GO:TM-14; 'A Hunch' |Suicide|

194 20 5
                                    

•••Friyee's POV

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

•••
Friyee's POV

"It's been a while, Ethan James. Aren't you going to say 'hi' before you leave?" Napa-tingin ako kay Leath ng sabihin n'ya 'yon habang naka-ngisi sa gawi ni Ethan. Bumalik naman ako ng tingin kay Ethan at nakita ko ang nagawang pag-hinto nito.

Humarap s'ya at blangko pa rin ang emosyon, "Hi, it's not nice to meet you."

Kumunot ang noo ko sa kanilang dalawa. "Magkakilala kayo?"

Naka-ngisi ang isa, walang emosyon naman ang isa. Something is going on and I'm sure that it is not good. They are staring into each other and I can see hatred in Ethan's eyes and playful in Leath eyes. What the Hell?

"Oh, Fri. He is my friend in here. You see." Lumingon ito sa akin.

Umirap ako at binatukan s'ya. "Aray!"

"A friend? Walang mag-kaibigang gan'yan tumingin." At 'saka ko itinuro ang gawi ni Ethan.

"Fri, madaming uri ng kaibigan."

"I will only give you ten minutes." Lumingon muli ako kay Ethan na naka-talikod na naman habang nag-lalakad. Aba, ang hilig mag-walk out nito. Kung hindi lang sa itsura at katawan, kaunti na lang. Mapagkakamalan ko na s'yang bakla.

"And what will you do if I don't come in ten minutes?" Saad ko dito habang pinaglalaruan ang board ko. Napansin ko namang huminto na naman s'ya at humarap sa akin.

"You will not like what will I do."

Ngumisi naman ako, "Really? Oh, I wonder what that is."

"Your time starts..." tumingin ito sa kan'yang relo at ilang sandali lamang ay, "Now."

May naramdaman naman akong umakbay sa akin, "Make sure not to hurt her, you know me. It's been a long time too when I last met her. So, I kinda want her near me."

Tumalikod na s'ya at nagsimula ng mag-lakad na naman. Itinaas n'ya ang braso n'ya at sigurado naman akong ipinapakita n'ya ang relo. Napatawa na lamang ako ng mahina, unbelievable.

Kinurot ko ang tagiliran ni Leath, "Aray! Kanina ka pa ah!" Nginisian ko muna s'ya bago ngumiti ng matamis. "Na-miss lang kita." Pagkatapos ay hinampas ko ang braso n'ya at napa-bitaw naman s'ya.

"Nakakatakot kang makaramdam ng miss." Saad n'ya at nag-cross pa ng kamay sa bandang dibdib. Itinaas ko ang kamay ko habang naka-yukom at tumawa naman s'ya na para bang kinakabahan.

GAME OVER: The MysteryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon