GO:TM-7; 'Trouble'

316 19 3
                                        

•••

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

•••

Friyee's POV

*Yawn*

On the way na ako papunta sa YD club room dahil may gagawin daw kaming exercises sabi ni Ethan. Sama ng gising ko, bwisit. Syempre, ano pa bang dahilan? 'yong alarm clock lang naman. Nabago ang time na tumunog iyon, from 6 am to 5 am. Sinabi naman nila Jhamie na hindi daw basta-basta ang alarm clock na 'yon, na kahit anong bato ko hindi daw iyon masisira. Si Chaira pala ang nag-lagay sa dati nitong pwesto, which is sa lamesa na tutok sa kaliwa kong tenga. Bwisit.

At kusa daw iyon nababago, may connection daw iyon sa kahit sinong president na sinalihan mo ang club. So ayun na nga, bwisit na James.

Hindi daw kami papasok na tatlo sa mga morning class namin at sa YD club room lang daw kami muna. At syempre wala akong choice kaya naman heto ako, bored na bored na nakasakay sa board ko. Hindi ko naman problema ang mga subject ko kung sakaling may na-miss akong lessons, I can teach my self and advance na ako.

Nag-yawn ulit ako at nag-unat ng mga kamay dahil sa wakas ay narating ko na ang pinto ng room. 6 am na pala at nakasuot lang ako ng simpleng fitted jeans at black na shirt. Well, puro naman Fitted Jeans at Black or white ang mga damit ko. At wala ng bago doon. Hindi na ako nag-sumbrero pero suot ko pa din ang salamin ko na walang lenses at syempre ang panyo sa wrist ko.

Sanay akong nagsusuot ng salamin na walang lenses, dahil kapag na-f-frustrate ako ay unconciously ko na lang nahihimas ang tungki ng ilong ko. At gusto ko din 'yong pakiramdam na may nagagalaw akong bagay. Gets? Wierd na kung wierd. Basta cool pa din.

Itinapat ko na ang I.D. ko sa detector at bumukas na ito. Pumasok na ako at huminto sa isang gilid upang ilagay ang board ko. Nang dumiretso na ako sa pinaka-loob ay naabutan ko naman silang dalawa. Si Clio tulog at naka-tungo pa sa lamesa habang si Ethan naman ay naka-pikit pero tuwid ang pagkaka-upo nito

"You're late."

Hindi na ako magugulat pa sa lalaking ito. Naka-pikit pa din ito at hindi man lang gumagalaw sa pwesto nito. Malakas talaga ang pakiramdam nito 'no?

"You didn't tell what exact time that I needed to come here. You only set the freakin' alarm clock." tugon ko dito at 'saka umupo sa upuan ko.

Napa-lingon ako kay Clio na humihilik pa. Iling-iling.

"When I set a time, only thirty minutes." wika naman nito at naramdaman kong sinipa n'ya si Clio mula sa ilalim ng lamesa.

"Payb mwinits." kunot ang noo nito at maya-maya ay narinig ko na naman ang hilik n'ya.

"Well, I don't know that until now." sabat ko at napa-hikab na naman.

Nahagip naman ng mata ko ang tingin nito kaya naman ay nilingon ko s'ya at tinaasan ng isang kilay. Nag-iwas ito ng tingin at bigla na lang binatukan si Clio. Kaya ayon, biglang napatayo at akmang susuntukin na si Ethan ng mag-tama ang tingin nila ay natigilan s'ya. Si Ethan na matalim ang tingin at si Clio na nanlalaki ang mga mata.

GAME OVER: The MysteryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon