Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
••• Friyee's POV
Nakaramdam ako ng kakaiba, na tila ba may isang enerhiyang bumabalot sa akin. Patuloy na umiinit ang mata ko sa hindi ko malamang dahilan.
Unconsciously akong napalingon sa gilid ko at nakita ko ang isang maliit na camera. They're watching us.
Nahagip na ng mata ko ang isang lobo na nangunguna sa iba pa. Sa tansya ko ay nasa higit singkwenta ang bilang nila.
Tumakbo ako at sinalubong s'ya. Hinampas ko ang armas ko na agad pumutol ng ulo n'ya.
Sunod sunod na ang iba, wala akong alinlangan na sunod sunod ding pinutol ang mga ulo nila. Kung gaano sila kabilis sumugod sa akin ay ganoon din kabilis ang pag-atake ko.
Wala akong pinapalampas sa kanila dahil sigurado ako na sila Leath ang pupuntiryahin nila. In this fight, ako lang ang may kakayahan na lumaban pa sa kanila.
Naging asul ang mga mata nila bigla habang mas lalong nangngisngisan ang mga ngipin nila. Inis na 'yarn?
I clicked my ring habang patuloy pa din ang paggalaw, nagkakamali ako. Parang nasa isang daan sila! Heck, parang hindi nauubos!
"Kailangan mo ng tulong?"
Narinig ko naman ang boses ni Ethan, I rolled my eyes. "How many wolves exactly in here?"
"Exactly One thousand. You already killed 35, while Phoenix killed 54, and Jhamie killed 89. So, there's only 822 left."
"Why the heck there are so many freaking wolves in here?!"
"Y-You're eyes, Y-Yee-"
Nangunot ang noo ko habang pinupugot ang ulo ng isang lobo na umatake sa akin. "Anong problema mo sa mata ko?"
Tumalon ako sa isang kakagat sana sa binti ko at 'saka malakas na pwersa kong hinampas s'ya ng aking armas.
Hindi sumagot si Clio kaya lalong nagtaka ako, anong meron sa mata ko? May mali bang nangyayari sa akin?
"Jhamie's in here and I kept her safe." Wika ko bago pinutol ang tawag at 'saka sumugod at sunod sunod ko silang pinaghahampas. Lahat ng madaanan ko ay pugot ang ulo.
Mga dugo nilang kulay berde ay nagtalsikan sa aking damit which really fucking disgust me! And heck, eight hundred more fucking wolves?! Oh come on! Ayokong pawisan!!!
Patuloy lang ako at masasabi kong nasa isang daan na ang napugutan ko. Freak, parang may mali.
Ramdam ko ang pawis na tumutulo sa noo ko pero hindi ako nakararamdam ng kahit anong pagod.
"I'll help you!" Biglang sigaw ni Leath.
At bago pa s'ya makatayo ay agad kong kinuha ang dagger sa hita ko at binato iyon sa direksyon n'ya. "Don't even think about it!"