•••
Friyee's POVNagising ako dahil sa katok. Hindi man s'ya kalakasan pero aba'y nakakarindi dahil sa paulit-ulit at walang tigil. Walang pag-aalinlangan na kinuha ko ang alarm clock at ibinato sa gawi ng pinto. "What the Hell do you want?!" I shouted at the top of my lungs.
Shit, inaantok pa ako. I swear kapag kung sino man 'yan at hindi ako binigyan ng magandang dahilan, pupugutin ko ang ulo. Bwesit!
"A-Ah, Friyee?"
"Ano?!"
"Ay bolang kinalbo!"
I knotted my eyebrows at hinimas ang tungki ng ilong ko. Padabog akong bumangon at isinuot ang tsinelas. Naglakad ako patungo sa pintuan. Kinuha ko ang dagger sa hita ko at 'saka iyon binuksan at itinutok sa kanilang dalawa. "What the Hell?! Hindi pa natunog ang pesteng alarm clock ko pero nasira ko na, what a waste. Anong kailangan n'yo?!"
"F-Friyee? Hehehe, pwedeng pakilayo muna ng kutsilyo mo?" Wika ni Jhamie pero mas lalo ko pa iyong inilapit at nasa tili s'ya ng malakas kasama si Chaira. Tinignan ko sila ng masama, anong kutsilyo?! Nakaka-insulto sila ah! Kailan pa naging kutsilyo ang dagger?! Ang kutsilyo ay ginagamit sa kusina at ang dagger ginagamit pang-depensa! Tangina, umagang-umaga umiinit ang ulo ko!
Huminga ako ng malalim at bumilang mula one hanggang three. "What do you want? I already told you to not to disturb my sleep."
"A-Ah, ano kasi. May nag-iwan sa labas ng dorm natin." Sabat ni Chaira at may iniabot na kulay lila na envelope. Kumunot naman ang noo ko, "At dahil lang dito kaya kayo nang-istorbo?! Hindi ba pwedeng mag-hintay 'yang sulat na 'yan?!" Shit, I burst again.
"H-Huwag ka namang sumigaw, n-natatakot na a-ako." Jhamie said while hinding behind Chaira. I rolled my eyes and extend my hand and they placed the letter.
"Leche. Kanino galing ito?!"
"A-Ah, sa mga Phoenix. Pasensya ka na Friyee, nakakatakot kasi galitin ang mga 'yon kaya agad ka na naming ginising at para ibigay 'to."
"Phoenix?" Kunot na kunot na ang noo ko habang inaalala kung saan ko nga ba narinig ang pangalang 'yon, "Ah, the weaklings?" I said while remembering the commotion happened in the cafeteria. I rolled my eyes, anong topak na naman ng mga 'yon? Ang daming mga alam, hindi naman marunong lumaban ng maayos. Tsk.
Binuksan ko na ang envelope at tumaas ang isang kilay ko dahil sa isang pamilyar na sulat kamay. 'Good morning, Fri! In case that you forgot our breakfast, kindly proceed here now. I'm waiting and I'm hungry. So, faster.'
"Hindi ako makasasabay sa inyo, may baliw na nangyaya kumain. Geh, layas na sa harap ko." Wika ko at agad din naman sila umalis. Tsk, kailan ba sila magiging matapang? Parang mga lantang gulay eh. Wala namang mapapala kung puro takot ang inuuna. Tsk.
Pumasok na muli ako sa kwarto at dumiretso kaagad sa banyo. Naligo ako at nag-toothbrush na. Nag-bihis na din at nag-suklay. Kinuha ko ang bag ar board ko at humihikab na lumabas ng dorm. Nag-simula na ako sa pagpapa-andar ng board ng makapa ko ang cellphone ko sa aking bulsa. Binuksan ko iyon at napa-iling na lamang. Buti na lang talaga at nai-silent ko ang phone ko, kung hindi ay ito ang nabato ko kaysa sa alarm clock. Aba'y tadtad ng missed calls from Leath and some texts na puro tuldok lang. At haggang ngayon ay padagdag pa din ng padagdag. Ang lakas talaga ng topak.
BINABASA MO ANG
GAME OVER: The Mystery
Mystery / ThrillerWe solved mysteries. We are called the 'Young Detectives'. But what if, the biggest puzzle is me itself? Can we solve it? GAME OVER: The Mystery •MAGIC SERIES #5 ©All Rights Reserved.