•••
Friyee's POVNapa-upo ako ng sa wakas ay makarating sa pupuntahan ko. Pinukpok ko ang binti ko dahil mas lalo kong naramdaman ang sakit sa hinaba-haba ng nilakad ko.
'Oh my, I need water. Shit that bullshit.'
Tumayo na ako at walang katok katok o sermo-sermonyas. Itinapat ko ang I.D. ko sa detector at bumukas na ang pinto. Sliding door at automatic. Ang high-tech naman dito.
Hinila ko na ang dalawa kong maleta at dire-diretsong pumasok. Hinanap ko agad ang kusina at mamaya na ako maglilibot ng tingin. Nang makita ko sa bandang kaliwa iyon, tinahak ko na at binuksan ang refrigerator. Nakakita ako ng tubig, 'Holy, thanks!' Kumuha ako ng baso at nagsalin-salin. Halos maubos ko ang laman ng isang pitsel nang makarinig ako ng isang sigaw.
Tss. Roommate ko siguro, grabe naman makatili 'to. Ang sakit sa tenga.
"Y-y-you! S-sino ka?! A-anong g-ginagawa mo d-dito?! M-magnanakaw!"
OA much. Magnanakaw agad. Kung magnanakaw man ako, papatayin ko muna nanakawan ko para walang istorbo. At 'saka kitang tubig ang iniinom ko. Magnanakaw ng tubig pwede pa-- eh kaso dito din ako titira panamantala kaya hindi din pagnanakaw 'yon.
"Chairaaaa! May magnanakaw! Bilis bilis! 'di ako marunong mag-karate!"
Napa-irap na lang ako habang ibinababa ang pitsel at baso 'saka ko s'ya hinarap.
"H-hoy gaga! Dalian mo! Baka malagutan ako ng hininga dito! Mawawalan ka ng supply ng pagkain! Chaira!"
Bigla namang may lumabas sa isang kwarto na may hawak na walis tambo. Lumapit ito at pumwesto sa likod nitong makasigaw ay daig pa ang mikropono. Nakatutok sa akin ang hawakan ng walis.
"Hoy! Gaga ka talaga! Tinawag nga kita para tulungan ako aba eh bakit ka nasa likod ko?!"
"Hoy Jhamie! Gaga ka din! Kakasimula ko palang kahapon ng karate at hindi pa ako marunong!"
"Tss! Anong gagawin natin?! Oh my! Mahal ko pa buhay ko!"
"Hoy 'di ka nag-iisa! May pagkain pa akong kakainin!"
"Gusto ko pang makita si Clio! Oh my! Huhuhu!"
Kinalukot ko ang tenga ko, ang OA naman ng dalawang ito. Ito ba talaga magiging kasama ko dito buong school year?!
Nilabas ko ang butterfly knife ko na nakatago't naka-ipit sa pantalon ko. Nakita ko namang nanginig sila at namutla.
"Kapag hindi kayo tumahimik, iyang iniisip n'yo magkakatotoo na."
Nahagip ng mata ko ang sabay nilang paglunok. Pinaglaruan ko sa kamay ko ang butterfly knife at taimtim na nakatingin sa kanila.
Ayon sa mga narinig ko, si Jhamie ang sumigaw sa akin na parang tanga. May itim at maikli itong buhok, may katamtamang tangkad at medyo maliit sa kasama nitong si Chaira? Kulay brown naman ang buhok nito at mahaba. Sa tantya ko ay magkatangkad lang kami.
BINABASA MO ANG
GAME OVER: The Mystery
Mystery / ThrillerWe solved mysteries. We are called the 'Young Detectives'. But what if, the biggest puzzle is me itself? Can we solve it? GAME OVER: The Mystery •MAGIC SERIES #5 ©All Rights Reserved.