Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
••• Friyee's POV
"Hoy, L! Sorry na, hindi naman namin alam eh!" Napa-irap na lang ako sa kanila. Kasama namin ngayon ang mga hinayupak na Phoenix members n'ya. Actually seven sila, kapag sinama mo si Leath ay walo syempre. Nandito na din si Zach na tahimik at hindi makatingin sa akin. Nandito kami ngayon sa labas ng clinic dahil sa babae kanina.
Ang gulo. Bakit kailangan pa nilang magpatayan? Ano 'to? To kill or to be killed? Madali lang naman kung gusto nilang mamatay, lapit sila sa akin tapos pumili sila ng patalim at 'yon mismo ang itatarak ko sa kanila. Sila nang bahala kung sa noo o sa puso. Tsk, ang sakit nila sa ulo pero at the same time talagang challenging.
"Sino kasing may sabi sa inyong dalihin n'yo s'ya?" Saad ni Leath habang naka-pikit na ang mga mata. Napa-ngisi na lamang ako, nagpipigil na 'yan. Lintik na lang kapag sumabog 'yan.
"Si Rosee kasi, sinakal n'ya daw s'ya." Sabat naman ng muntik ng sumampal sa akin. I rolled ny eyes.
"Talagang sasakalin ko ang kalandian ng babaeng 'yon. Ayoko s'yang makita, naiintindihan n'yo?" Wika ko naman sa kanila.
"At pakialam naman namin?! Edi pumikit ka!" Mabilis kong kinuha ang dagger na binigay ni Leath at ipinalipad patungo sa kan'ya. Dumaan iyon sa gilid ng tenga n'ya at ilang sentimetro na lang ay masusugat na s'ya. Tumama iyon sa pader na nasa likod n'ya. Bumaon at may kauntik crack na. Dahan-dahan akong nag-angat ng tingin sa kan'ya at nakita ko naman ang naglalakihang mata nito at halos hindi na makagalaw.
"Do you know what I hate the most?" Mabagal na wika ko habang tumatayo at inilagay sa likod ang aking dalawang kamay. Diretso ang tayo at dahan-dahan humakbang papalapit sa kan'ya.
Ilang hakbang na lamang ang layo at nababasa ko na ang takot, ngumisi lamang ako at nilagpasan s'ya. Hinawakan ko ang dagger ko, "I hate people talking to me like that. And when I hate something, there's a high possibility..." hinugot ko ang patalim ko at hinawakan ang dulo noon, umikot ako at tumingin sa kan'ya. "That this dagger will go straight in their hearts."
May lumipad na patalim patungo sa akin and I just simply tilted my head. "Huwag mo silang takutin. Maupo ka na dito, Fri."
I rolled my eyes, okay na sana eh. Trip ko pa namang magpanginig ng mga tuhod. Tsk. Umupo na ako katulad ng sinabi n'ya. "Why don't you just say your names at ng makilala at malista ko kayo sa Black List ko?"
"Fri."
"What? I'm not doing anything." Pinitik n'ya ang noo ko at tinignan ko s'ya ng masama. "Do you want to die?!"
Hindi naman n'ya ako pinansin at tumingin sa mga kasama n'ya. "I-I'm Dem." Wika noong tarantado kanina.
"Zach, at huwag mo naman ako ilista. Mag-kaibigan na tayo, right?"
"Who said?" Natahimik naman ito at nag-iwas ng tingin.