Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
•••
Friyee's POV
"Hoy! Ang pangit mo talagang mag-biro, Yee!" Clio said and that made my eyes rolled.
"Ikaw, kanina ka pa nasabat ah?!" Clio shouted at her with his eyebrows knotted.
Tumaas naman ang kilay ni Ikari, "Tanga, ngayon nga lang ako sumagot. Baka."
"Anong baka?! Sa gwapo kong 'to?! Baka, baka?! Mukha ba kong nag 'meeehh mehhh mehh'?!" Hasik ni Clio na halos magkasya na ang hinlalaki ko sa butas ng kan'yang ilong.
"Ay tanga nga. Kambing 'yan, Boy." Iling-iling na wika ni Ikari.
"Ay kambing ba? Nabago na? Eh, anong tunog ng baka? Mihiehihihi?" -Clio. Saan nag-punta ang talino nang mokong na 'to? Ang tanga nga, kabayo talaga 'yon.
Napatampal sa sariling noo si Ikari and she looks at him in disgust.
Habang si Clio naman ay mababasa mo talaga ang pagkalito, ang kunot na kilay at pag-nguso ng bahagya na ang mismong nagsasabi noon.
Tumingin naman s'ya sa iba, "Ano tunog ng baka?"
"Kokak 'yon, dude." I think this is Hebzucht.
"Talaga?" Tumingin pa 'to sa itaas, "Teka, parang sa palaka 'ata 'yon? Natanga ka na?"
"Tarantado, hindi ako salamin."
"Tarantado ka din, hmph. Wala naman akong nabanggit na salamin ka. Ayos ka lang?"
"Oo, at sa sobrang ayos ko ay masasapak na kita."
"Hoy, huwag ganon! Bawal! Baka gusto mong masipa at mapapaungol ako ng 'moo'!" Umakto pa 'tong sisipa-sipa.
I rolled my eyes at bigla na lang binitawan ang katawan na hawak ko. Walang nakapansin ni isa sa kanila kasi nasa dalawa ang kanilang atensyon.
"Nauntog ka ba? Baliktad utak mo, gago." -Vagy said.
"Huh? Pa'no mo nalaman? Scanner ka?" Tinuro pa ni Clio ito.
"Umayos ka nga. Pa'no ka naging VP ng YD kung gan'yan ang takbo ng utak mo?"
"Hoy, nakaka-insulto ka na ah? Hindi ba pwedeng curious lang talaga?"
"Iyang curiosity mo ay iba ang gustong malaman. Daig mo pa may amnesia para makalimot sa tunog ng mga hayop. Eh halos ilang beses mong marinig 'yan ng kabataan."
"Dami n'yo naman sinasabi eh! Gusto ko lang malaman ang tunog ng baka. Bad." He pouted and that is making me want to punch that lips and throw him in the lake instead.
"Kokak nga kase, dude." Hebzucht said again.
"Eh sa palaka nga kase 'yon!" -Clio said while stomping his feet.