GO:TM-8; 'Zach'

262 16 0
                                        

•••Black's POV

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

•••
Black's POV

"Damn it!"

Sigaw ng isang lalaki sa isang silid, walang ilaw at tanging sinag ng araw lamang ang nagbibigay liwanag sa buong silid.

Makikita mo ang dilim ng kulay berde sa palibot ng kwarto nito. Katulad lamang ng nangingibabaw n'ya na berdeng mga mata. Salubong na kilay, nakataas na buhok. At pulang jacket na suot nito.

Isa lang ang sigurado, may nangyaring hindi maganda sa araw n'ya, naiinis s'ya sa hindi malamang dahilan. Napapasabunot sa buhok na para bang hindi alam ang gagawin.

Bigla namang tumunog ang kan'yang phone kaya naman ay napa-ayos ito ng pag-kakaupo at tinignan iyon.

"What?"

"Chill, bro!"

"Ulol."

"Ito naman, nasaan ka na ba Zach?"

"Bakit? Miss n'yo na 'ko?"

"Grabe 'to. Hindi 'no!"

"Ano bang mayroon?"

"Seriously bro? Limot mo na? Aba bro, tumatanda ka na!"

"Gago."

"Chill, badtrip ka na naman. Nakalimutan mo na 'yong meeting?"

"Anong meeting?"

"What the? Are you for real?"

"What meeting?"

"Jeez! Babalik na si L! S'yempre kailangan nating mag-usap-usap dahil tiyak naman na babalik na tayo sa Phoenix!"

"Tss. Oo na, saan ba tagpuan, Dem?"

"Cafeteria bro, building D."

Wala nang sermo-sermonyas na ibinababa na nito ang tawag at tumayo na. Kinuha nito ang board n'ya na may disenyong berdeng dragon.

 Kinuha nito ang board n'ya na may disenyong berdeng dragon

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
GAME OVER: The MysteryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon