag-tatanong lang? Ulol, kilala kita at kapang-kapa ko na ang mga nota at tono mo."

"Eh, ayun naman pala eh. Edi sagutin mo na lang, saan ka na naman napadpad pagkatapos mong ma-expel."

Shit, sabi na nga ba. Napahagikgik na lang ako dito.

"Tss. Anong kababalaghan na naman ang ginawa mo? Pasalamat ka nalang Fri at may tumanggap pa na paaralan sayo, saan ka nilipat at kailangang wala ka dito sa bahay n'yo?"

"Grabe ka naman Leath, kababalaghan agad?"

"Oh, eh, anong tawag mo sa kaguluhan na nagawa mo?"

"Sakit mo naman sa bangs, eh sa lapitin ako ng gulo. Alam mo namang mahal na mahal ako no'n kaya ayon may napadala ako sa hospital."

Napatingin ako kay Clio ng ngumiwi ito, nginisian ko s'ya. At ang loko umiwas ng tingin sabay subo ng mga pagkain n'ya.

"Huwag mo nga akong niloloko, alam natin pareho na wala ka naman bangs."

"Tss. Kailan ka pa naka-uwi? Oy, pasalubong ko ah."

"Saan ka pumapasok?"

"Hmmp. Sa MU, Morte's University."

Ilang sandali pa ay natahimik sa kabilang linya, kaya naman ay tinignan ko kung may koneksyon pa ba. Sa ginawa ko ay nahagip ko ang matalim na tingin ni Ethan. Ano bang problema ng lalaking 'to at lagi na lang naka-tingin? 

GAME OVER: The MysteryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon